Skip to content

Category: Web Links

Hindi problema ang uniporme

Sa dami-dami ng education-related na mga isyu, ang naisipan ng magaling na Education Secretary Jesli Lapus ay ang hindi na gagawing requirement and school uniform.

Ang pagkakaroon daw ng school uniform ay para narin daw pinababayaran ang public education.Ito daw ay ayon sa programa ng pamahalaan na bawasan ang gastusin ng mga magulang sa pagpaaral ng kanilang mga anak. “The move will enable more children to go to school.” Kapag makatipid raw ang mga magulang sa uniform, mas marami anak raw ang mapa-aral.

Big deal.

Pamana ni Arroyo sa bayan

Ang drama ngayon ni Gloria Arroyo ay “legacy” daw- and ipamana niyang pangmatagalan sa sambayanang Pilipino.

Kaya nandiyan yung mga proposal ng kanyang mga alagad na dagdag raw sa sahod, ibaba raw ang kuryente, libreng text at kung ano-ano pang pakulo na sa isip niya ay makamasa. Akala naman niya naloloko niya ang taumbayan.

Ang gusto niyang palabasin ay talagang bababa na siya sa 2010 at hindi na niya ipagpipilit ang charter change. Gusto raw nila maala-ala siya ng taumbayan sa mga magandang bagay.

Kapag katotohan, tama sa lahat na oras

Ano ba naman itong si JDV? Naghihintay raw siya ng tamang panahon para sabihin ang alam niya tungkol sa NBN-ZTE scandal kasi kapag kinuwento raw niya ang alam niya baka raw matumba si Gloria Arroyo.

O ano ngayon kung matumba si Arroyo? Yun ang pinakamagandang mangyari sa Pilipinas.

Sinabi ng Inquirer kahapon na tinawagan raw nila si House Speaker Jose de Venecia na nasa Russia tungkol sa plano ng Senate Blue Ribbon committee na tatawagin siya bilang resource person sa imbestigasyon ng maeskandalo na $329 million (dolyar yan, ha) na kontrata sa ZTE Corporation ng China para magpatayo ng national broadband dito sa Pilipinas.

Lalong nakakabahala

Update: Si CHR Chair de Lima daw ang lumalabag ng human rights ng mga police- Raul Gonzalez
Lahat tayo shocked sa nangyaring krimen sa RCBC sa Cabuyao, Laguna kung saan sampung tao ang pinatay ng mga magnanakaw.

Hindi sila nakuntento na nagnakaw. Pinagbabaril ang lahat na nanakita sa kanila.

Siyempre gusto natin mahuli ang mga kriminal. Sa sibilisadong mundo, salot ang mga kriminal. Ang gumawa ng kasalanan, dapat parusahan. Klaro yan sa mamamayan na ang may pakana ng krimen ay dapat maparusahan. Ayaw natin ang walang pakundangan na pagpatay ng mga inosente, lalo na kapag mga alagad ng batas ang may kagagawan.

Magkano ang presyo ng katotohanan

Tama naman si Sandra Cam sa kanyang sama ng loob sa ilang senador, lalo na kay Sen. Juan Ponce Enrile, na nagre-reklamo sa P2 million na gastos ng Senado para protektahan sina Rodolfo “Jun” Lozada, Jr. at Dante Madriaga, dalawang witness sa imbestigasyon ng NBN/ZTE bill.

Si Sandra ay naging witness sa imbestigasyon ng Senado sa jueteng kung saan kinuwento niya ang kanyang pag-deliver ng pera galing sa isang Col. Mosqueda ng PNP kay Rep. Iggy Arroyo, kapatid ni Mike Arroyo. Alam ni Sandra ang sakripisyo ng isang testigo laban sa mga lider ng sindikato ng kasamaan.

Bigay bawi

Latest as of May 21, 2008: Tuloy na naman ang fare hike. Click here for Inquirer’s story.

Latest: Binawi na naman. Click here for story on “Fare increases deferred.”

Noong isang linggo, pinaglandakan ni Gloria Arroyo ang P20 na dagdag sa minimum wage. Kahapon naman inaprubahan ang pagtaas ng singil sa pamasahe ng 50 sentimos sa jeepney at P1 sa mga bus.

Ano ito, binigay ng kaliwang kamay, binawi ng kanang kamay? Ang masakit pa nito, mas malaki ang binawi kaysa binigay. Nagpapatunay na puro lang talaga pang propaganda ang ginagawa nitong pekeng administrasyon. Dahil hindi na nila alam kung paano bigyan ng maayos at totoong solusyon ang problema ng kahirapan dito sa Pilipinas Kaya ang ginagawa, lokohan na lang.

Babalik at babalik ang hindi nabayarang kasalanan

Napansin nyo ba ang posters sa mga poste sa Metro Manila na nagsasabi, “Suportahan si Presidente, Ibagsak ang presyo ng kuryente.”

Mukhang malaki ang pondo nitong kampanya laban sa Meralco. Ngunit mukhang ang gumawa nito ay hindi nakihalubilo sa taumbayan. Mukhang doon lang sa kanyang airconditioned na upisina na bayad ng Malacañang kung hindi man mismo sa Malacañang.

Kabaliwan

Dalawang reports sa mga dyaryo kahapon ang nagpapatunay ng kasabihan na “Whom the Gods wish to destroy, they first make him mad.” Sa tagalog, “Ang gustong parusahan o sirain ng mga Diyos, ginagawa munang baliw.”

Ang mga reports na aking tinutukoy ay ang tungkol sa Meralco at kay Archbishop Oscar Cruz ng Lingayen-Dagupan.

Wifi country

Karachi -Nang papunta pa lamang kami sa Pakistan noong isang linggo, marami akong hindi magandang imahen sa bansang ito sa South Asia.

Nandyan na ang nakadikit na imahen ng terorismo. Katabi kasi sila ng Afghanistan kung saan nababasa natin na doon nagtatago si Osama bin Ladin ng Al Qaeda at mga Taliban. Akala natin ganoon rin sa Pakistan.