Patay ang demokrasya sa desisyon ni Judge Reynaldo Laigo ng Makati Regional Trial Court branch 56 sa class suit na isinampa ng mga mamahayag tungkol sa nangyari sa Manila Peninsula noong Nov. 29, 2007.
Kinampihan ni Laigo ang ginawa ng Philippine National Police sa pangunguna ni Police Director Geary Barias ng National Capital region na pag-aresto at pagposas sa mga reporter pagkatapos ng insidente kung saan sina Sen. Antonio Trillanes IV, Brig. Gen. Danilo Lim at mga Magdalo officers ay nag-walkout sa hearing sa Makati RTC at nagpunta sa Manila Pen kung saan hinikayat nila ang taumbayan na talikuran si Gloria Arroyo.