Skip to content

Category: Web Links

Konektado sa 2010


Mabuti naman at nagsasalita na si Special Prosecutor Dennis Villa-Ignacio
tungkol sa mga kababalaghan na nangyayari sa Ombudsman sa ilalim ni Merceditas Gutierrez.

Maayos na tao si Villa-Ignacio ngunit medyo inis ako sa kanya noong trial ni dating Pangulong Estrada sa kasong plunder. Alam ko trabaho lang niya at talaga namang may nagawang kasalanan si Estrada ngunit naiinis lang ako na sumisilbi siya sa mas malaking magnanakaw .

Sa akin kasi, kung sumusunod ka kay Gloria Arroyo, wala kang karapatan tumiligsa sa ibang magnanakaw. Unahin mo ang pinakapunong magnanakaw.

Bagsak

Sabi ni Gloria Arroyo sa Baguio City noong isang araw, “Kung alisin ang VAT sa gasolina at kuryente, ano ang ipapalit sa P80 bilyon na kita na ginagamit para sa mahihirap>”

Hindi ko alam kung siya ay tanga o nanloloko?

Ang VAT o value added tax ay 12 porsiyento sa presyo ng gasolina. Ibig sabihin noon, sa bawat isang daang na binabayad sa gasolina, ang P12 ay pumupunta sa pamahalaan. Kung wala ang VAT, dapat P88 ang ibinayad sa halip na P100.

Maling dahilan

Okay ang ideya ni Ozamis Archbishop Jesus Dorado na hindi magbigay ng holy communion sa mga pulitiko ngunit mali yata ang rason.

Sabi ni Dorado na ang mga pulitiko na sumusulong ng batas para magiging legal ang abortion ay nasa “situation of sin” o nasa a na sitwasyon kaya hindi sila dapat bigyan ng holy communion.

Sa Kristiano lalo na sa mga Katoliko, ang banal na communion ay isa sa pitong sakramento na tinutupad ng mga nanampalataya. Sa communion, tuwing misa, tayo ay pinaalalahan ng sakrispisyo na ginawa ng Panginoon para tayo ay mailigtas sa kapahamakan. Kapag tayo ay mag -communion tinatanggap natin ang Panginoong Jesus sa ating buhay kasama na ang kayang mga itinuro.

Mas buwaya

Habang tumatagal ang imbestigasyon ng paglubog ng MV Princess of Stars na hanggang ngayon ay nakataob pa malapit sa Sibuyan Island Romblon kasama ang mga 700 na bangkay, lumalabas na marami na palang palpak itong Sulpicio Lines ngunit palagi lang nakakalusot.

Sa report ng Inquirer noong Linggo, nalaman sa website ng maritime insurance na Lloyds na mula noong 1980, may 45 na aksidente ang nangyari sa mga barko ng Sulpicio Lines na ikinamatay ng sobra 4,500 na tao. Ang pinaka-malagim ay ang bungguan ng Doña Paz sa isang oil tanker na ikinamatay ng sobra 4,000 na tao.

Bistadong lokohan

Palibhasa’y madali naloko nila ni Gloria ang taumbayan noong Enero 2001 sa kanilang “People Power 2” kuno kaya nahirapan si Angelo Reyes, energy secretary ngayon, intindihin kung bakit hindi bilib ang mga tao sa kanilang moro-moro na rollback sa presyo ng gasolina noong isang linggo.

Pagkatapos na linggo-linggong pagtaas ng presyo ng gasolina na talaga naman ikina-ngitngit na ng mga tao, biglang nag anunsyo ng rollback na piso sa bawat litro ang mga gasoline companies. Nakapagtataka dahil hindi naman bumaba ang presyo sa world market na siyang ginagamit palaging rason kung bakit hindi nila mapigilan ang pagtaas linggo-linggo ng presyo.

Balik ang talunan

Ngayon na tapos na ang isang taon na ban o pagbabawal ng panunungkulan sa gobyerno ng mga tumakbo at natalo noong nakaraang eleksyon, huwag tayo magtataka kung makikita na nating sila bilang miyembro ng gabinete o hepe ng kung anong opisina.

Noong Biyernes, inanunsyo na ng Malacañang ang appointment ni dating senador Tito Sotto bilang bagong hepe ng Dangerous Drugs Board na may ranggo na cabinet secretary. Ibig sabihin noon miyembro na ng cabinet ni Gloria Arroyo si Sotto.

Mga padrinong obispo

Dati kung gusto mong rekomendasyon sa presidente, hahanap ka ng padrino na pulitiko. Ngayon, ang mag magaling pala na padrino para makakuha ng pabor kay Arroyo ay obispo.

Kung kilala nyo sina Arcbishop Eduardo Talamayan ng Tuguegarao at Juan de Dios Pueblos ang Butuan, doon kayo lumapit at mukhang malakas sila kay Arroyo.

Sige na, tigil na

Pwede ba tigilan na ni Gloria Arroyo ang kakapaliwanag kung bakit minabuti niyang manatili sa Amerika habang nagdadalamhati ang maraming Filipino sa bagsik ng bagyong “Frank”.

Mas nakakadagdag sa kalamidad na dinarama ng sambayanang Pilipino.

Bising-bisi si Press Secretary Jesus Dureza sa kanyang press release kung saan pinagyayabang ni Arroyo ang limos na nakuha niya sa Amerika dahil nandoon siya at naghahabol maki-pagusap kay George Bush, ang kapwa niyang laos na presidente, at ang dalawang kandidato para presidente sa nalalapit na eleksyon sa Amerika.

Mas malalang sitwasyon sa bigas

Ang likuran ng bahay namin sa Antique ay palayan ng aming kapitbahay. Sunod ng palayan na yan ay tabing dagat.Napakagandang tanawin.

Nang tumawag ako sa aming kapitbahay ilang araw dumaan ang mabangis na bagyong “Frank”, sinabi niya na ang palayan doon sa likod namin ay punong-puno ng putik at mga kahoy na galing sa bundok. Malapit kasi sa sapa yung palayan na yan.