Skip to content

Category: Web Links

Pati kasaysayan sinisira

Sinabi ni Sen. Benigno Aquino, Jr. na magpa-file raw siya ng bill para amyendahan ang ‘holiday economics’ na batas ni Gloria Arroyo.

Mabuti naman at nakakainis na. Sinira na ni Gloria ang ating demokrasya sa kaniyang pagbabastos ng eleksyon. Sinira na niya ang ang check and balance mechanism ng ating pamahalaan sa pag-corrupt ng maari niyang ma-corrupt at paglagay ng kanyang mga tuta sa Ombudsman at sa Supreme Court.

Pati kasaysayan hindi pinapatawad. Sa kakalipat niya ng mga holiday, nababawasan ang kahalagahan ng ating pinagdidiwang na petsa.

Bentahan ng Mindanao

Natanggap ko itong text ni Atty. Adel Tamano:

“I have received death threats via text messages because of my stand on the Memorandum of Agreement (MoA) on Ancestral Domain. Some persons who claim to be Muslim have declared me as persona non grata and deserving of scorn or even death merely because I am a Muslim and yet I protested against the MoA for being unconstitutional and excluding other stakeholders.

“While I respect everyone’s right to criticize, the threat of violence because of differences in opinion has no place in a democracy. Finally, Islam comes from the root word salaam which means peace and it is my hope that we can all debate on the MoA in a spirit of peace, respect, and brotherhood.”

Gusto yata ni Gloria gulo

Sa “Strictly Politics” noong Martes, kinumpirma ni North Cotabato Vice Governor Manny Piñol na kanyang mensahe ang umiikot sa text na nanawagan sa mga tao na humanda magdepensa sa sarili. Itong ang text:

“My beloved people. Tonite I was told by a top govt official that if our opposition to be included in the ARMM will result in MILF attacks, the armed forces will not be able to help us all out because that is the policy of this government. If this is the case we have to defend ourselves. Let us be brave and stand firm. God is with us”

Ang binigay ni Arroyo sa MILF

Hininto ng Korte Suprema ang pirmahan ng mga representatives ng pamahalaan ng Pilipinas at ng Moro Islamic Liberation Front ng napagkasunduan tungkol sa pagpatayo ng BangsaMoro Juridical Entity (BJE) na sana ay ngayong araw sa Kuala Lumpur.

Sa mga lumabas na dokumento ng agreement, maliban sa limang probinsya na kasama ngayon sa Autonomous Region for Muslim Mindanao (ARMM) -Maguindanao,Basilan, Lanao del Sur, Sulu , Tawi-tawi at marawi City, 712 pa na barangays sa lalawigan ng Sultan Kudarat, Lanao de Norte kasama ang 98 na barangay sa Zamboanga, at sobra isang daan na barangay sa North Cotabato and isasama sa BJE.

Ang balak ni GMA sa pera ng SSS

Hindi natin napansin ito noong sinabi ni Gloria Arroyo tungkol sa SSS sa kanyang state of the nation address dahil masyado kasi tayong na-excited sa sinabi niyang 50 centavos na lang ang text sa halip na piso na lumabas palang malaking pambobola.

(Maliban sa promo pala ng Smart at Globe hanggang Oktubre lang, para lang para sa pre-paid. Hindi kasama ang plan subscriber. At kailangan ka magregister at magbayad ng P20. At ang P20 pala ay hanggang 40 lang na text.)

Ito ang kanyang sinabi: “Pag-Ibig housing loans increased from P3.82 billion in 2001 to P22.6 billion in 2007. This year it experienced an 84% increase in the first four months alone. Super heating na. Dapat dagdagan ng GSIS at buksan muli ng SSS ang pautang sa pabahay. I ask Congress to pass a bill allowing SSS to do housing loans beyond the present 10% limitation.”

Ibang mundo ni Arroyo

Tinanong ko ang isang dating cabinet member ni Gloria Arroyo kung ano ang atmosphere kapag nasa loob ka ng Malacañang.

Gusto ko kasing intindihin kung bakit ang mga pinagsasabi ni Gloria Arroyo ay malayo sa nakikita at naramdaman ng taumbayan. Hindi ko alam kung siya ba ay nasa alapaap o talagang sobra siyang sinungaling.

Ang multo ng “Hello Garci”

Nilabas ng Vera Files ang special report na ginawa ko tungkol sa pagpalit ng Election Returns ng 2004 election sa Batasan na isinagawa ng Special Action Force ng Philippine National Police.

Ang Vera Files nga pala ay binubuo ng anim na beteranong reporters (kasama ako doon) na sumusulat ng mga artikulong nagpapaliwanag at nagbibigay ng perspective sa mga nangyayari ngayon sa ating lipunan.

Ang nakaw na Republika ni Gloria

Para hindi masira ang araw niyo bukas, patayin nyo ang inyong TV sa oras na si Gloria Arroyo ay maglulubid na naman ng buhangin sa Batasan.Huwag manood ng SONA ni Gloria.

Ang SONA ay State- of- the -Nation address o report ng kalagayan ng bansa ng isang pangulo sa sambayanan. Ito ay kaugalian sa isang demokrasya.

Katulad ng maraming institusyon ng demokrasya at marami pang bagay na binabastos at sinira ni Gloria Arroyo, itong SONA ay nawawalan na ng halaga dahil panay pagyayabang at pambobola lang ang sinasabi.