Skip to content

Category: Web Links

Ted Failon’s multiple tragedy

I pray that nobody, especially lesser mortals like me, will go through the multiple tragedy that happened to Ted Failon, one of the country’s top broadcasters.

It was tragic enough that a suicide has happened to the Failon family. It was double tragedy that a number of them became suspects and worse, they became victims of police arrogance and cruelty.

Many who witnessed the policemen’s rough treatment of Max Arteche and Pamela Arteche-Trincheta, siblings of Trina, Ted’s wife, who passed away Thursday, as well as that of their driver and household help lament that if that can happen in a case involving a broadcast celebrity under the glaring lights of live TV, how much more to ordinary citizens.

Shocked

Pinapahalagaan ko ang serbisyo ng mga pulis sa ating bayan. At alam kong maraming maayos na mga pulis kahit na alam ko din na marami ang hindi matino, na hindi naman pambihira sa lahat na organisasyon.

Alam ko rin na ang kasalukuyang liderato ng Philippine National Police sa ilalim ni PNP Chief Jesus Verzosa, ay sumisikap na maiba ang hindi magandang paningin ng publiko sa mga pulis. Nagustuhan ko ang programa ni dating PNP Chief Avelino Razon na “Mamang Pulis” na naglalapit ng pulis sa mamamayan.

Ngunit ang pinaggagawa g Quezon City Police kay Ted Failon ng ABS-CBN, lalo na sa kanyang mga kamag-anak ng kanyang yumaong asawa si Trina at at kanilang mga kasambahay, ay talagang shocking. Mabuti lang nandoon ang crew ng ABS-CBN at nakita ng bung Pilipinas ang ilegal at brutal na pag-arestado sa kanila.

Maaring ipilit ni Arroyo ang sarili

Sa tatlong taong tinanong ng Social Weather Station kung gusto pa nila na si Gloria Arroyo pa rin ang nasa Malacañang paglampas ng June 30, 2010, dalawa ang nagsabing “ayaw ko.”

Ngunit ang tanong: may epekto ba ito kay Arroyo, sa kanyang pamilya at sa kanyang mga alagad? Kung meron man, yun ay lalong maghahanap ng iba pang paraan na tuloy ang kailang ligaya lampas ng 2010 at kung hindi talaga mapalawig ang pagpanatili sa kapangyarihan, paano nila mapruteksyunan ang kanilang sarili.

Nilabas ng SWS noong Martes ang survey na kanilang isinagawa noong Pebrero 20-23 sa tanong na, “Kayo po ba ay sang-ayon o hindi sang-ayon sa Charter Change na papayagan si Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo na manatili bilang PINUNONG OPISYAL NG PILIPINAS nang lampas sa Hunyo 30, 2010?”

Pagwawaldas ng pera sa Dubai

Kunwari sa mga press release ng Malacanang ay inaasikaso ni Arroyo ang paghihirap ng mamayang Pilipino sa gitna ng krisis pang-ekonomiya kung saan libo-libong OFW ang nawawalan ng trabaho.

Pero sa totoo lang patuloy ang pagwaldas ng pera ng taumbayan sa sariling luho kasama na ng kanyang mga alagad.

Sumulat sa aking blog si Ares Gutierrez, isang Pilipinong manunulat na nagtatrabaho sa XPRESS sa Dubai, tungkol sa bisita ni Arroyo. Sabi ni Ares, inis na inis raw siya nang pinakilala ni Arroyo ang sangkaterba niyang kasama.

Dasal para sa Abu Sayaff hostages at sa bayan

Sana paglabas ng kulom na ito ay nakabalik ng ligtas sina Mary Jean Lacaba Filipina), Andreas Notter (Swiss) at Eugenio Vagni (Italian), ang tatlong International Red Cross (IRC) workers ha hawak ng bandidong grupong Abu Sayaff.

Habang sinusulat ko ito (Miyerkules ng umaga), walang balita na may napugutan sa kanila na siyang banta ni Albader Parad, ang lider ng grupo na may hawak sa tatlong hostages sa kanyang. Sabi ni Parad, pupugut siya ng ulo ng isang hostage kapag hindi nag-pull out sa Sulu ang military ng alas 2 ng hapon Marso 31.

Ayun kay Sulu Governor Sakur Tan, nang tanungin noong Martes ng hapon si Parad kung may ginawa silang masama sa mga hostages, ang sagot ay “Wala akong masabi.” Kaya, hindi talaga natin alam kung ano ang nangyayari doon sa bundok ng Jolo.

Mali ang minura ni Tsao

Huwag magkamaling pumunta dito sa Pilipinas itong si Chip Tsao at babalatan siyang buhay.

Itong si Chip Tsao na taga Hongkong ay sumulat sa isang Hongkong magazine at galit na galit siya sa mga Pilipino dahil kini-claim ng Pilipinas ang ilang isla sa South China Sea. Sa pag-iisip kasi ng China, sila ang may-ari ng buong South China Sea.

Maliban sa Pilipinas at China, apat pa ng bansa ang nagsasabing sila ang may-ari ng ilang isla diyan sa South China Sea katulad ng Vietnam, Malaysia, Brunei at Taiwan (na sinasabi ng China na probinsiya lang nila.)

Okay lang ang may mga claim na hindi magkatugma. Pwedeng pag-usapan ng maayos. Ang hindi okay ay ang panlalait na ginawa nitong si Tsao.

Mga sundalo at pulis, biktima ng Legacy

Hindi lang pala mga retired na guro at mga vendors ang naloko ni Celso de los Angeles at ng kanyang Legacy Group of companies.

Ang educational plan ng 15,000 na anak ng sundalo at pulis pala ay napurnada na rin. At ang malungkot pa nito, marami sa mga sundalo ay walang kamalay-malay na wala na pala ang inaasahan nilang educational plan para sa kanilang mga anak.

Nabulgar lang ito noong isang araw ng mag-anunsyo si Fe Barin ng Securities and Exchange Commission na para raw tulong sa mga nabiktima ni de los Angeles, magpapalabas ang SEC ng pera para pambayad ng tuition ng mga planholders sa darating na pasukan. Sinabi niya ang Scholarship Plans Phils. Inc., ang isa sa mga kumpanya ni de los Angeles.

Tiwala lang talaga

linda-dragon

Kahapon, nasa US Embassy ako dahil schedule ng interview ko para sa renewal ng aking US visa. May na-discover akong isang kalakaran doon na nagpapatibay sa aking tiwala sa Pilipino.

Matagal-tagal na rin akong nakapunta sa visa section ng US Embassy kaya hindi ko alam na bawal na pala ngayon magdala ng cellphone at kung ano-ano pang electronics. Sa mga okasyon kasi na pumupunta kami doon katulad ng July 4 reception o mga press conference, pinapaiwan sa amin sa reception area ang aming mga cellphone.

Nang nandoon na ako (7:30 a.m ang schedule ng aking interview) saka ko pa lang nakita ang karatula na bawal ang cellphone at lahat na electronics equipment mula pa noong March 1, 2007. Malaking problema ko kasi saan ko naman i-iwanan ang aking cellphone? Wala naman akong kasama. Galing pa ako ng Las Piñas.

Gloria Arroyo forever

Ang balita, nai-insecure na raw si House Speaker Prospero Nograles dahil mukhang hindi bilib and kanyang mga padrino sa Malacañang sa kanyang liderato sa Kongreso. Hindi raw niya naitutulak ng husto ang charter change.

Kaya kinaka-ilangan pumunta si Mikey Arroyo, anak na kongresista ni Gloria at Mike Arroyo, kay dating House Speaker Jose de Venecia para hingi-in ang kanyang tulong dahil kulang pa raw sila ng mga 20 na boto.

Ang usap-usapan nga si Mike Arroyo mismo ang kuma-usap kay JDV at ang ipinangako raw ay ibalik siya sa pagka-speaker.

Ang motibo

Wala namang duda na inipit si dating police officer Cezar Mancao para gumawa ng bagong affidavit na siyang nilabas ng administrasyong Arroyo noong isang araw.

Ito namang si Justice Secretary Raul Gonzalez. Paimbistigahan pa niya ang pag-leak daw ng dokumento. Sino ba naman ang magli-leak niyan. Sinasabi dalawa lang daw ang kopya ng Pebrero 2009 na affidavit ni Mancao (meron din kasing Marso 2007 na affidavit) . Ang isa ay hawak ng abogado ni Mancao sa Amerika na si Arnedo Valera at ang isa ay kay Gonzalez.

Di ba sinabi ni Gonzalez na nakatago sa vault? Sino ba ang may susi sa vault?