Okay ang ideya ni Ozamis Archbishop Jesus Dorado na hindi magbigay ng holy communion sa mga pulitiko ngunit mali yata ang rason.
Sabi ni Dorado na ang mga pulitiko na sumusulong ng batas para magiging legal ang abortion ay nasa “situation of sin” o nasa a na sitwasyon kaya hindi sila dapat bigyan ng holy communion.
Sa Kristiano lalo na sa mga Katoliko, ang banal na communion ay isa sa pitong sakramento na tinutupad ng mga nanampalataya. Sa communion, tuwing misa, tayo ay pinaalalahan ng sakrispisyo na ginawa ng Panginoon para tayo ay mailigtas sa kapahamakan. Kapag tayo ay mag -communion tinatanggap natin ang Panginoong Jesus sa ating buhay kasama na ang kayang mga itinuro.