Update: Judge Lorredo allowed Lozada to be under Senate custody.
Kung nakakahawa ang masama, ganuun din ang kabutihan at katapangan. Nanindigan si Jun Lozada. At ito, nakita rin natin na naninindigan ang judge na humahawak ng kanyang kaso, si Judge Jorge Emmanuel Lorredo.
Dinala sa Medical Center Manila si Lozada noong Martes ng gabi dahil sa dehyration. Mabuti na rin daw ang lagay niya ngayon.
Naka-schedule siyang i- arraign sa sala ni Judge Jorge Emmanuel Lorredo ngayong araw at 8:30 ng umaga. Bago niyan magkakaroon ng pagdarasal. Sabi ni Lorredo sa kanyang pambihirang order na maaring sumali ang mga iba’t-ibang grupo na sumusuporta kay Lozada sa morning prayers . Sabi pa niya gusto ng Supreme Court na simulan ang sesyon sa korte ng pagdarasal.