Sinulat kamakailan ni Lito Banayo, kolumnista ng Malaya, ang nasagap niyang balita sa kanyang mga kaibigan sa Malacañang na magkakaroon ng rigodon sa gabinete ni Gloria Arroyo sa bagong taon.
Sinabi ni Banayo, at kumakalat na ngayon sa text, papalitan ni DILG Secetary Ronnie Puno si Executive Secretary Eduardo Ermita. Bibigyan daw ng ambassadorial si Ermita o isang position sa isang malaking korporasyon na lumalangaoy sa pera katulad ng san Miguel Corporation.
Si Environment Secretary Lito Atienza daw ang papalit kay Puno sa Department of Interior and Local Government. Papalitan naman si Atienza ni dating congressman Prospero Pichay. Maala-ala natin si Pichay ay tumakbo ng senador. Gumastos ng malaki sa advertisements ngunit natalo pa rin. Ngunit maaari lamang maging DENR secretary si Pichay sa Hunyo pa dahil mayroong isang taong ban na hindi maa-aring manungkulan sa pamahalan ng isang taon ang mga tumakbo at natalo sa isang eleksyon.