Siguro naman sisipot na si Mike Arroyo sa hearing ng aming class suit sa Makati Regional Trial Court sa Marso 11,susunod na Miyerkoles, 2 p.m.
Kung ayaw naman niya, sabihin na lang niya sa korte ibigay na niya ang hiningi naming danyos na P12.5 milyon na ilalagay namin sa isang trust fund para tulong sa mga journalists na walang pambayad ng abogado kapag sila ay sinampahan ng kaso ng libel katulad ng ginawa sa amin ni Arroyo.
Noong Biyernes, binasura ni Court of Appeals Justice Fernanda Lampas-Peralta ang petisyon ni Arroyo na ibasura ang aming class suit dahil kulang raw ang binayad namin na filing fee.