Update:
Malacañang statement:
In keeping with the President’s longstanding position that the cause of justice and sustained reforms in ARMM require live coverage of the Maguindanao Massacre Trial, Secretary Herminio Coloma of the PCOO has instructed NBN4 to undertake a gavel-to-gavel coverage of the trial.
Related links:
http://sc.judiciary.gov.ph/jurisprudence/2011/june2011/10-11-5-SC.htm
http://www.gmanews.tv/story/223349/nation/sc-allows-live-coverage-of-maguindanao-massacre-trial
http://harryroque.com/
Binabawi ko na ang aking palakpak sa desisyun ng Supreme Court na pinapayagan ang TV na magkaroon ng live broadcast ng trial ng Maguindanao masaker.
Sa dami ng kundisyunes na binigay ng Supreme Court para makapag-cover ng live ang TV, Malabo na rin mangyayari.
Ayun sa desisyun na sinulat ni Justice Conchita Carpio-Morales na sinang-ayunan naman ng lahat na justices, isang TV camera lang ang papayagan sa loob ng korte kung saan doon kukuha na ng “feed” ang ibang TV networks.
Walang problema sa kundisyun na ito. Nagawa na ito sa ibang kaso katulad ng kay dating Pangulong Joseph Estrada.