Ang tapang naman ng apog nitong si Senior State Prosecutor, Juan Pedro Navera magreklamo sa desisyun ni Pangulong Aquino na magbigay ng amnestiya sa mga sundalong nanindigan sa illegal na administrasyon ni Gloria Arroyo.
Kasama sa nabigyan ng amnestiya si Senador Antonio Trillanes IV na hanggang ngayon ay nakakulong pa. Mga 300 na opisyal at enlisted men ang sakop ng amnestiya kasama na rin sina Maj.Gen. Renato Miranda, Brig.Gen. Danilo Lim, at Col. Ariel Querubin.
Ang amnestiya ay magpawalang halaga kung sakaling magdesisyun sa Oktubre 28 si Judge Oscar Pimentel na “guilty” sina Trillanes at mga lider ng Magdalo ng “kudeta” sa nangyari noong Hulyo 27, 2003 sa Oakwood Hotel sa Makati kung saan binulgar nila corruption sa military kasama na ang pagbenta ng mga armas at bala sa kalaban na siyang ginagamit para patayin sila.