Updates:
In Libya: Missiles strike in first wave of allied assault http://www.msnbc.msn.com/id/42164455/ns/world_news-mideastn_africa/
In Japan: Situation in Nuke plant stabilizing; radiation found in Japanese milk, spinach http://www.msnbc.msn.com/id/42165497/ns/world_news-asiapacific/
Click on photo to view it enlarged
Sinabi ni Dennis Garcia sa kanyang Facebook wall na kasama ang mga freedom fighters sa Libya sa mga biktima ng lindol, tsunami at nuclear fallout sa Japan.
Kasi nga, sabi ni Dennis (ng popular na bandang Hotdog noon) dahil sa ang atensyun ay sa Japan, napabayaan ang Libya ng ibang malalaking bansa at unti-unti nang nababawi ni Muamar Gaddafy ang mga teritoryo na sakop ng mga rebelde.
Bago nangyari ang lindol sa Japan, ang atensyun ng mundo ay sa Libya kung saan namimiligro nang mapatalsik si Gaddafi sa kanyang kapangyarihan na hawak niya ng 41 na taon. Lumalapit na ang mga rebelde sa Tripoli, ang capital ng Libya kung saan nandun ang mga pwersa ni Gaddafy.
Ngunit noong Biyernes, habang patuloy na binabantayan ng mundo ang sakuna sa nuclear reactor sa Fukushima, Japan na napektuhan ng lindol, inaprubahan ng United Nations ang no-fly-zone nan nagbabawal kay Gaddafy na magpalipad ng eroplano ng military laban sa mga rebelde.