Skip to content

Category: House of Representatives

Alerto: hindi titigil ang kampo ni Arroyo

Ang nangyari noong Lunes (Martes na nga pala ng medaling araw) ay hindi maisip mangyari kung si Gloria Arroyo pa ang nasa kapangyarihan. Iba na talaga ang panahon.

Sabi nga ni Bayan Muna Rep. Neri Colmenares, ilang impeachment complaint na na kasama siya sa pagsulong para mabigyan hustisya ang taumbayan na pinagsamantalahan ng mga nasa kapangyarihan ngunit walang nangyari dahil hawak ni Arroyo ang mga kongresista.
Iba na talaga ang panahon.

Maganda ang sinabi ni Anak Pawis Rep. Rene Mariano na ang impeachment complaint laban kay Gutierrez ay laban ng mga magsasaka na siyang ninakawan nina Arroyo at ng kanyang mga kasama na ang mga opisyal sa Department of Agriculture. Isa sa kaso sa Articles of Impeachment ay ang P728 milyon na anomalya sa abono.

Bastos na kinatawan ng edukasyon

MagsaysayPaano ba naging kinatawan ng mga educators itong si sectoral Rep. Eulogio Magsaysay? Bastos pala ito.

Ocampo

Mabuti naman at sinabi ng Philippine Airlines Employees Association (PALEA) na itutuloy nila ang pagsampa ng kaso sa Ombudsman at sa Ethics Committee ng House of Representativces laban kay Magsaysay kahit na humingi na ito ng paumanhin.

Ang nangyari kasi nong Dec. 17, sumakay sa Philippine Airlines papuntang Amerika si Magsaysay kasama ang kanyang asawa at dalawang anak. Nasa Mabuhay Lounge sila sa Centennial airport at kinausap niya ang ground stewardess na si Sarah Ocampo, kung pwede magkatabi sila ng kanyang anak.

Sinabi ni Ocampo na hindi pwede dahil puno sila. Hindi bakante ang katabi niyang upuan.

Foul, foul

These scoundrels really know timing.

They unloaded their dirty tricks at the time when when the public was busy with Christmas shopping and parties while coping with issue overload — Amnesty proclamation for military rebels, release of Morong 43, boycott of Nobel Peace Prize ceremonies in exchange for the life of Filipino drug traffickers, and acquittal of Hubert Webb and company in the Vizconde massacre case .

First was the decision of the Supreme Court allowing Mikey Arroyo to take his seat as sectoral representative of the security guards and tricyle drivers upholding the bastardization of the partylist system. The second was the deal struck by retired Maj. Gen. Carlos Garcia with the Sandiganbayan.

Ang pagbangon mula sa trahedya

Her death gave birth to INA
Noong Huwebes ay may misa sa Santuario de San Antonio sa Forbes Park, sa patuloy na pagdasal para sa katahimikan ng namatay na si KC de Venecia , anak ni dating House Speaker Jose de Venecia at ang kanyang asawa na ngayon ay congresswoman ng 4th district ng Pangasinan na si Gina.

Labing-anim na taon si KC nang nangyari ang trahedya na nasunog ang kanilang bahay sa Dasmariñas Village, tirahan ng mga mayayaman, noong Dec. 16, 2004. Huli na nag malaman nina Gina na nandoon pala si KC sa loob ng bahay at hindi na nakalabas.

Matagal bago naka-recover ang pamilyang De Venecia sa trahedya lalo pa si Gina. Sa aming pagtipon-tipon noong isang linggo sa kanilang bagong bahay, sinabi ni Gina na nakatulong ng malaki ang mga kasamahan niya sa “INA” (Inang naulila sa anak), ang grupo ng kanyang itinatag sa kanyang pag-uusap sa ibang ina na nawalan rin ng anak.

Sa halip na mamumukmuk at magpakalunod sa hinagpis, ginawa ni Gina ay nakipag-hawakan ng kamay sa kapwang nagdurusang ina at magtulungan. Madali nahilom ang kanilang mga sugat at marami sa kanila ngayon ay mas malakas dahil sa trahedya.