Skip to content

Category: Health

Nabulilyaso ang sabotahe ni Arroyo sa murang gamot

Ang ugat ng kontrobersya sa executive order na magpapatupad ng Maximum Retail Price (MRP) na nakasaad sa 2008 Cheaper Medicines Act ay inggit. Inggit ni Gloria Arroyo na makalamang si Senador Mar Roxas sa isyung ito.

Sabi ng isang source namin sa Malacañang inis raw si Arroyo na ang pipirmahan niyang executive order ay magagamit ni Roxas sa kanyang kampanya para presidente sa 2010. Kaya pinulong niya ang mga hepe ng pharmaceuticals nuong Hulyo 8 at sinabing ibaba nila ang presyon ng 50 na gamot para siya ang sikat at masasabi niya na mas magaling siya kasi 22 lang ang gamot na nasa listahan ng MRP.

Ang kapalit siyempre ng kooperasyon ng mga pharmaceutical firms ay hindi pipirmahan ang MRP.

Dasal para kay Cory Aquino

Tuwing tanghali, may misa sa Greenbelt para kay dating Pangulong Cory Aquino. Ito ay siyam na araw na novena na nagsimula noong Miyerkules.

Alam ko na maliban sa mga dumadalo sa misa, marami ang nagdadarasal kay Cory na ngayon ay maselan ang kalagayan dahil sa kanyang sakit na cancer of the colon.

Sinabi ni Deedee Siytangco, ang spokesperson ni Cory, na pinagpasiya na niya pagkatapos ng konsultasyon sa kanyang mga doctor at pamilya na hindi na ipagpatuloy ang chemotherapy. Inalis na siya sa Intensive Care Unit at nasa private room na siya. Ito ay para makakapiling niya ang kanyang mga mahal sa buhay.

Namimilipit si Remonde sa pekeng boobs ni GMA

Update: I thought we heard the last of Arroyo’s silicon breast implant with Malacañang’s admission but here’s the NBI entering the picture:
NBI probes ‘boob job’ leak

Si dating Pangulong Cory Aquino ay nasa maselang lagay dahil sa kanyang sakit na colon kanser at pinagdadasal natin bigyan siya at ang kanyang pamilya ng lakas sa pagsubok na dumadaan sa kanilang buhay.

Ito naman si Gloria Arroyo ang pinag-uusapan ng mga tao ay ang kanyang problema sa kanyang pekeng boobs.

Siyempre, katulad ng dati, kung ano-anong kuwento ang ginawa ng Malacañang. Nang nabuking na, saka nalang umamin.

Ang mas mabigat na problema

May kumpirmado ng biktima ang A(H1N1) o swine flu sa Hongkong kaya lalong itinaas ng Department of Health at National Disaster Coordinating Council ang alerto.

Ang biktima ay 25-taong gulang na lalaki. Galing daw sa Mexico, ang sentro ngayon nitong epidemic (pandemic na nga ang sabi ng iba opisyal. Ibig sabihin, pangkalahatang mundo na) na dumaan sa Shanghai. Mabuti pa naman daw siya ng nasa Shanghai siya ngunit nang dumating sa Hongkong ay nagkaroon siya ng lagnat.

Kaya praning na praning ang mga opisyal ng Hongkong dahil noong 2003, nang umatake ang SARS, tinamaan din sila at 229 ang namatay doon.

Masama ba ang humiling na magka- swine flu ang mga congressman sa Las Vegas?

Ano pa ba ang magagawa nating mamamayan sa mga halos 50 na walanghiyang congressman na nasa Las Vegas ngayon para manood ng Pacquiao-Hatton fight sa gitna ng kahirapan ng sambayanang Pilipino?

May isang namatay na sa swine flu sa Nevada.

Sinulat ko sa Facebook ang aking muni-muni, “Masama ba kung hilingin ko na sana magkaroon ng swine flu ang mga congressman na nandun sa Las Vegas para manood ng laban ni Pacquiao?”

Swine flu, swine scam

Iwasan daw muna ang magbeso-beso, sabi ni Agriculture Secretary Arthur Yap dahil sa swine flu na umaatake ngayon sa Mexico.

Sa mga report kahapon sobra isang libo na ang natamaan ng swine flu sa Mexico at 81 na ang patay. Dahil sa bago itong virus na galing daw sa mga baboy, wala pang gamot para talaga duon. Mga gamot na gamit dati sa bird flu ang ginagamit ngunit mukhang hindi masyado raw umuubra.

Pinagbawal na muna raw ang pag-angkat ng mga baboy sa Mexico at sa United States. Sabi ni Yap hindi naman daw apektado ang mga baboy natin dito sa Pilipinas at basta lutuin lang daw ng husto, okay lang.

Tour of Hope 2009

There’s a way to enjoy the summer sun and still do something for the less fortunate: get involved with Tour of Hope 2009.

On its second year, Tour of Hope is actually an information campaign about cervical cancer through cycling. The five-day cycling event will start in Alabang, Muntinlupa City on May 24 and end in Camarines Sur on May 28.

Taking the Southern Luzon route, the tour will cover 500 kilometers of the country’s scenic countryside including Tagaytay,Lipa,Lucena, Daet. In every stop, there will forums on cervical cancer to be participated in by personnel of the Philippine General Hospital Cancer Institute and Bravehearts, a non-government organization Bravehearts dedicated to raise awareness on
cervical cancer prevention.

Tempest in high seas

Three days before the Philippine Archipelagic Baselines Law ( Republic Act No. 9522 ) was signed last Wednesday, the United States protested “harrasment” by Chinese vessels of their mapping ship in international waters off China which once again underscores the volatility of the South China Sea.

Immediately after Malacañang announced the signing of the baseline law, China protested the inclusion of islands in the Spratlys and Scarborough shoal in Philippine territory as “regime of islands” even as Sen. Antonio Trillanes IV, who was the first one to file a baseline bill, accuses the Arroyo administation of “selling out” to the Chinese.

Trillanes insists that Scarborough shoal, off Zambales, should be within the country’s archipelagic baseline. By excluding the area, which was the scene of Philippine Navy skirmishes with Chinese forces in 1999, from the baseline, the country lost some 15,000 square nautical miles of Philippine territory.