Update:NYP report on Le Cirque dinner exaggerated: Remonde
Nang binabaybay namin ang South Luzon Expressway noong Miyerkoles sa libing ni Pangulong Cory Aquino, tinatanong ko ang mga taong nagtiyaga maghintay lima or anim na oras para lamang makapag-paalam sa isang taong nagbigay ng tapang sa Filipino na manindigan para sa demokrasya kung ano na ngayon ang gawin natin kay Gloria Arroyo.
Kaagad ang sagot ng marami, “Gloria, resign! Gloria, resign!” Merong isa nagsabing, “Patalsikin si Gloria!”.
Ngunit merong ilan na matindi ang sagot. Sabi ng isa, “Bitayin si Gloria!”. Yung isa mas grabe: “Patayin si Gloria Arroyo!.”