Skip to content

Category: Governance

Primed for shocker SONA

President Aquino promises a shocker in his first state of the nation address tomorrow.

Two of my Facebook friends can’t wait for it.

Reyna Elena said, ” I will watch, I will listen and will prepare to be shocked. This could be the day that he will reveal the real story behind the Kris Aquino and James Yap break-up.”

That is also what musician Dennis Garcia would be waiting for. He said, “If PNoy switches on the creative side of his brain full blast, he can make his SONA a rousing success… for starters… PNoy should reveal the real reason for the break-up of Kris & James.”

Natablan na rin

Mabuti naman at nagresign raw si Efraim Genuino bilang chairman ng Philippine Amusement and Gaming Corporation o PAGCOR na magiging epektibo sa Hunyo 30.

Natablan na rin.

Nagulat ang sambayanang Pilipino ng madiskubre pagkatapos ng eleksyun na itinalaga pala ni Gloria Arroyo si Genuino noong Marso 9 na
chairman hanggang 2011 kasama ang apat pa na miyembro ng board.

Marami ang naniniwala na lampas ng Marso 10 ang pagtalaga kina Genuino ngunit pineke lang ang petsa ng appointment para maka-iwas sa pagbabawal ng batas.

Arroyo extends Genuino at Pagcor for another one year term

Another past-midnight appointment

From ABS-CBN:

President Gloria Macapagal has re-appointed her close ally Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) Chairman Efraim Genuino as well as 4 members of its board of directors.

Genuino said he accepted his re-appointment, confirming a document obtained by ABS-CBN News that he had been re-appointed for another 1-year term.

Others who were re-appointed, based on the document from the Office of the Executive Secretary dated March 9, were Rafael Francisco, Philip Lo, Manuel C. Roxas and Ester Alano Laconico-Feria.

Ang preparasyon ni Manny Pacquiao sa pagka “Honorable”

Honorable Manny Pacquiao
Honorable Manny Pacquiao
Aba, napapabilib ako ni boxing champ Manny Pacquiao.

Bilang preparasyon sa kanyang pagiging congressman ng Saranggani, mag-aaral daw siya kung paano gagawa ng batas sa National College of Public Administration and Governance ng University of the Philippines.

Akala ko katulad ng ginawa ni Batangas Governor Vilma Santos na nag attend ng short course sa public administration nang una siyang nanalong mayor ng Lipa. Ang kay Pacman ay isang linggo lang daw.

Pero okay na rin yun. Madali naman siyang kumuha ng mga staff at adviser na tutulong sa kanya sa kanyang trabaho bialng mambabatas. Huwag lang sana ang kanyang mga kaibigan na sina Chavit Singson at Lito Atienza.

Ala-ala kay PCGG Commissioner Doromal

Photo from fourtyfied.blogspot.com. Thanks.
Photo from fourtyfied.blogspot.com. Thanks.
Nakikiramay ako sa pamilya ni dating PCGG commissioner Quintin Doromal na namatay sa isang traffic accident noong Biyernes.

Nag-cover ako ng Presidential Commission on Good Government mula sa unang araw nang ito ay binuo pagkatapos ng Edsa One noong Pebrero 1986. Si Jovito Salonga ang unang chairman at isa si Doromal sa mga commissioner.

Desenteng tao si Doromal at talagang nagmamalasakit para sa kapakanan ng bayan. Maraming kontrobersiya ang PCGG at hindi nakaligtas dito si Doromal ngunit naniniwala akong hindi siya corrupt.

Kahit retired na siya sa serbisyo sa pamahalaan, aktibo pa rin si Doromal sa mga aktibidades na nagsusulong ng good governance at demokrasya. Palagi ko siya nakikita sa mga forum.

Napakabait at grasyosa ang kanyang asawa na si Pearl. Nang ako ay nagkasakit, tumawag pa yan sa bahay at sinabing pinagdarasal nila ako.Kinukwento sa akin ni Commissioner Doromal na cancer survivor din siya.

Gloria’s labandera sa anti-Money Laundering Council

Suspetsa ko, yung mga aksyun ni Gloria Arroyo nitong mga nakaraang linggo na talaga namang nakakagulatang katulad ng pag-appoint niya kay Anita Carpon, ang kanyang manikurista bilang member of the board ng Pag-ibig Housing Fund at ng kanyang hardinero na si Armando Macapagal bilang deputy administrator ng Luneta Park Administration ay pang-inis sa atin.

Wala siguro siyang maisip na paraan para magantihan tayo sa ating pagtuligsa sa kanyang pangungurakot at paglabas sa batas kaya gumagawa siya ng mga bagay na manggagalaiti tayo sa inis.

Hindi ko na sasayangin ang aking emosyon kay Arroyo. Pagtawanan na lang natin siya.

Ganun din ang reaksyun ng aking mga ka-blog. Sabi ng mga sumusulat sa aking blog, kulang pa yun. Dapat lubusin na ni Arroyo at ito ang mga suhestyun nila:

Our thanks

Former Foreign Secretary Roberto Romulo
Former Foreign Secretary Roberto Romulo
by Roberto R. Romulo

Filipino World View
The Philippine Star

The nation owes a debt of gratitude to three individuals: Delia Albert, Domingo L. Siazon Jr. and Antonio “Tony Boy” Cojuangco. Both Ambassadors Albert and Siazon were career foreign service officers who became Secretary of Foreign Affairs. Ms. Albert (a replacement has been announced) and Jun Siazon (co-terminus with President Arroyo) are ambassadors to Germany and Japan, respectively. They have been outstanding ambassadors. Whoever replaces them will have a hard act to follow.

On the other hand, Tony Boy has been chairman of the Museum of the Filipino People since the time of President Fidel V. Ramos. As chairman for the last 12 years, he has been exemplary in the management of the museum and sustained in his financial support. His leadership will be sorely missed by everyone who, as I do, value this important institution.

Magnanakaw sa hatinggabi

Tamang-tama talaga ang pagka-describe kay Gloria ng isang Malacañang in-house writer nang pumunta siya sa Boao, China noong 2004 para sa pirmahan ng ma-anomalyang kontrata ng NBN/ZTE: “Like a thief in the night”. Magnanakaw na nag-ooperasyun sa gabi.

Ngayon hatinggabi ang operasyun.

Lumalabas ngayon ang maraming “midnight” appointment na ginawa ni Gloria Arroyo. “Midnight appointment” ang tawag sa mga tinatalaga ng isang paalis na na presidente.

Nakakarma na si Gloria Arroyo

Ang balita kung sino-sino na raw ang kumaka-usap kay Philippine National Police Chief Jesus Versoza na mag-resign para mailagay na ni Gloria Arroyo bilang PNP Chief si NCR Chief Roberto Rosales.

Versoza
Versoza
Kinausap na siya ni Local Governments Secretary Ronaldo Puno. Pati na raw ang anak ni Gloria Arroyo na si Mikey, congressman ng Pampanga (2nd district) ay kuma-usap na rin kay Versoza.

Sana hindi magpa-pressure si Versoza dahil Disyembre 2010 pa siya dapat mag-retire.

Si Rosales ay kasama sa Class ’78 ng Philippine Military Academy na honorary member si Arroyo.

Galit kasi si Arroyo kay Versoza. Hindi dumalo si Arroyo sa graduation ceremonies ng Philippine National Police Academy noong Marso 18 sa Camp Castañeda, Silang Cavite. Sa anibersaryo naman ng Philippine Army noong Lunes,binati niya ang lahat na mga matataas na opisyal maliban kay Versoza.