Ayan, umaatras na kunyari ang Malacañang sa kanilang pinasabog na lagim na posibleng magkaroon ng military takeover kung pumalpak ang eleksyuns a Mayo.
Hindi personal na humarap sa mga reporter si Undersecretary Charito Planas, deputy presidential spokesperson ,katulad nang ginawa niya noong Biyernas nang pinalutang niya ang military takeover. Noong Linggo nagpalabas lang siya ng written statement na nagsabing talagang bababa si Arroyo sa Malacañang sa June 30, 2010. “Malacañang assured the public that the President will definitey step down on June 30,” sabi ni Planas sa statement.
Sinabi pa rin niya na ang pagiikot daw ni Arroyo sa bansa ay “last minute inspection” daw niya yun para masigurado na ang mga proyekto na kanyang inumpisahan ay ginagaw a. Ang hindi daw matatapos ay ipagpatuloy ng kung sino man ang mananbalo sa eleksyun.”