Skip to content

Category: Gloria Arroyo and family

President Aquino on SC decision declaring Truth Commission unconstitutional

Matter of accountability
Marami ang nadismaya sa desisyon ng Korte Suprema na ipawalang-bisa ang Truth Commission. Bilang inyong pinuno, tinatanong ako kung ano ang mga susunod kong hakbang.

Link to the SC decision; cuncurring and dissenting opinions: http://sc.judiciary.gov.ph/jurisprudence/2010/toc/december.htm

Kasalanan ba ang maghanap ng katotohanan? Di ba obligasyon kong tuklasin ang katotohanan? Di ba obligasyon ko rin na maparusahan ang mga lumabag sa batas? Di ba tungkulin nating malinis ang pangalan ng mga inakusahan nang walang base?

Nanumpa po ako bilang inyong Pangulo: ipagtatanggol ko ang konstitusyon; ipatutupad ko ang mga batas; at magbibigay ako ng hustisya sa bawat Pilipino. Sino mang alagad ng katarungan ay sumusumpa rin sa kanilang tungkuling kumapit sa kung ano ang totoo.

Ang hinahabol po natin dito ay katotohanan. Itinatag natin ang Truth Commission upang isara ang sinasabing isa sa mga pinakamadilim na kabanata sa ating kasaysayan—at malinaw na makakamtan lamang natin ito kung patuloy nating tutuklasin at kakapitan ang katotohan.

Ang tapang ng apog

Talagang magkaka-maganak sa tapang ng apog itong mga Arroyo at mga Ampatuan.

Kung sino pa ang malaking kasalanang sa taumbayan, sila pa ang malalakas ng loob magreklamo.

Noong Lunes nag-privilege speech ang anak ni Gloria Arroyo na si Camarines Rep. Diosdado “Dato” Arroyo at binatikos ang mga kongresista katulad ni Walden Bello ng Akbayan,. Teddy Casino ng Bayan at Rep. JV Ejercito ng San Juan na nagbitaw ng mga maa-anghang na salita laban sa kanyang ina.

Nananahimik daw ang kanyang ina mula ng bumaba sa Malacañang para daw libre na magmamahala si Aquino ng bayan. Masamang ehemplo daw ang ginawa ng mga anti-Arroyo na mga kongresista na binabatikos ang kanyang ina na marami daw ginawang mabuti sa bayan.

Aquino withdraws GMA midnight appointments

Palace lists 997 midnight appointees

by Regina Bengco
Malaya

President Aquino has ordered the recall, withdrawal and revocation of midnight appointments made by former President Gloria Arroyo for violating the appointments ban in the Constitution and the Omnibus Election Code.

Aquino issued Executive Order No. 2 on the midnight appointments last July 30 but it was released only yesterday.

Click here (Official Gazette) for the text of E.O No. 2.

The order defined “midnight appointments” as those made on or after March 11, 2010, including those dated prior to March 11 where the appointee has accepted, taken his oath or assumed public office on or after March 11, except those appointed under exigencies of the service; those made prior to March 11 but which took effect after it; appointments to positions that would be vacant only after March 11, 2010; and appointments and promotions made 45 days before the May 10, 2010 elections in violation of the Omnibus Election Code.

Chief presidential legal counsel Edgardo de Mesa said there are 977 suspected midnight appointments so far, excluding those in the judiciary.

Hindi tinatantanan si Arroyo

Sa unang araw ni Gloria Arroyo bilang kongresista, hindi pa raw uminit ang kanyang upuan, umalis na.

Paano kasi, itong si Akbayan Rep. Walden Bello ay nag-privilege speech na ang titutlo ay “Corruption was the signature of Gloria Macapagal-Arroyo.” Ang pirma ni Arroyo ay korapsyun.

Sabi ni Bello,”If the subordinates of the GMA administration behaved like pigs, kung ang mga galamay ng nakaraang administrasyon ay kumilos parang buwaya, ito ay dahil meron silang magandang halimbawa sa pangungurakot sa taas.”

Walang pagtataguan si Gloria Arroyo

Arroyo inspected
Tama naman pala na hindi dumalo si Gloria Arroyo sa unang state-of-the nation address ni Pangulong Noynoy Aquino noong Lunes.

Kasi kung dumalo di parang siyang sinampal-sampal. Sayang at hindi na-focus sa camera ang mukha ng anak niyang si Mikey Arroyo, ang nang-agaw ng puwesto ng mga security guards at tricyle drivers, habang isinawalat ni PNoy ang tungkol sa calamity fund sa Pampanga.
Si Mike ang dating kinatawan ng pangalawang distrito ng Pampanga na ngayon ay hawak na ng nanay niya.

Ito ang sinabi ni P-Noy tungkol sa Pampanga: “Naglaan ng dalawang bilyong piso na Calamity Fund bilang paghahanda para sa mga kalamidad na hindi pa nangyayari. Napakaliit na nga po ng pondong ito, ngunit kapapasok pa lang natin sa panahon ng baha at bagyo, 1.4 billion pesos o sitenta porsyento na ang nagastos.

“Sa kabuuan ng 108 million pesos para sa lalawigan ng Pampanga, 105 million pesos nito ay napunta sa iisang distrito lamang. Samantala, ang lalawigan ng Pangasinan na sinalanta ng Pepeng ay nakatanggap ng limang milyong piso lamang para sa pinsalang idinulot ng bagyong Cosme, na nangyari noong 2008 pa.

Sino ang bobo, si Ferrer o tricycle driver?

Credit where credit is due: The photo came from the website “ispoops” (http://www.ispoops.com/photoblog/Mikey_the_Strict_Sekyu_2000/#2000) by Carlo Barrameda.

Someone sent me this from Tumblr.Spook image by Ding G.
Hindi lang makitid ang utak nitong si Commissioner Nicodemus Ferrer. Matapobre pa.

Sa daming batikos na ipinupukol sa kanila ukol sa kanilang pag-aprub kay dating Pampanga congressman Mikey Arroyo, anak ni Gloria Arroyo, na kinatawan ng mga tricycle driver at security guards, aroganteng sumagot si Ferrer na hindi naman daw marunong gumawa ng batas ang mga tricycle driver at security guards.

“Can you imagine a tricycle driver being able to draft a law?” insulto na tanong ni Ferrer.

Pinapatunayan ni Ferrer na kahit ang isang tao ay may diploma at may attorney pang kakabit sa pangalan niya maaring siyang manatiling mang-mang. Makitid ang pag-iisip.

Ding Gagelonia said the image is from the Ispoops website of Carlo Barrameda. Here’s the link:http://www.ispoops.com/photoblog/Mikey_the_Strict_Sekyu_2000/#2000

There’s another one, also funny: http://www.ispoops.com/photoblog/Mikey_the_Strict_Sekyu_2000/#1999

Bastusan ang ginawa ng Comelec sa batas na nagbibigay ng boses sa mga “marginalized” o mga sector hindi nabibigyan ng representasyon sa kongreso. Ginamit ni Mikey Arroyo at iba pang mga oportunista katulad ni dating Energy Secretary Angelo Reyes, upang maisulong ang kanilang walang pagkabusug sa kapangyarihan. Aprub naman ng Comelec.