Kung kailan nagsabi ng totoo itong si Lorelei Fajardo, saka siya natigbak.
Ayun sa balita, tinanggal si Fajardo dahil sa kanyang sinabi noong, Nov. 25, tatlong araw pagkatapos nangyari ang karumal-dumal na krimen sa Maguindanao kung saan 57 na tao ang namatay sa masaker na ang suspetsa ay kagagawan ng pamilyang Ampatuan.
Ito kasi ang sinabi ni Fajardo: “I don’t think the President’s friendship with the Ampatuans will be severed. Just because they’re in this situation doesn’t mean we will already turn our backs on them.” ( Sa isip ko, hindi masisira ang pagkakaibigan ng Pangulo sa mga Ampatuan. Porke’t nalagay sila sa ganitong sitwasyun, ay tatalikuran na sila.”)