Nakabahala ang sitwasyon na dahil sa hindi dumating ang inaasahan ulan sa mga buwan ng Hunyo at Hulyo, kumukonti ang pondo tubig sa ating mga dam at natutuyuan ang palayan sa central Luzon.
Kaya sinasabihan tayong humanda sa mga brownout na mangyayari kailangan magtipid ng tubig para kukunting kuryente ang magagamit.
Nakakabahala dahil wala tayong sapat na irigasyon para patubigan ang mga palayan sa Luzon na siyang pinanggalingan ng pinakaraming palay sa bansa. Kapag mahina ang ani, hindi lamang mga magsasaka ang maghihirap kung di buiong bayan dahil mapipilitan na namang mag-import ng bigas. Siyempre tataas ang presyo ng bigas.