Computerized na ang eleksyon sa 2010.
Handang-handa na raw ang Commission on Election na magiging computerized ang eleksyon sa buong bansa sa 2010 pagkatapos naipasa ng House of Representatives at ng Senado noong Huwebes ang P11.3 milyon na supplemental budget pambili ng mga kagamitan para dito.
Sabi ni Comelec Chair Jose Melo, sa computerized na eleksyon, malalaman raw and resulta sa loob ng dalawang araw. Galing!
Sa computerized na eleksyon, sa halip na susulatin ng botante ang pangalan ng mga kandidato, i-itimin lang ang espasyo na nakatala sa pangalan ng kandidato. Ipasok sa optical machine reader na siyang magbibilang ng boto.