Sa tatlong taong tinanong ng Social Weather Station kung gusto pa nila na si Gloria Arroyo pa rin ang nasa Malacañang paglampas ng June 30, 2010, dalawa ang nagsabing “ayaw ko.”
Ngunit ang tanong: may epekto ba ito kay Arroyo, sa kanyang pamilya at sa kanyang mga alagad? Kung meron man, yun ay lalong maghahanap ng iba pang paraan na tuloy ang kailang ligaya lampas ng 2010 at kung hindi talaga mapalawig ang pagpanatili sa kapangyarihan, paano nila mapruteksyunan ang kanilang sarili.
Nilabas ng SWS noong Martes ang survey na kanilang isinagawa noong Pebrero 20-23 sa tanong na, “Kayo po ba ay sang-ayon o hindi sang-ayon sa Charter Change na papayagan si Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo na manatili bilang PINUNONG OPISYAL NG PILIPINAS nang lampas sa Hunyo 30, 2010?”