Skip to content

Category: Cha-Cha

Desperada

Palagi natin tinatanong kung bakit sa dami-daming kasalanan ni Gloria Arroyo sa taumbayan – pagnanakaw ng boto, pagnanakaw ng kaban ng bayan, pagnanakaw ng kinabukasan,pagnanakaw ng pag-asa – bakit hindi siya napaparusahan?

Nakikita natin na patuloy siyang sa pwesto samantalang sa buong mundo, ang mga lider na kalingkingan ang kasalanan ikumpara sa ginawa at patuloy pang ginagawa na krimen sa bayan ay natanggal na.

Palagi nating tinatanong kung ano ba ang malaking kasalanan ng sambayanang Pilipino bakit pinaparusahan tayo sa pamagitan ni Arroyo sa Malacañang?

AFP studying charges vs. Lim on Cha-Cha call

by Victor Reyes
Malaya

Military lawyers are determining whether detained Brig. Gen. Danilo Lim could be charged again for violating the Articles of War.

The former Scout Rangers chief on Wednesday asked soldiers to make a stand on the moves of Palace allies to amend the Constitution, and not to allow themselves to be used.

The call was contained in a message read during the multi-sectoral, anti-Charter change mass action in Makati City.

Huwag sumunod sa ilegal na order

Sa Strictly Politics na hosted ni Pia Hontiveros sa ANC, may dalawang panawagan si dating Defense Secretary Avelino “Nonong” Cruz.

Ang unang panawagan niya ay sa taumbayan na tutulan ang Con-Ass na sinusulong ni Gloria Arroyo at ng kanyang mga kampon. Sabi niya kailangan mapayapa. Huwag bigyan si Arroyo ng rason na magdeklara ng state of emergency.

Ang state of emergency kasi ay parang martial law na rin yun. Mawawala na ang marami nating kalayaan at dictatorship na ang kalalabasan natin. Si Arroyo na ang batas. Kapag sinabi niyang hulihin mo itong isang tao dahil hindi ko gusto ang kanyang pagmumukha, huhulihin yan at itapon sa kung saan nya gusto.

BGen Lim: For what is right, for what is true, for what is just

Message of Brig. Gen. Danilo Lim delivered by Mrs. Aloi Lim at the Stop Con-Ass rally in Makati, June 10, 2009

Aloy Lim
Aloy Lim
Ang Hukbong Sandatahan ay instrumento ng taong bayan.
Protektor ito ng mamamayan at ng estado.
Hindi nito obligasyon ang sang-ayunan ang katiwalian ng administrasyon.

Hindi trabaho ng AFP ang mandaya sa eleksyon.
Hindi dapat binibigyan ng premyo ang mga heneral na mahilig magbenta ng serbisyo sa mga politico.

At lalong hindi gawain ng sundalo ang pumatay sa mga aktibista, mga mamamahayag at mga taong walang kasalanan at walang kalaban laban.

Nuong isang linggo, nag issue ako ng statement at sinabi ko duon, “I, therefore, call on every officer and enlisted man to follow your conscience and do what is right – PROTECT THE PEOPLE AND THE STATE!”

Papayag ba tayo?

Bukas, magkita-kita tayo sa Ayala ng ika-lima ng hapon.

Ipakita natin ang ating pagtutol sa panloloko na ginagawa ni Gloria Arroyo sa pamamagitan ng Con-Ass na kanyang isinusulong pra siya manatili sa kapangyarihan habambuhay.

Sabi ni Rep. Mauricio Domogan, isa sa may-akda ng nakakadiri na House Resolution 1109, na kahit mag-ngangawa ang mga tao sa kalsada, wala silang paki-alam. Itutuloy nila ang kanilang ilegal na gawain.

June 10, 5 pm on Ayala Avenue

Updates from the Inquirer:

1.. Rep. Mauricio Domogan, one of the authors of House Resolution No. 1109, said they are calling a constituent assembly (Con-ass) next month to amend the Constitution without the Senate despite outrage by religious and civil society groups.

2.Making sense of 1109 – Fr. Joaquin Bernas

There will be a protest action against Gloria Arroyo’s Con-Ass on Ayala Avenue on June 10, Wednesday starting at 5 p.m.

There will be simultaneous rallies in Katipunan Avenue (in front of Gate 2 of Ateneo) and in Tondo (Sto. Niño church) and in Negros and Iloilo.

Renato Reyes Jr, Bayan secretary general said those who have expressed their participation in the June 10 Ayala rally include the United Opposition, the Association of Major Religious Superiors of the Philippines (Women), BAYAN, Concerned Citizens Movement, Black and White Movement, Edsa 3 Coalition, Gabriela, Kabataan, MY-ERAP, Liberal Party, Change Politics, Akbayan, Sanlakas, Artists Revolution, Pagbabago, Bangon Pilipinas, FPJPM, Movement for Good Governance and Vice president Teofisto Guingona .

The simmering rage

con-ass-by-dennis-garcia

Got this image is from Dennis Garcia’s Facebook wall

No doubt about it. The abominable House Resolution 1109 that trampled on the basic law of the land was passed by the House of Representatives because Gloria Arroyo ordered it.

Bayan Muna Rep. Satur Ocampo noticed towards midnight last Tuesday, when the voting was about to take place that administration congressmen were marching into the plenary hall.

Ocampo said those congressmen couldn’t be made to return to the Batasan at that late hour by House Speaker Prospero Nograles. “It had to be an order by Gloria Arroyo,” Ocampo said.

Ituloy ang Con-Ass

Update: House has adjourned without convening the Con-Ass.

Update: We got info that Gloria Arroyo’s congressmen will convene the Constituent Assembly before it adjourns Friday. It could be tonight.

Gusto ko lubus-lubusin na ni Gloria Arroyo at ng kanyang mga kampon sa Kongreso ang pambabastos ng Constitution at panloloko sa taumbayan.

Total naipasa na nila House Resolution 1109, para bumuo ng Constituent Assembly na magpalit ng Constitution. Dapat sa pagbukas ng Kongreso ulit sa Hulyo (adjourn sila sa Biyernes), mag Con-Ass na sila. Sigurado handa na ang draft ng bagong Constitution na ginawa ng Malacañang.

Sigurado na ang kinalabasan nitong bastusan ng batas ay ang pagpapatuloy ni Gloria Arroyo sa Malacañang lampas ng 2010.