Skip to content

Category: Abante

Inis si Aquino sa military, hindi sa MILF, sa nangyaring trahedya sa Al-Barka

Pagdating ng mga bangkay sa Villamor Air Base. Thanks to Inquirer for photo.
Kung hindi nagagalit o ayaw galitin ni Pangulong Aquino ang Moro Islamic Liberation Front sa nangyari sa Basilan at sa Zamboanga Sibugay, siguro dapat huwag na muna siya manisi sa military na ngayon ay nagdadalamhati sa pagkamatay ng 26 nilang kasama sa loob ng isang linggo.

Ewan lang kung ganun din ang dating sa iba. Ngunit ang dating sa akin sa reaksyun ni Pangulong Aquino sa nangyari sa Basilan ay mas galit siya sa military dahil pumalpak ang kanilang operasyon kaysa sa ginawang pagpatay ng MILF sa mga sundalo kahit na may ceasefire sa labanan dahil sa peace talks sa pagitan ng pamahalaan at MILF.

Naintindihan ko na pangkalahatan at pangmatagalan na kapayaaan ang hangad ni Aquino ngunit bilang commander-in-chief meron siyang obligasyun para damayan ang kanyang mga tauhan sa oras ng trahedya.

Ang P1 milyon na service fee ni Moner

Moner at the Senate hearing. Oct. 18, 2011
Pwede na nating pagtawanan na ngayon ang mga kinukwento ni dating Lanao del Sur Sharia Court Judge Nagamura Moner dahil wala na sa kapangyarihan si Gloria Arroyo at hindi nakaka-inggit ang kanyang kalagayan ngayon.

Ngunit malaking perwisyo sa sambayanang Pilipino ang kanilang ginawa. Dahil sa pandaraya na kanilang isinagawa sa eleksyun noong 2004, patuloy na kumapit si Arroyo sa kapangyarihan ng anim na taon.

At nabastos ang batas. At nanganak yun ng marami pang krimen. Sabi nga ni Sen. Alan Cayetano, dahil kailangan bayaran ni Arroyo ang mga nandaya sa kanya, kailangan niya magnakaw ng pera ng bayan para mabusog sila at hindi na kumanta. At kapag mabuking, magsinungaling.

Kailangan ang sangkot sa krimen para makuha ang utak ng krimen

Unas: alleged participant in Maguindanao massacre; state witness vs Gloria Arroyo in election sabotage
Para mapanagot si Gloria Arroyo sa kanyang mga kasalanan sa taumbayan, kailangan merong isang malapit sa kanya na kasabwat sa kanyang pandaraya at pagnanakaw na kailangang kumanta.

Sa iba’t-ibang imbestigasyun na lumabas, may ilang mga pinagkatiwalaan si Arroyo sa mga hindi kanais-nais na kanyang pinaggagawa para manatili sa kapangyarihan. Ang ilan mga nababanggit at si dating Police Chief Hermogenes Ebdane, dating Comelec Chairman Benjamin Abalos, dating Comelec Commissioner Virgilio Garcillano.

Ngunit malabo kung babaligtad itong tatlo laban sa kanilang dating amo. Kaya dapat kasama na rin sila na kakasuhan para managot sa mga kasalanan na ginawa nila sa taumbayan.

Siyempre sa malalaking operasyun na bilyun-bilyun na piso ang nakasalalay, marami tao ang kailangan a at meron nang kumakanta. Maganda siguro tingnan kung paano sila pinakanta ng mga tauhan ni Aquino. Ngunit sa ngayon, ang ilang kaso ay nakasalalay sa kanilang testimonya.

Masasagip pa kaya ni Iggy ang kapatid na si Mike?

Thanks to Inquirer for this photo
Akala ba ng mga Arroyo ang kanilang ninakaw na kapangyarihan ay habang-buhay? Ano akala nila sa sarili nila, sobra-sobra ang swerte?

Nagre-reklamo na ngayon ang magkapatid na Pidal, este, Arroyo na masyado daw silang iniipit ng administrasyong Aquino.

Ito ay may kinalaman sa isinampang kaso ng tatlong senador laban kay Mike Arroyo, asawa ni Gloria Arroyo at 16 pa kasama doon mga opisyal, reirado at aktibo, ng Philippine National kaugnay sa pagbenta sa PNP ng second-hand na helicopter sa presyong bago.

Ang tatlong senador na nagsampa ng kaso ay sina Teofisto Guingona III, Panfilo “Ping” Lacson, Aquilino Pimentel III. Ang kasong kanilang isinampa ay paglabag ng Anti-graft and Corrupt Practices Act at Government Procurement Reform Act.

Mahabang pasensya ang kailangan sa biyaheng PAL

The long wait for our luggage. Almost midnight of Oct. 1, 2011.
Alas –tres ng umaga noong Lunes, nasa Centennial Terminal 2 na ako para sa aking Philippine Airlines flight papuntang Iloilo.

Pagdating ko doon, sinabi cancelled daw ang flight ko na dapat ay 7:40 ng umaga.

Uuwi ako sa aming bahay sa Guisijan, Laua-an, Antique. Wala na kasing eroplano na pumupunta sa Antique kaya via Iloilo ako tuwing umuuwi sa amin. Pwede rin via Caticlan sa Aklan, kaya lang mas maraming sasakyan ang bumabiyahe mula Iloilo.

Nang kinuha ko ang aking ticket noong isang buwan, pinili ko ang unang flight, mga 5:00 ng umaga dahil gusto ko bago magtanghalian nasa amin na ako. Apat na oras pa sa bus mula Iloilo papuntang amin.

Minsan lumalabas ang katotohanan sa bibig ng sinungaling

Moner swearing by the Koran. Photo from Philippine Star.
Hindi natuwa si Senate President Juan Ponce-Enrile at Sen, Jinggoy Estrada sa pasirko-sirko ni Judge Nagamura Moner ng Shariah Court tungkol sa kanyang papel sa dayaan noong 2004 eleksyun.

Noong 2005 kasi, na-interview ng Probe TV ni Cheche Lazaro si Moner at marami siyang kuwento tungkol sa ginawa niyang pandaraya sa 2004 na eleksyun sa utos ni Mike Arroyo, asawa ni Gloria Arroyo. May mga papeles pa siyang pinakita at ang isa nga doon ay sulat ng pagpapasalamat galing sa chief –of-staff ni Mike na si Juris Soliman.

Nang mag-imbistigasyun na sa Senado, aba, ay sinabi ni Moner na nagsinungaling daw siya sa Probe. Bola lang daw ang sinabi niya sa media. Wala naman daw talagang dayaan.

Sana hindi maging Bonayog si Fiala

MMDA Chair Francis Tolentino
Mabuti naman at sinabi ni Metropolitan Manila Development Authority Chairman Francis Tolentino na magsasampa sila ng kaso laban kay Edward John Gonzales, ang 30-taong gulang na nambaril sa MMDA traffic enforcer na si Larry Fiala, na ngayon ay nasa-ospital pa rin.

Dapat talagang panagutin si Gonzales sa kayang ginawa. Dapat maparusahan ang mga taong kapag nakakotse ay akala mo hari sila.

Sana hindi matulad itong kaso sa nangyari sa security guard na si Ricardo Bonayog na takot ipagpatuloy ang pagsampa ng kaso sa abusadong kongresista ng Lanao del Sur na si Rep. Mohammed Hussein Pangandaman.

Kung sabagay, iba ang sitwasyun ni Bonayog dahil opisyal ng pamahalaan ang kanyang nakabangga at hindi sigurado kung susuportahan siya ng kanyang kumpanya.

Dapat may panagutan si De Castro sa anomalya sa Pag-ibig

Not accountable?
Tama naman si Sen. Serge Osmeña na imposible naman na mangyari ang multi-bilyon na anomaly sa Pag-ibig na walang pananagutan si dating Bise-presidente Noli de Castro , ang hepe ng Home Development Mutual Fund nang administrasyon ni Gloria Arroyo.

Vice president and concurrent chair of the Housing Urban Development Coordinating Council (HUDCC) Jejomar Binay said there’s no evidence that would link his predecessor former vice president Noli de Castro to the multibillion-peso anomalies at the Home Development Mutual Fund, also known as Pag-Ibig Fund, involving a housing firm.
http://newsinfo.inquirer.net/50625/binay-no-evidence-vs-de-castro

Sabi ni Osmeña, “Totoo, walang nagsabi na binayaran niya si Noli ngunit hindi naman siguro mangyari ang ganung anomalya na walang kalokohan sa itaas. Siya ang chairman ay may responsibilidad siya.”

Ito ang kaso ng Globe Asiatique na pag-aari ni Delfin Lee na ayon sa imbestigasyon ay umutang sa HDMF (Pag-ibig) ng P6.6 bilyon para daw ipatayo ng 9,000 na mga bahay para sa mga miyembro ng Pag-ibig. Ang kanilang proyekto na ang pangalan ay Xevera ay nasa Bacolor at Mabalacat, Pampanga.

Sana magkaroon ng katuturan ang pagpalaya sa Alabang Boys

Santiago and Marcelino: a good team at PDEA
Maayos naman ang mga reaksyun ng dating hepe ng Philippine Drug Enforcement Agency na si Dionisio Santiago at ni Marine Major Ferdinand Marcelino ng dating hepe ng PDEA Special Enforcement Service sa pagpawalang sala sa dalawa sa tatlong akusado sa grupong tinagurian ng media na “Alabang Boys.”

Pinalaya na sina Jorge Joseph at Richard Brodett , kabilang sa mga mayayaman na pamilya,pagkatapos ma- absuwelto ng Muntinlupa Regional Trial Court Judge Juanita Guerrero ng paglabag ng Comprehensive Dangerous Drugs Act ng 2002.

Maala-ala na nahuli sila sa isang buy-bust operation na nagbe-benta ng shabu sa ahente ng PDEA noong Septyembre 20, 2008 sa Ayala Alabang, tirahang eksklusibo para sa mga mayayaman. Ang isa pa nilang kasama na si Joseph Tecson ay nahuli sa magkaibang operasyun sa Quezon City. Naghihintay na rin ng desisyun ng korte si Tecson.

Nabiktima ng snatcher

Noong Biyernes, galing sa San Agustin church sa Intramuros kung saan binisita namin ang ‘libingan’ ng aming dating kasama sa VERA Files na si Chit Estella (birthday niya Aug. 19), ibinaba ako ng aking mga kasamahan sa kanto ng T.M. Kalaw at Taft Avenue mga alas-tres ng hapon.

Lumalakad ako sa Taft Avenue papuntang bus stop malapit doon sa Rizal Park nang may biglang humawak ng malakas sa aking dalawang tenga mula sa aking likuran at sa isang iglap, natanggal ang aking dalawang hikaw.

Biglang tumawid ang snatcher sa Taft Avenue. Tumalon pa sa konkretong island. Babae siya, parang nasa edad 30 anyos.