Skip to content

Category: Abante

Sana hindi na mag-apela ang mga kamag-anak ni Pnoy sa Hacienda Luisita

Photo by Homer Teodoro
Ang desisyun ng Korte Suprema na ibalik ng mga may-ari ng Hacienda Luisita ang halos 5,000 na ektaryang taniman ng tubo sa Tarlac sa mga magsasaka sa 6,296 na magsasaka ay pagkakataon ni Pangulong Aquino na ituwid ang pagkakamali ng kanyang pamilya, kasama na ang kanyang inang si pangulong Cory Aquino.

Ang Hacienda Luisita ay pagmamay-ari ng pamilyang Cojuangco. Nasabi na ni Pangulong Aquino noon na maliit lang ang kanyang parte sa Hacienda at hindi siya ang nagde-dedisyun kungdi ang mga kapatid ng kanyang ina.

Update: Just compensation for HLI may reach P5 billion

The farmers, however, said the valuation should only be P50,000 per hectare provided under the 1989 stock distribution plan.

Pairalin ang batas kahit kay Gloria Arroyo

Nakasuhan at naaresto na si Gloria Arroyo.

Sabi ng Malacañang, simula lang daw yun ng pagpapanagot kay Gloria Arroyo sa maraming kasalanan na ginawa niya sa sambayanang Pilipino.

Sana lang, sa pagbibigay ng hustisya sa sambayanang Pilipino, hindi rin babastusin ng pamahalaang Aquino ang batas katulad ng ginawa ni Arroyo nang siya ang nasa kapangyarihan.

Sa ngayon lang, iba ang sinasabi ni Pangulong Aquino, iba ang ginagawa ng mga tauhan niya na kinakampihan naman niya.

Bakit ba galit ang mga tao kay Gloria Arroyo na siyang naging dahilan na nanalo si Aquino noong 2011 kahit wala naman siyang naipakitang kakayahan para mamuno? Dahil binastos niya ang batas para lang manatili sa kapangyarihan.

Nangako si Aquino na kapag siya ang mananalo, magkakaroon ng reporma. Hindi na maging katulad ng panahon ni Arroyo na binabaluktot ang batas para lang manatili siya sa kapangyarihan. Protektahan daw ang karapatan ng bawat Pilipino. Yan ang intindi ko sa isang pamahalaan na demokratiko at makatao.

Ang paglilitis ni Gloria Arroyo

Sa wakas, nakapag file na ng kaso ang administrasyong Aquino laban kay Gloria Arroyo.

Kahapon bago magtanghalian, isinampa ng Commission on Elections ang kasong electoral sabotage laban kina Gloria Arroyo, dating gubernador ng Maguindanao na si Andal Ampatuan Sr. at datingformer Comelec election supervisor Lintang Bedol before the Pasay City RTC.

Ni-raffle at napunta ang kaso kay Judge Jesus Mupas na dati raw napagsabihan ng Supreme Court dahil may mga kasong hindi umuusad. Aba, noong Biyernes, ang bilis. Bago mag-alas singko na hapon, nagpalabas na ng warrant of arrest si Judge Mupas.

Kailan ba isasampa ang mga kaso laban kay Gloria Arroyo?

Akala ko ba masakit itong contraption. Bakit siya tumatawa? Photo from Yuko Takei's FB wall.
Sa gitna ng ingay ng diskusyon kung papayagan si Gloria Arroyo at ang kanyang asawang si Mike na umalis ng bansa para magpagamot day (siyempre marami at mas maingay ang ayaw), hindi na marinig ang tanong na bakit ba hanggang ngayon wala pang kaso sa korte na nakasampa laban sa mag-asawang kinaiinisan ng maraming Pilipino?

Halos magdadalawang taon na ang administrasyong Aquino ngunit hanggang ngayon ay wala pang nakasampang kaso laban kay Arroyo. Lahat nasa preliminary investigation pa lang.Pinapag-aralan pa kung may “probable cause” ang akusasyun sa kaniya.

Palagi nga kinukumpara ng marami sa ginagawa ni Arroyo kay dating Pangulong Joseph Estrada na ilang buwan lang siya napaalis sa Malacañang nasampahan na kaagad ng kasong plunder at nakulong.

Hindi sana problema ang pagbawal ni Aquino kay Arroyo umalis ng bansa kung may kaso na hindi pwedeng piyansahan dahil kung sa ganun ang korte ang mag-isyu ng hold order sa kanya . Kaso wala.

Ang pinaghahawakan nina De Lima ay ang kwestyunable na memorandum circular na inisyu noon ng justice secretary ni Arroyo na si Alberto Agra na kahit nasa preliminary investigation pa lang ang kaso, pwedeng ilagay sa Watch List Order ang isang tao.

Paano gumamit ng malong at iba pa mula kay Aliah Dimaporo

Inimbita kami noong isang buwan ni Rep. Aliah Dimaporo para sa isang “getting-to-know you” na tanghalian.

Tinanggap ko kaagad ang imbitasyun dahil bumoto siya para sa amnesty sa mga sundalong lumaban kay Gloria Arroyo kahit na siya ay miyembro ng Lakas-NUCD ni Arroyo. Lalo pa ang kanyang Nanay, si Rep. Imelda Dimaporo ng unang distrito ng Lanao del Norte ay bumuto laban sa amnesty para sa mga rebeldeng sundalo.

Hindi ko siya masyadong nakita noon dahil umalis siya kaagad pagkatapos niya napaliwanag ang kanyang boto. Nilalagnat pala siya noon, sabi niya.

Sa litrato, tinuturuan kami dito ni Aliah paano gumamit ng malong.Parang patadyong din sa amin sa Antique.

Sumulat ang aking kaibigan na si Gypsy Baldovino, ang media officer ni Rep. Gina de Venecia, na kasama namin sa pananghalian sa bahay ng mga magulang ni Aliah tungkol sa okasyun.

Ito ang sinulat ni Gypsy:

Binawi ang ban ng OFW sa 41 na bansa

Dole Secretary Rosalinda Baldoz
Heto na naman. Pumalpak si Labor Secretary Rosalinda Baldoz sa pag-anunsyo na may ban sa pagpadala ng manggagawang Pilipino sa 41 na bansang hindi pumirma sa kasunduan sa Pilipinas para protektahan ang mga Pilipino na nagtatrabaho doon.

Ngayon, hindi niya alam kung paano babawiin dahil sa masamang reaksyun ng mga bansang apektado. Sabi niya pansamantala daw ang ban hanggang makapag-comply ang ibang bansa. Nahihibang ba siya> Magku-comply ang Saudi Arabia, Korea at iba pang bansa sa kagustuhan ng Pilipinas?

Sabi naman ng ibang opisyal, wala naman talagang ban.

Noong Biernes, sabi na ni Baldoz, ipagpaliban daw ang ban.

Paano ma-enjoy ng mga Ligot ang kanilang pera?

Gen. and Mrs. Ligot
Sana hindi na tuluyan sumama sa mga kaluluwa ang pinaghahanap na dating military comptroller retired Maj. Gen. Jacinto Ligot at ang kanyang asawang si Erlinda.

Update:
Days after they were reported missing, former military comptroller Jacinto Ligot and his wife Erlinda appeared before the Court of Tax Appeals (CTA) on Wednesday to post a P150,000 bail
http://www.abs-cbnnews.com/nation/11/02/11/ligots-show-post-bail

Kawawa naman sana sila kaya lang parang mas pinapahalagahan naman nila ang perang kanilang ninakaw kaysa ang kanilang pangalan at katahimikan. Kaya ayan,marami nga silang pera, tago na tago naman sila.

Nag-isyu noong isang linggo ng warrant of arrest ang Court of Tax Appeals sa mag-asawang Ligot para sa isinampang kaso ng Bureau of Internal Revenue.

Sinisingil ng BIR ng P153.3 million sa buwis ang mga Ligot kasama na doon ang interes at multa sa hindi nila pagdeklara ng kanilang kinita noong 2003.

Umaasa si Justice Secretary Leila de Lima na magpapakita na ang mag-asawang Ligot sa korte at magpiyansa ng P20,000. Kayang-kaya naman nila yan.

Paliwanag ni Deles tungkol sa P5 milyon

Wants to know details of P5 M
Halatang-halata ang sama ng loob ni Presidential Adviser on the Peace Process Teresita Quintos-Deles na pinagdududahan ang kayang katapatan kay Pangulong Aquino sa kanyang pahayag na sagot kay Sen.Francis Escudero na binatikos siya sa kanyang mga kwestyonable na mga payo kay Pangulong Aquino.
Don't worry, P5M is subject to audit

Sa simula ng kanyang sinabi na niya kaagad na nag-resign siya noong Hulyo 2005 sa administrasyong Arroyo kasama sa grupong Hyatt 10.

Ang isa sa isyu na binanggit ni Escudero ay ang P5 milyon na ayuda sa Moro Islamic Liberation Front na matagal nang nakikipagbakbakan sa ating Hukbong Sandatahan. Ang mainit na engkwentro ay yung nangyari
noong Oktubre 18 sa Albarka,Basilan kung saan 19 na sundalo ang namatay.

Hindi maalis na lalong magagalit ang marami dahil ang dating ng mga aksyun ni Aquino ay alaylay na alalay sa MILF. Sa kanyang unang pahayag, nagalit sa palpak ng military at hindi siya nag-order na tugisin ang MILF na sangkot sa trahedya. Nang sumunod na mga araw,nang lumabas ang balita ng demoralisasyun sa military, sinabi niyang bibigyan daw ng hustisya ang mga namatay.

Nakaka-aliw ang “100 days to Heaven”

Noong gabi na breaking news ang pagkahuli kay Muammar Gaddafy, ang dictator ng Libya, nag-text sa akin si Gypsy Baldovino, ang masipag na media officer ni Rep. Gina de Venecia, at sinabi niya na nanonood siya sa Al Jazeera at wala pa raw sa CNN ang balita tungkol kay Gaddafy.

Nagtext back ako kay Gypsy:”Hayaan mo na muna si Gaddafy. Nanonood ako ng ‘100 days to Heaven.’ Mas maganda ito.”

Marami kaming mga kaibigan ko – sina Yvonne Chua at Luz Rimban ng VERA Files at si Charmaine Deogracias ng NHK TV- ang masugid na sumusunod sa mga telenovela sa ABS-CBN.
Noong Media Nation sa Cebu kamaka-ilan, nagtaka ang iba kung bakit hindi kami sumabay sa dinner ng mga ika-walo ng gabi. Siyempre, ayaw naming ma miss ang “100 days to Heaven.” Hindi na bale magutom.

Mahina ang ebidensya ng DOJ-Comelec laban kay Arroyo

Right charge, wrong election
Sorry ha,hindi ako excited sa niluluto nina Justice Secretary Leila de Lima at Comelec Chairman Sixto Brillantes na kasong electoral sabotage laban kay Gloria Arroyo at iba pang kasabwat niya sa pandaraya nong 2007 na eleksyun.

Bago lahat, gusto kong klaruhin: katulad ng maraming Pilipino, gusto ko mapanagot si Gloria Arroyo sa pambabastos niya ng sambayanang Pilipino at mga institusyon pang-demokrasya para lamang manatili siya sa kanyang ninakaw na kapangyarihan.

Ngunit gusto ko sa paraang tama at legal. Ayaw ko mangyari na gagawin ng mga nasa-puwesto ngayon ang pagbaluktot ng hustisya katulad ng ginawa ni Arroyo para lang mapakulong ang lumaban sa kanya katulad nina Sen. Antonio Trillanes IV at ang iba pang sundalong Magdalo.