Skip to content

Category: Abante

Si Jinkee at ang kambal niyang si Janet

Before the Belo makeover, 2010.Thanks to Malaya for photo
Birthday ni Jinkee Pacquiao at ng kanyang kambal na si Janet Jamora noong Huwebes (Enero 12) at pinakita sa television silang magkatabi.

Hindi nga naman masyadong malayo ang mukha. Maayos ang trabaho ni Vicki Belo.

Nag-uusap kami ng aking mga kaibigan tungkol sa report kung paano pinaganda ni Belo si Jinkee at naawa kami kay Janet.

Di ba ibang-iba na ang mukha ni Jinkee. Sexy at glamorosa. Kailangan daw gawin ito ni Jinkee dahil malikot daw ang mata ng boxing champ sa mga sexy na artista na nakakasalamuha sa showbusiness. Di ba showbiz na rin si Pacquiao?

Sabi ni Jinkee dati, ng tanungin siya tungkol sa mga balita sa mga babaeng nauugnay sa asawa niya, “Ayaw kong magalit. Magpaganda na lang ako.”

At sa tulong ni Belo, talaga namang gumanda.

Ang panata sa Itim na Nazareno

Thanks to Malaya
Isa ako sa hindi nakakaintindi sa milyun-milyun na Pilipino na sinusuong ang hirap at peligro para makasama at makalapit sa poong Nazareno na ginaganap tuwing ika-siyam ng Enero sa Quiapo.

Tama siguro ang sinabi ni Manila Archbishop Luis Antonio Tagle na para maintindihan, kailangan magiging ‘devotee’ ka ng Nazareno.

Ang prosisyun kahapon ay ang pinakamahaba sa buong kasaysayan ng Itim na Nazareno sa Quiapo. Biruin mo, nagsimula ng mga alas-otso ng umaga ng Lunes, Enero 9 sa Luneta pagkatapos ng misa at dumating sa Quiapo church alas-sais ng umaga ng Enero 10.

Maigsi lang ang distansya na yan. Kung lalakarin mo yan (palagi naming nilalakad ang ruta nay an nang nagra-rali kami ng panahon ni Marcos), hindi ka siguro aabutin ng isang oras.

Mga walong milyon daw ang dumalo sa prosesyun at katulad ng nangyari taon-taon, marami na naman ang nasaktan.

Ito ay sa gitna ng babala ni Pangulong Aquino mismo na may banta ang mga terorista na maghasik ng lagim habang hagang nagpu-prosisyun. Mabuti naman at walang nangyari. Alerto ang buong kapulisan at mga sangay ng gobyerno na may kinalaman sa seguridad.

Ang ‘fun’ at hindi ‘fun’ sa Pilipinas

Nagsu-surf ako sa internet kagabi para sa pinakahuling balita tungkol sa landslide sa Compostela Valley at napansin ko na ang balita ay nasa bandang ibaba na sa mga websites ng mga diyaryo, TV stations at Facebook at ang nasa itaas ay ang bagong ad slogan ng Department of Tourism na “It’s more fun in the Philippines.”

Hindi yata ‘fun’ ang ganun.

Ayun sa balita, 27 na ang patay sa Compostela Valley at marami ang sugatan. Malungkot itong trahedya lalo na malaki na naman ang kagagawan ng tao.

Mayaman kasi sa ginto ang Compostela Valley kaya namimina doon. Siyempre, binungkal mo ang bundok. Sinira mo na ang pundasyun nun. Kaya kapag lumambot ang lupa dahil sa ulan, mangyayari talaga ang landslide. Lumalaban na ang kalikasan.

Si Abalos ang konek sa “Hello Garci” at NBN/ZTE

Abalos
Pangalawang kaso ng graft laban kay dating Comelec Chairman Benjamin Abalos kaugnay sa ma-anomalyang NBN/ZTE ang isinampa sa kanyan ng Ombudsman kasama si Gloria Arroyo.

Una ay yung isinampa ng Akbayan noong 2007. Paglabag din ng Republic Act 3019, ang Anti-Graft and Corrupt Practices Act. Hindi isinama ng Ombudsman na si Merceditas Gutierrez noon si Arroyo.

Sa kasong isinampa ng bagong Ombudsman, Conchita Carpio-Morales kaugnay ng anomalya tungkol sa NBN/ZTE bago matapos ang 2011 laban kay Arroyo, kasama din si Abalos.

Sabi ni Ombudsman Spokesman Asryman Rafanan ibang bahagi daw R.A. 3019 ang tinumbok ng bagong kaso laban kay Abalos.

Nakakulong si Abalos ngayon kaugnay sa kasong electoral sabotage noong 2007 na eleksyun na isinampa ng Comelec.

Mapayapa at masaganang bagong taon

Sakay sa agos ng buhay,payapa man o maalon.

Taong 2012 na tayo.

Sa mga katulad ko na nasa pangalawang buhay (nagkaroon ako ng ovarian cancer noong 2003), bawat minuto dito sa mundo ay bonus na. Kaya kapag nakabuo ng isang taon, talagang malaking bonus.

Alam ko naman na darating na rin talaga ang oras na kailangan nang pumunta sa pupuntahan natin lahat. Palagi ko iniisip, paano ngayon kung tanungin ako ng Panginoon, ano ang ginawa mo sa bonus na binigay ko sa iyo?

Libre na si Associate Justice Mariano del Castillo?

Thanks to Inquirer for photo.
Ang swerte naman nitong si Associate Justice Mariano del Castillo.

Nauna siyang nasampahan ng impeachment complaint sa House of Representatives sa kasalanang plagiarism o pangungupya ng sinulat ng ibang tao na hindi nagpa-alam.

Ang report noong Biyernes, hindi na raw itutuloy. Natabunan na ng impeachment complaint kay Chief Justice Corona.

Kaya nag-post tuloy ng panawagan si Atty. Harry Roque sa Facebook: “House should not abandon Del Castillo impeachment. Can’t change the SC by just changing its head. Need to drastically change its composition!I Impeach more Justices and not just one!” (Hindi dapat i-abandona ng House ang Del Castillo impeachment.
Hindi maaring magkaroon ng pagbabago sa SC kung ang hepe lang ang palitan. Kailangan palitan ang malawakan na pagpalit ng bumubuo nito. I-impeach ang iba pang justices at hindi isa lang!”

Pwede naman ang makahulugang Pasko kahit walang pera

Everything in moderation
Nagsimula na ang Christmas traffic. Ang biyahe na dapat 30 minutes at nagiging dalawang oras.

Lahat yata namimili na para sa Pasko.

Ganyan ang maganda sa mga Pilipino. Kahit mahirap, talagang buhay na buhay ang diwa ng Pasko.

Pilipinas yata ang may pinakamahaba na Christmas season. Pagkatapos ng All Saints at All Souls Day, simula na kaagad ang tugtug ng Jingle Bells sa mga department stores at labasan na ng mga Christmas decors sa mga bahay.

Hindi yan natatapos sa Disyembre 25 o sa New Year. Hanggang Jan.6 yan, ang Three Kings.

At siyempre kapag panahon ng Pasko, kainan. Kaliwa’t-kanan ang Christmas party. Sigurado, pagkatapos ng Pasko, magtatabaan na naman tayo. At ang cholesterol, dios mio.

Nagbigay ng paala-ala si Health Secretary Enrique Ona dahan-dahan lang sa litson at sa alak nitong Kapakuhan dahil yun ang ilang sa sanhi ng atake sa puso.

Bakit hindi pa nasampahan ng kaso si Abalos?

Untouchable?
Bakit ba hanggang ngayon ay hindi pa na-isampa ang kasong electoral sabotage laban kay dating Commission on Election chairman Benjamin Abalos na inirekomenda ng joint panel ng Department of Justice at Comelec?

Ito rin ang tanong ni Sen.Senator Aquilino “Koko” Pimentel III noong Biyernes.

From Inquirer:
Comelec Chair Sixto Brillantes Jr. said the case against Abalos and other co-respondents of Arroyo would be filed next week, after Comelec lawyers are able to untangle some “procedural problems.”

“There is some sort of complication, but it is just procedural. But we are definitely filing against Abalos,” he said.
Noong Nob. 18, yung araw ng Biyernes na minadali ng pamahalaang Aquino ang kaso na electoral sabotage kay Gloria Arroyo, sinabi ni Comelec Spokesman James Jimenez, na kasama si Abalos at si Capt. Peter Reyes , isang intelleigence agent sa Armed Forces of the Philippines,ngunit sa Lunes na isasampa ang kaso laban sa kanya.

Pang-apat na taon ng Mla Pen rebelyun: malaya na sina Trillanes at Lim, si Arroyo, nakakulong

This was taken inside Rizal room, a few minutes before authorities started tear gassing the hotel.
Sa Martes,Nob. 29, ay pang-apat na taon makalipas ang tinatawag natin na “Manila Peninsula siege.”

Kinumusta ko sa aming abogado na si Romel Bagares ng Roque, Butuyan law office kung ano na ang nangyari sa aming isinampang kaso laban sa mga pulis at military na nanghuli sa amin (ang iba sa amin ay pinusasan) na inapela naming sa Court of Appeals. (Kinampihan kasi ni Makati RTC Judge Reynaldo Laigo ang mga pulis at military kahit na sinabi ng Commission on Human Rights na ang paghuli sa amin a”constitutes arbitrary arrest/detention in violation of human rights standards.”)

Related links:
http://www.ellentordesillas.com/2007/12/14/media-concerns-in-nov-29-incident/
http://www.ellentordesillas.com/2007/12/02/bibeth/
http://www.ellentordesillas.com/2007/11/30/hours-media-grit-in-the-manila-pen/
http://www.ellentordesillas.com/2007/12/14/maria-ressasposition-paper-on-media-at-the-pen/
http://www.ellentordesillas.com/2007/12/14/nhks-chairmaine-deogracias-on-manila-pen-incident/

Sinabi ni Romel, nandun pa rin sa CA ang aming kaso, natututulog.