Skip to content

Category: Abante

Dinidiin ni Corona ang sarili

Media blitz
May kasabihan tayo na ang isda ay nahuhuli sa sariling bunganga.

Ganyan ang nangyari kay Chief Justice Renato Corona.

Itong nakaraang linggo, nag-media blitz siya. Pa-interview siya kaliwa’t kanan,mula umaga hanggang hapon. Palipat-lipat ng TV at radio stations.

Siguro ay preparasyon ito sa pagpresenta ng kanyang kampo ng mga ebidensya sa impeachment court mula Lunes. O baka naman dahil sa matindi ang dating ng pahayag ng mga kamag-anak na sina Ana Basa at ang 90-taong gulang na madre na si Sister Flory Basa tungkol sa gulo nila sa kanilang mga minanang ari-arian, naisip niya na kailangan din siya magsalita sa media.

Hindi dahil Azkal, pwedeng mambastos

Cristy Ramos
Mabuti naman at hindi pinalampas ni Cristy Ramos ang pambabastos ng dalawang miyembro ng Azkals sa kanya.

Kahit na ba magaling sila mag-football at malaki ang nagawa ng Azkals para buhayin ang laro sa bansa, hindi yun lisensya para magiging bastos sila sa kababaihan.

Si Cristy ay anak ni dating Pangulong Fidel Ramos at dati ring pangulo ng Philippine Olympic Committee. Opisyal siya ngayon ng Fédération Internationale de Football Association (FIFA) na siyang namamahala ng football sa buong mundo.

Sa kanyang reklamo na isinampa sa Asian Football Confederation, ikinuwento ni Ramos na siya ang napiling Match Commissioner sa laro ng Philippines (Azkals) at Malaysia noong Pebrero 29 sa Rizal Memorial Footbal Stadium.

Bilang Match Commissioner, trabaho ni Ramos ang i-inspeksyunin ang lahat na gamit at suot ng mga players. Sa kanilang miting, isang araw bago ang laro, sinabi ni Ramos na dahil siya ay babae sa isang laro na puro lalaki ang players, sasamahan siya ng isa pang opisyal na lalaki.

Pagbigay kapangyarihan sa may kapansanan

Photos by Mario Ignacio, VERA Files

Maricar Ui with members of her organization teaching reporters sign language
Maraming kahanga-hangang personalidad ang aking nakilala nitong nakaraang dalawang araw sa orientation at training na ginawa ng VERA Files sa pag-uulat tungkol sa mga taong may kapansanan (Reporting on Persons with Disabilities) na ginanap sa Eastwood Richmonde.

Nandiyan si retired Capt. Oscar Taleon, ang presidente at Chief Executive Officer ng Alyansa ng may Kapansanang Pinoy (AKAP-Pinoy), na nabulag noong panahon ng martial law (1977) nang napasabak siya sa rally sa underpass sa Quiapo kung saan may nagbuhos ng gasolina na lumiyab. Nasa Intelligence Service siya ng Armed Forces of the Philippines noon.

Inip na sa ending ang taumbayan

Kapag impeachment ni Chief Justice Renato Corona ang pinaguusapan, ang tanong ng karamihan ay, “Maku-convict ba si Corona?”

Inip na sa ending ang mga tao.

Sa aming baryo sa Guisijan sa Antique, marami ang sumusunod ng Corona impeachment trial.Sa mga nakita nilang lumabas na mga impormasyun sa trial, naniniwala silang guilty si Corona.Kaya kahit medyo palpak and prosecution, umu-ubra din ang kanilang stratehiya na lumilihis sa proseso.

Ngunit alam din ng taumbayan na malaki ang papel ng pulitika sa pinal na desisyun kaya medyo nag-alala sila.

Anong gagawin kapag may lindol?

Interphoto from Interaksyon
Nakakapanghilakbot ang nangyari sa Negros Oriental at sa ibang parte ng Visayas na tinamaan ng Intensity 6.9 na lindol.

Makikita sa mga litrato na bumuka ang lupa. Ayon sa report kahapon, sobra 50 ang namatay at mukhang tataas pa dahil meron pang mga nadaganan na hindi naalis. Patuloy pa rin ang mga aftershocks na nakakatakot dahil ang mga gusali o lugar na nauga at mahina, maaring bumigay na.

Marami daw sa mga nasawi ay dahil sa landslide. Nadaganan ng mga bato at mga gusali. Meron ngang isang bata na namatay nang madaganan ng pader sa punerarya. Kawawa naman talaga.

Ang lakas talaga ni Mancao sa DOJ

The incredible Cezar Mancao
Ang lakas talaga ni dating Police Superintendent Cezar Mancao kay Justice Secretary Leila de Lima.

Kahit na dinismis ng Manila Regional Trial Court ang hiling ni Mancao na hindi siya aalisin bilang akusado sa kaso ng pagpatay sa publicist na si Salvador “Bubby” Dacer at kanyang driver na si Emmanuel Corbito noong 2000, ayaw pa rin nilang alisin si Mancao sa Witness Protection Program.

Protektado pa rin nila si Mancao.

Sinabi ng mga DOJ prosecutors na may hawak ng kaso na iapela raw nila ang desisyon ni Manila RTC Thelma Bunyi-Medina.

Kaya nasa WPP si Mancao dahil ginamit siya nina Gloria at Mike Arroyo sa pamamagitan ng kanilang mga galamay sa DOJ na idiin si Sen. Panfilo “Ping” Lacson sa kaso ng Dacer-Corbito murders.

Protektado pa rin ng DOJ si Mancao

Habang ang atensyun ng madla ay nasa impeachment trial ni Chief Justice, may nangyayari sa Department of Justice.

Noong Huwebes, nang ina-nunsyo ni Justice Secretary Leila de Lima na itinalaga niya si Regional Prosecutor Nonnatus Caesar Rojas bilang officer-in-charge ng National Bureau of Investigation, kapalit ni Magtanggol Gatdula, ang pinatalsik ni Pangulong Aquino na hepe ng NBI, pumunta kaagad si dating Police Officer Cezar Mancao kay De Lima.

Sabi ng aming source, naka-confine daw sa isang kuwarto sa itaas ng NBI building si Mancao.

Si dating Police Senior Superintendent Michael Ray Aquino ay nakakulong sa NBI rin ngunit nasa ibaba naman.

Hindi na hinintay ni Mancao na arestuhin siya. Halatang tiwalang-tiwala si Mancao kay De Lima.

Pangmatagalan na impeachment trial

Thanks to yahoo.ph for photo

May basehan ang pag-alala ni Sen. Francis “Kiko” Pangilinan sa sinabi ng prosecution na sobra isang daan daw ang bilang ng witnesses na kanilang i-presenta sa impeachment trial ni Chief Justice Renato Corona.

Sabi ni Pangilinan, na miyembro ng Liberal Party at ka-alyado ng administrasyong Aquino, “Kung seryoso sila (ang prosecution) na ipresenta ang lahat na witness, matatagalan itong trial.”

Sabi ni Pangilinan, sa unang dalawang linggo ng impeachment trial, anim na witnesses na ang naisalang sa witness stand. “Kung ganito ang takbo ng trial, aabutin ng sampung buwan ang isang daan na witnesses.”
Prosecution witnesses lang yan. May sariling witnesses rin ang defense.

May matutunan tayo sa buhay ni Iggy Arroyo

Thanks to the Inquirer for photo.
Nakakalungkot ang pagkamatay ni Rep. Ignacio “Iggy” Arroyo (fifth district, Negros Occidental), ang nakakabatang kapatid ni Mike Arroyo na asawa ni Gloria Arroyo.

Ayun sa balita, ang kanyang kasama sa buhay ngayon na si Grace Ibuna lang ang kanyang kasama sa ospital sa London nang binawian siya ng buhay.

Nang pumutok ang isyu tungkol sa pagbenta ni Mike Arroyo sa Philippine National Police ng gamit na helicopter sa presyo ng bago, ininterbyu si Iggy sa TV at doon nalaman na nasa London pala siya at nagpapagamot dahil sa sakit sa atay (cirrhosis of the liver). Payat nga siya.

May kuneksyun ba ang kaso ni Gatdula at Mancao?

Gatdula and De Lima
Nagkataon lang kaya o may kuneksyun ang pagtanggal kay Director Magtanggol Gatdula ng National Bureau of Investigation sa kanyang pwesto at ang desisyun ng Manila Regional Trial Court (Branch 18) na manatili ang dating opisyal ng pulis na si Cezar Mancao II bilang akusado sa kaso ng pagpatay sa publicist na si Salvador “Bubby” Dacer at ang kanyang driver na si Emmanuel Corbito?
Mancao accompanied by then NBI Director Nestor Mantaring
Marami sa mga reporter na nagtatrabaho sa Japanese media ang nagtataka kung bakit pinatulan ni Justice secretary Leila de Lima ang paratang ng Haponesang si Noriyo Ohara na kinidnap daw siya at kinikilan ng mga ahente ng NBI kasama si Gatdula.

Alam daw kasi ng mga opisyal ng Japanese Embassy na may kuneksyun ni Ohara sa mga hindi kanais-nais na mga grupo sa Hapon at hindi malaman kung alin sa mga sinasabi niya ay totoo. Noong taon 2009 pa raw dito sa Pilipinas ngunit noong Oktubre 29, 2011 siya hinuli ng mga ahente ng NBI sa Pangasinan sa bahay ng ‘handler’ niya dito.

Itong handler niya, kilala ang isang media man na may kuneksyun sa mga taga DOJ.