Skip to content

Category: Abante

Mas mataas pa kaysa National Artist ang parangal kay Dolphy

Dolphy receiving his Golden Heart award

Kasama sa pagdasal para kay Dolphy ay ang panawagan ng marami niyang kaibigan at tagahanga na ibigay sa kanya ang National Artist Award o Orden ng Gawad Pambansang Alagad ng Sining, ang pinakamataas na pagkilala ng kontribusyon ng isang Pilipino sa larangan ng Sining na binibigay ng pamahalaan.

Wala namang tutol diyan dahil sang-ayon naman ang lahat sa kontribusyon ni Dolphy sa pagpasaya ng sambayanang Pilipino. Kaya lang may proseso ang National Artist award at hindi naman tama na i-short cut dahil lang sa delikado ngayon ang lagay ni Dolphy.

Sa tamang panahon, maaring ibigay yan ay Dolphy na walang bahid ng paboritismo at anomalya katulad ng nangyari noong panahon ni Gloria Arroyo para kay Carlos Caparas at kay Cecille Alvarez.

Proteksyun sa mga matataas niyang opisyal kaya ayaw pumirma ni Pnoy ng waiver

Protecting his men?
Kung si Pangulong Aquino lang, wala naman sigurong laman ang kanyang bank accounts na kailangan niyang itago sa publiko.

Kaya lang, kung pipirma siya ng waiver para sa kanyang bank deposits, kailangan din gawin ng lahat na miyembro ng kanyang cabinet.

Ang hiningi nga ni Sen. Alan Peter Cayetano , lahat: COA, Comelec, BIR, Customs, judges, governors, mayors, barangay captains, congressmen, senators.

Diyan magkaka-problema. Ay kung may miyembro siya ng cabinet na may hindi mapaliwanag na kayamanan? Di magkaproblema pa siya.

Kaya sinabi niya na hindi ngayon ang tamang panahon para ipatupad niya ang kanyang pangako noong kampanya na mapirma siya ng waiver o pahintulot para makita ng iba ang laman ng kanyang mga bank accounts.

Kailangan mabigyan niya ang kanyang mga opsiyal ng tamang panahon para ayusin ang kanilang kayamanan.

Pero despalinghado ang pagpaliwanag ni Presidential deputy spokesman Abigail Valte.

Mag-endorso na lang si Erap

Estrada during the 2010 campaign with running mate Jojo Binay
Mabuti naman kung hindi na nga itutuloy ni dating Pangulong Estrada ang kanyang balak na tumakbo sa pagka-mayor ng Manila.

Mas makakatulong si Estrada sa bayan kung gamitin niya ang kanyang popularity para mag-endorso at tumulong sa mga batang pulitiko na sa akala niya may kakayahan at may puso na magserbisyo sa bayan.

Sinabi sa newspaper report na balak daw niya i-endorso si Manila Vice mayor Isko Moreno para mayor . Dati kasi kinikuha niya si Moreno para magiging vice mayor niya.

Kahit daw ang kanyang mga anak, si Sen. Jinggoy Estrada at si San Juan Rep. JV Ejercito ay hindi masyadong boto sa pagtakbo ng tatay nila bilang mayor ng Manila.

Mag rally kaya ang Pilipinong mangingisda sa Scarborough shoal

Akbayan Rep. Walden Bello leads rally in front of Chinese Embassy
Sabi ni retired Commodore Rex Robles, sa usapan daw ng mga opisyal ng Philippine Navy, may nagpanukala na total mahilig tayo mag rally, bakit hindi magrally ang mga mangingisda sa Scarborough o Panatag shoal kun saan nag-gigirian ngayon ang Pilipinas at China.

“Kung may isang daan na fishing boats ang magrally doon sa bukana ng Scarborough shoal, tingnan natin kung anong gagawin ng China. Pagbabarilin ba nila yun? “ sabi ni Robles.

Kapag ginawa ng China yun, tutuligsain sila sa buong mundo, isang bagay na hindi nila gusto.

Mas pinapahalagahan ng Malacañang ang SM mall kaysa kapaligiran

Occupy SM Baguio
Deadma lang ang Malacañang sa mainit na protesta laban sa plano ng SM, ang higanteng sa negosyo ng shopping malls, na putulin ang 182 na pine trees sa Baguio para patayuan ng parking lot ng kanilang department store.
SM-friendly DENR Chief Paje

Kinampihan pa ni Environment Secretary Ramon Paje ang ginagawa ng SM. Sabi niya,“If we do not allow trees to be cut, will there be a development such as Fort Bonifacio?(Kung hindi natin papayagan na putulin ang mga kahoy, paano tayo magkaroon ng pagsulong katulad ng Fort Bonifacio?”)

Ang imbistigasyon sa kayamanan ni Lapid at impeachment ni Corona

The judge is being investigated for alleged unexplained wealth
Dapat tutukan itong imbestigasyon tungkol sa kayamanan ni Sen. Lito Lapid na isinasagawa ng Ombudsman dahil kunektado ito sa impeachment in Supreme Court Chief Justice Renato Corona.

Senator Lapid’s millions subject of Ombudsman probe

http://www.interaksyon.com/article/28085/senator-lapids-millions-subject-of-ombudsman-probe

Akala kasi ni Lapid, dahil mahalaga ang boto niya sa impeachment, hindi siya gagalawin ng administrasyong Aquino basta ibigay lang niya ang kanyang boto sa pag-convict kay Corona.

Hindi natin alam kung tama nga ang akala ni Lapid. Dati kasi nakalusot siya.

Nagsumbong na dati si dating Tourism Secretary Alberto Lim kay Pangulong Aquino tungkol sa hindi kanais-nais na mga ginagawa daw ni Mark Lapid, anak ni senador na dating gubernador ng Pampanga at ngayon at hepe ng Philippine Tourism Authority . Ngunit sinabihan si Lim na huwag galawin si Mark dahil kailangan nila ang boto ni Lito lapid sa pagpasa ng batas na ipagpabliban ang eleksyun sa Autonomous Region for Muslim Mindanao.

Magpapatayo ba ng relihiyon si Pacquiao?

Using God for political plans?
Sabi ng boxing champ na si Saranggani Rep. Manny Pacquiao, nag-uusap daw sila ng Panginoon.

Sabi niya sinabi daw ng Panginoon sa kanya na huminto na siya sa boxing. Natutulog daw siya ng sinabi sa kanya ng Panginoon itong mensahe.

Ang pinagtataka ko, bakit ngayon lang ba niya narinig yun? Matagal na yan sinasabi ng Nanay Dionisia niya at ng kanyang trainer na si Freddie Roach. Sinasabi rin sa kanya yan ng boxing writer at analyst na si Ronnie Nathanielz. Lumabas yan sa mga media.

Saan nga ba patungo ang direksyun ng buhay ni Pacquiao? Tumatanda na siya. Kahit ano pang galing niya, ang boksing na sports ay para sa mga bata. At ano pa ba naman ang gusto niya, lumalangoy na siya sa pera.

Enjoy ang summer ngunit ingat

Still the popular destination
Tag-init na.

Kahit na paminsan-minsan ay umu-ulan, talagang summer na. Ang sarap magbabad sa tubig. Dumadami na ang mga tao sa beach at swimming pool.

Sa pinupuntahan kong gym,Fitness First, at siguro sa ibang gym, mas marami na ang nagwu-workout. Siyempre ang gustong pumunta sa mga sosyal na beach, kailangan may ipakita ka.

Napansin ko nga, sa mga department store, naglabasan na ang kanilang mga pang kasuutan para sa summer. Marami na ang bumibili ng swimsuits.

Merong iba kasi na nagpa-fashion show sa beach. Kung ‘yun ang kanilang hilig, pagbigyan. Sa beach naman, busy lahat sa sariling lakad at gimik, hindi na rin naman mahalaga kung pang-Miss Universe ang katawan mo o hindi. Ang mahalaga ay malusog ka, wala kang sakit at nae-enjoy ka sa iyong ginagawa.

Ang sinasabi ng hairstyle

Itong mga nakaraang linggo, dalawang hairstyle ang nasa front page ng mga diyaryo at umiikot sa Facebook.

Ang isa ay ang hairstyle ni Navotas Rep. Toby Tiangco nang siya at tumestigo para sa defense sa impeachment trial ni Chief Justice Renato Corona at ang isa ay yung kay Charice Pempengco, na ngayon ay talaga namang sikat na sikat na sa mundo sa larangan ng pop music.

Si Tiangco, na tumestigo na ang kanyang pork barrel o Priority Development Assistance Fund ay inipit nang hindi siya pumirma sa resolution para i-impeach si Corona ay dumating sa Senado na ang buhok ay parang kulay ng Dalmatian. Hinaluan ng kulay abo at puti ang buhok at nakatayo na parang nagulat.

Sabi nga ng isang kolumnista, sino ito, lalaking Cruella de Ville? Si Cruella de Ville ang kontrabidang karakter na ginampanan ni Glenn Close sa pelikulang 101 Dalmatians.

Dapat amyendahan ang batas sa menor-de-edad na sangkot sa krimen

Nakakapanghilakbot, nakakagalit, at nakakasuka ang nangyari sa pitong taong gulang na batang babae na hinalay at pinatay nang dalawang menor-de-edad.

Ang isa sa dalawang nanggahasa ay 17-taong gulang at ang isa naman, ayun sa report, ay Grade 5. Kung pitong taon ang batang lalake nang siya ay Grade 1, mga 11-taong gulang ang batang sinasabing Grade 5.

Dahil menor-de-edad ang mga gumawa ng krimen, hindi sila makukulong dahil meron tayong batas na hindi maaring makulong ang mas mababa sa 18 taon gulang.

Ayun sa report noong Pebrero 20 huling nakita ang biktima na si Clariza Pizara mga ika-lima ng hapon sa harap ng isang sari-sari store sa Barangay San Dionisio, Paranaque City.