Skip to content

Category: Abante

Mahabaging Dios, patigilin mo na si Sen. Sotto

Tito Sotto
Mahabaging Panginoon, ako ay lumuluhod at nagmamakaawa sa iyo na kung maa-ari, patigilin mo na si Sen. Tito Sotto sa kaka-privilege speech laban sa Reproductive Health bill.Hindi ko na ma-take.

Maawa naman kayo sa mamamayang Pilipino. Alam ko maraming nangyayari dito sa bansa na hindi kanais-nais at dapat lang siguro may kaparusahan para mabigyan kami ng leksyun. Ngunit huwag naman itong parusa sa pamamagitan ng pagkakalat ni Sotto.

Kahit ayaw ko panoorin, nasa TV siya. Siya at ang kanyang kapalpakan ang laman ng Facebook at Twitter. Nakaka-stress. Nakapagbitaw tuloy ako ng hindi kanais-nais na salita. Ako pa ngayon ang nagkapag-commit ng kasalanan.

Kapag meron pa siyang isang speech, baka makakarami ako ng kasalanan. Sa impyerno na talaga ang bagsak ko. Huwag naman po, Panginoon.

Mahirap talaga ma-take ang mga pinagsasabi ni Sotto.

Ang hamon kay Sereno: panatiliing independent ang Supreme Court

The first female Chief Justice in the Philippines
Sa edad na 52, kung manatiling malusog ang bagong hirang na Chief Justice na si Ma. Lourdes Sereno, siya manatili sa makapangyarihan na posisyun nay an hanggang 2030.

Labing-walong taon siya sa posisyun na yan.

Siyempre marami ang nag-aalala sa hindi magandang epekto ng sobrang tagal sa kapangyarihan ng isang opisyal. Na kahit anong galing ng isang tao, kapag masyadong matagal sa pusisyun, kung hindi naging abusado, ganun-na ganun na lang sa mahabang panahon.

Ngunit matalino si Sereno. Valedictorian at cum laude siya ng siya at nag-graduate sa University of the Philippines College of Law noong 1984. Pang-14 siya sa bar exams.

“My leadership is to be exercised to uphold the truth. It is to be exercised in favor of those who are weak, in order that justice in its true sense may be rendered.” -Sereno

http://verafiles.org/front/sereno-vision-courage-and-accountability/

Robredo: matino, mahusay, mapagkatiwalaan

Thanks to Malou Tiquia for this photo.
Ang halaga ng buhay ay hindi nasusukat sa haba kungdi kung paano mo ginamit ang bawat minuto o oras na biyaya ng Panginoon.

Masasabi natin na walang nasayang na oras sa sobra 54 taong ibinigay ng Panginoon sa nasawing secretary ng Department of Interior and Local Government na si Jesse Robredo.

We join all those who grieve for the passing of Interior Secretary Jesse Robredo. We will always remember him to be a decent and competent government official.

We also echo the call of Solar News’ Pia Hontiveros “Leave no one behind. Not the pilots. Not the rescuers. Not the divers. Let’s take care of everyone.”

Contrary to earlier reports when Robredo’s body was retrieved from the ill-fated Piper Seneca’s fuselage yesterday, the bodies of the aircraft owner, Capt. Jessup Bahinting and co-pilot Sri Lankan Kshitiz Chand, have not yet been recovered.

Transportation and Communication Secretary Mar Roxas said the bodies of the two pilots were seen slumped in the cockpit. Retrieval operations will resume today.

We pray that the families Robredo, Bahinting and Kshitis be blessed with strength to sustain them in this hour of sorrow. We also pray for the complete healing of Robredo’s aide, who survived the plane crash, Chief Insp. Jun Abrasado.

Mas makakabuti ba sa bayan na payagan na si Arroyo lumabas ng bansa?

To allow her to leave or not
Mukhang mahirap na desisyon ang gagawin ni Pangulong Aquino sa kaso at kalagayan ni Gloria Arroyo.

Sinabi ng cardiologist ni Arroyo, si Dr. Roberto Anastacio, na delikado ang lagay ni Arroyo dahil sa paggalaw ng metal sa kanyang gulugud (spine).

Nang tinanong si Arroyo kung maaring ikakamatay ito, sabi niya “Oo.”

Mataas ang posibilidad na kapag naka-alis si Arroyo sa Pilipinas, hindi na ito babalik.
At bakit naman siya babalik? May kasong plunder at electoral sabotage siyang hinaharap at marami pang ang isasampa sa kanya. Habambuhay na kulong ang parusa sa mga krimen na kanyang hinaharap at haharapin.

Ang kagandahan ni Maita Gomez

Nakakalungkot. Wala na si Maita Gomez.

Pumanaw si Maita habang siya ay natutulog Huwebes ng hapon, habang ang buong bansa ay namimighati sa pagkamatay ni Dolphy.

Sabi ni Anna Leah Sarabia, kaibigang matalik ni Maita, natulog si Maita pagkatapos niya kumain ng tanghalian. Ginising siya ng kanyang anak nang tumawag ang kanyang opisina. Hindi siya sumasagot at nang buksan ang kanyang kuarto, patay na siya.

Napaka-payapa ng kanyang pagpanaw.Sabi nga namin ni Human Rights Commissioner Etta Rosales nang magkita kami sa burol ni Maita,kung pwede lang sana hilingin kay Lord, ganun na rin niya kami kukunin.

Nakakatuwa nga kung isipin ang buhay ni Maita na laki sa mayamang pamilya, kolehiyala, naging model, beauty queen, na naging amazona.

Nag-aral si Maita ng medisina sa University of the Philippines. Siguro doon umigting ang kanyang pagka-mulat sa hindi makatarungan na pamamalakad ng pamahalaan at ang maaring papel na gampanan ng bawat mamamayan.

Ano ang dapat parusa sa nagti-text habang nagmamaneho?

Result of texting while driving
Wala palang batas na nagbabawal mag-text habang nagda-drive?

Sa dami ng ating mga mambabatas, dapat may mag-file na ng ganung batas. Huwag nang hintayin pa ng magbuwis pa ng maraming buhay sa aksidente.

Noong Miyerkules, naaksidente ang isang “Don Mariano” bus sa EDSA-Ortigas flyover. Sumampa sa railing. Mabuti lang hindi nahulog . Walong pasahero ang nasugatan. Maulan nang oras na iyon.

Hindi na nga maganda ang panahon na dapat maingat ang pagmamaneho. Ang siste, nagti-text pa ang driver kaya naaksidente, ayun sa mga pasahero.

Kapag nagmamaneho, dapat ang mata ay sa kalsada. Tapos itong driver, na nasa kamay ang buhay ng maraming pasahero, magti-text?

Paliwanag ni Commissioner Ricardo David sa sitwasyon sa NAIA1

Immigration Commissioner Ricardo David, Jr.
Sumulat si Bureau of Immigration Commissioner Ricardo A. David ,Jr. na dating Philippine Armed Forces chief of staff, tungkol sa aking sinulat noong Hulyo 1 tungkol sa sobrang haba na pila sa immigration sa NAIA 1.

Ipinaliwanag ni Commissioner David na pitong buwan na nakasara ang ilang parte ng runway ng NAIA dahil inaayos kaya kailangan walang eroplano sa runway 30 minutos makalaampas ang hatingggabi. Dahil doon, sunod-sunod ang mga dating ng eroplano.

Ang problema, maliit talaga ang lugar para sa immigration sa NAIA I.

Ito ang isang parte ng sulat ni David: “Please be informed tha the Manila International Airport Authority (MIAA) has commenced implementing a seven-month partial closure of the NAIA due to runway repairs from January to August 2012 from 00:30H to 5:30H, affecting departing and arriving flights at the NAIA.

Hindi “fun” pagdating sa NAIA1

Interaksyon file photo
Hindi na bago itong reklamo ngunit uulitin ko na naman dito dahil ganun pa rin ang sitwasyun sa arrival sa Ninoy Aquino International Airport 1. Nakakadismaya na nakakainis. Sobra isang oras kaming nakapila sa Immigration noong Sabado ng gabi.

Hindi bale ako dahil tatlo at kalahati oras lang ang biyahe mula Seoul. Ang marami sa mga nakapila ay galing pa ng Amerika at ang iba ay galing Middle East at Europe na humigit-kumulang 14 oras ang biyahe. Siyempre pagod na sila. May mga bata na umiiyak.

It’s not fun arriving in the Philippines via NAIA1.

Ang dalawang J na namamayagpag sa Korea

Jessica Torralba Kang showing Amb Cruz her insurance agent license.
SEOUL,Korea – Nagkita kami ng ating ambassador sa Korea na si Luis T. Cruz at ilan sa kaniyang mga kasamahan sa embassy. Dumalo kasi ako dito sa seminar ng Asia-Europe Meeting (ASEM) tungkol sa relasyon ng human rights at internet.

Siyempre kuwentuhan ng kalagayan ng mga Pilipino dito sa Korea na karamihan ay nagtatrabaho sa mga factories. Ngunit ang marami din ay ang mga Pilipino na dito na talaga naninirahan. Umaabot sila ng 6,000 at marami sa kanila ay asawa ng mga Koreano.

Maraming success stories ng mga Pilipino dito sa Korea. Dalawa sa mga kuwento na yun ay sina Jessica Torralba Kang at Jasmine Lee. Parehong “J”.

Nakita ko sa Facebook ang litrato ni Jessica na pinapakita kay Ambassador Cruz ang kanyang lisensya bilang pinakaunang immigrant na nakakuha ng Insurance Agent Certification in South Korea. Nagtatrabaho si Jessica sa Samsung Fire & Marine Insurance Co., Ltd.

Okay ba para senador si Jun Lozada?

Thinking of going into the political arena
Sa survey ng Pulse Asia ng mga tsansa ng mga gustong tumakbo para senador sa 2013, nakasama ang pangalan ni Rodolfo “Jun” Lozada,Jr., ang star witness sa $329 NBN/ZTE deal.

Pang 32-40 ang kanyang ranking. Sa mga 1,200 na tinanong, 56 percent ay kilala si Lozada. At 5.8 per cent sa mga tinanong ay boboto sa kanya.

Medyo malayo sa Magic 12 na kinabibilangan halos ng mga re-electionist o pangalan ng mga kilalang pulitiko. Ngunit pwede pa naman trabahuhin dahil may 11 na buwan pa bago eleksyun.

Kahit na isinama ang kanyang pangalan sa pagpipilian, hindi naman talaga kasi sa isip ng mga tao na tatakbo siya para Senado dahil wala naman siyang sinabing interesado siya.

Dati kasi, noong 2010, inisip niya noon tumakbo. Gusto niya noon independent kasama ang ilang kandidato na ayaw sumali sa tradisyunal na partido katulad ng Liberal Party at Nacionalista Party.