Ayan, may assignment na si Ambassador for Peace and Understanding Manny Pacquaio.
Sa interview ni Judge Jorge Emmanuel Lorredo sa ANC, tinatawagan niya ang champion na boksingero na pumunta sa hearing ng kasong perjury na isinampa ni Mike Defensor laban kay Rodolfo “Jun” Lozada sa Mayo 28 sa Manila Metropolitan Trial Court Branch 26.
“Nanawagan ako kay Pacquiao na pumunta siya sa May 28 sa courtroom ko, I will allow him to talk to Mike Defensor and Jun Lozada,” sabi niya.