Skip to content

Category: Abante

Pamasko talaga: Salamat kay Jason Miranda ng Southmall

The incident with my cellphone has become a beautiful Christmas story:

“”Surely goodness and love will follow me all the days of my life, and I will dwell in the house of the LORD forever.- Psalms 23.6
Marami pa rin talaga mabubuting tao sa kabila ng maraming kasamaan na nakikita natin sa ating paligid.

Isa na dyan si Jason Miranda,na nasa maintenance ng Southmall sa Las Pinas na nagbalik ng aking Blackberry cellphone noong Miyerkules.

Noong Miyerkules ng hapon, bago mag-alas tres ng hapon, dumaan ako sa supermarket ng Southmall para bumili ng plastic na lalagyan ko ng crema de fruta.Nakalimutan ko kasi ito nang namili ako noong isang linggo.

Doon ko huli ginamit ang aking cellphone. Habang nakapila ako sa cashier, nag-check ako ng mga messages. Mula sa supermarket, pumunta ako sa National Book Store para bumili ng mga libro para sa mga anak ng aking mga pamangkin.

Buhayin ang magandang tradisyun ng Pasko; ingat sa manloloko

Simbang Gabi
Pasko na talaga. Simula na ng simbang gabi.

Maganda naman at buhay na buhay pa rin ang tradisyun ng simbang gabi, ang misa sa medaling araw. Paglabas mo ng simbahan, nandiyan ang puto-bumbong at bibingka.

Dito sa Manila, kape ang mainit na inumin. Three-in-one na. Sa probinsiya, salabat. Yung may kaya, tsokolate na malapot kasama ng ibos-suman at mangga. Ang sarap. Tamang-tama sa malamig na simoy ng hangin.

Ang ginagawa pa namin noon, nagsisindi ng mga naipon na basura na kadalasan ay dahon ng mga puno. Upo kami doon sa paligid ng apoy at magkwentuhan habang umiinom ng salabat o kape. Ang kape doon, kung hindi barako, kape ng bigas.

Paala-ala kay Pacquiao: hindi ka superman

Pacquiao crumples to the floor
Akala ko ang leksyun na nakuha ni Manny Pacquiao sa kanyang pagkatalo niya sa Mexicanong si Juan Manuel Marquez ay hindi siya superman at dapat na siyang mag-retiro.

Hindi pala. Gusto pa niyang lumaban ulit. Kaya pinag-uusapan na ngayon ang panglimang Pacquiao-Marquez fight. Baka sa Abril daw.

“I am going to rest and come back to fight. I would go for a fifth,” sabi niya sa interview sa kanya sa Las Vegas isang araw bago siya pinatumba ni Marquez.

Naloko na. Gusto yata maging gulay. Anhin niya ang kanyang bilyunes kung gulay naman siya.

Sabi ni Ronnie Nathanielsz, sports analyst, na delikado sa edad ngayon ni Pacquiao (magiging 34 siya sa Disyembre 17) , ang magpapatuloy sa boksing, isang sports na talagang bugbog ang katawan.

Sabi ni Nathanielz kapag tinitingnan niya ang coach ni Pacquiao na si Freddie Roach na dati ring boksingero at ang dating heavyweight champion na si Muhammad Ali, parehong may Parkinson’s disease, natatakot siya para kay Pacquiao.

Kailan pa tayo matutoto na huwag abusuhin ang kalikasan?

Thanks to Yahoo for this photo.
Nakakabagbag damdamin ang nangyari sa Compostela Valley at Davao Oriental na talagang hinagupit ng bagyong “Pablo.”

Habang pinapanood , pinapakinggan at binabasa ko ang mga report galing doon, naisip ko,tayo na hindi tinamaan ng hagupit ng bagyong “Pablo” ay walang karapatang magreklamo at mamaktol sa mga problema natin.

Kung ano man ang ating problema – walang pera pangbili ng bagong IPhone o pinakabago na labas ng Samsung o kulang ang ating pang-Christmas shopping – wala yan sa kalingkingan sa hirap na dinaranas ngayon ng mga tao sa Davao Oriental at sa Compostela Valley na mismo ang kanilang evacuation center ay tinangay rin ni Pablo. Wala silang masilungan habang patuloy ang pag-ulan. Kahit sa pagkain at inumin kinukulang.

Nakakalalake

Limang buhay ang nasira dahil lamang sa yabang.

“Nakakalalake.” Yan ang sabi ng pulis ng dahilan ng pagpatay sa isang Amerikanong Marines, si GeorgeAnikow, 41 taong gulang ng apat na lalaki na nakilalang sina Jose Alfonzo Abastillas, 24; Crispin Chong Dela Paz, 28; Osric Malabanan Cabrera, 27; at Galicano Salas Datu III,22.

Konting sagutan. Ang nagpainit ng ulo talaga ng apat ay ang pagtapik ni Anikow ng kanilang sasakyan na silver na Volvo. (Ano ba ang sa Volvo na naging brutal ang nakasakay kapag ito ay natapik? Di ba Volvo na berde ang kotse ni Robert Blair Carabuena, ang nambugbug sa MMDA traffic aide na si Saturnino Fabros? Di ba ang pagtapik din ni Fabros ng kanya nagwala si Carabuena?)

Nakakulong na ngayon itong apat. Murder ang kaso ng mga ito. Makalaya man sila balang araw, nagkawindang-windang na ang kanilang buhay. Kababata pa nila. Nakapag-aral at may kaya. Ito si Datu, nag-aaral pa sa La Salle.

Dahil lamang sa gustong patunayan ang pagkalalake. Ano ba yung “nakalalake.”

Bakit kaya hindi nababahala si Brillantes sa mga palpak ng NPO?

An NPO official gives intsructions to NPO employees how to shade sample ballots for testing prior to scheduled testing in violation of BAC rules and procedures that only the BAC chairman should initiate such action together with other members of the committee.
Nakakapagtaka, nakakaduda at nakakabahala ang hindi pagkabahala ng Commission on Elections sa mga palpak na nagyayari sa bidding ng pag-imprinta ng balota na gagamitin sa 2013 na eleksyun.

Inamin ni Comelec Chairman Sixto Brillantes Jr. na palpak ang mga balota na ginawa ng Holy Family Printing Corp, ang pinanalo ng National Printing Office sa pag-imprenta ng 55 milyon na balota para sa 2013 na eleksyun.

Dapat kasi sa testing , isang libo na sample ballots ang gamitin. Noong unang test, Septyembre 12, 2012, walo lang ang dala ng Holy Family. Di ba dapat noon pa lang disqualified na sila dahil ibig sabihin nun, nag-bid sila na hindi pala sila handa gumawa ng trabaho na gusto nila kunin.

Hindi ito basta-basta lang trabaho. Balota ito para sa national na eleksyun. Demokrasya ng bansa ang nakasalalay dito.

Ngunit okay lang sa NPO. Sinubukan nila ang walong sample ballot na dala ng Holy Family. Anim sa walo ay hindi nagkasya sa makita na nabili na ng Comelec- ang Precinct Count Optical Scan machines galing sa Smartmatic.

Paano ngayun yun?

Sobra talaga ang bait ng NPO sa Holy Family . Binigyan ng isang buwan para ayusin ang kanilang trabaho.

Nagkaroon ng pangalawang test noong Oktubre 11, 2012. “Isang libong balota ang ginamit at perfect ayun sa report sa amin,” sabi ni Brillantes.

Huwag lagyan ng malisya ang litrato ni Teddy Casiño at Imelda Marcos

No collaboration.Teddy Casiño and Imelda Marcos in the 2009 birthday party of Armida Siguion-Reyna and her son, Carlitos.
Tatlong kaibigan ang nagsabi sa akin na kumakalat daw ang litrato ni Rep. Teddy Casiño sa internet na kasama si Imelda Marcos at binibigyan ng masamang kahulugan.

Para bang nakipagsabwatan si Teddy sa mga Marcos na siyang nagpahirap sa mga sinasabi nating “maka-kaliwa” o nga nationalist na katulad ni teddy at ang mga nauna sa kanya na katulad nina dating Bayan Muna Rep. Satur Ocampo.

Ang litrato nay an ay galing sa isang post sa aking blog:
http://www.ellentordesillas.com/2009/11/05/armida-and-son-carlitos-birthday-party/

Malisyoso naman ang ganung anggulo.

Ang artikulo ay tungkol sa birthday party nina Armida Siguion-Reyna, kilala sa kanyang programa sa television na “Aawitan Kita” at ang kanyang anak, director ng pelikula na si Carlitos, noong 2009.

Huwag gawing sangkalan ang Panginoon

In preparation for post -boxing life, Pacquiao builds political dynasty.
Sabi ni Manny Pacquiao, hindi naman daw talaga gusto ng kanyang asawang si Jinkee na pumasok sa pulitika.

“God’s will (Kagustuhan ng Panginoon),” daw ang kandidatura ngayon ni Jinkee bilang vice-governor ng Saranggani.

Tumigil na nga sa kagagamit ng pangalan ng Diyos. Bakit naka-usap ba siya ng Panginoon? Wala lang talaga silang kabusugan sa pera at kapangyarihan.

Congressman ngayon si Pacquiao at nakapaghain na rin siya ng certificate of candidacy para sa kanyang re-election. Ang kanyang kapatid na si Rogelio ay tatakbo para congressman sa first district ng South South Cotabato.

Bakit kaya hindi tumakbo si Nanay Dionisia na senador?

PPP- Partnership para sa Pepe

Photo from Dr. Gerry Wain presentation
Iba and kahulugan ng PPP sa pangalawang pagtitipon tungkol Human papillomavirus (HPV) na isinagawa sa Sofitel Hotel kamakailan.

Kung sa pamahalaan ang PPP ay Public-Private Partnership, naisip ng mga dumalo sa miting na tawagin ang kanilang pagtutulungan na Partnership para sa Pepe.

Mukhang hindi masyadong natuwa si Health Assistant Secretary Enrique Tayag.

Ang HPV ang sanhi ng cervical cancer. Sa Pilipinas walong babae ang namamatay ng cervical cancer araw-araw. Isipin mo na lang kung ilang pamilya ang nawawalan ng nanay, asawa,anak at kapatid dahil sa cervical cancer. Ang HPV ay kadalasan naililipat sa tao sa pamamagitan gn pakipagtalik.

Takot ang mga Marzan gawin sa kanila ang ginawa nila sa kanilang katulong

The maid, Bonita Baran, and her tormentors, Reynold and Anna Liza Marzan face each other at the Senate. Thanks to Interaksyun for photo.
Takot na takot daw si Anna Liza Marzan, ang amo na nagplantsa ng mukha ng katulong nang dumating siya sa Quezon City jail dahil may sumigaw sa mga nakakulong doon, ““Handa na ang plantsa namin!”

Napanood kasi ng mga inmates sa Q.C jail ang balita nang pagmaltrato ni Marzan sa kanyang katulong na si Bonita Baran.

Sabi ng mga guwardiya sa QC jail na huwag daw matakot si Marzan dahil hindi raw nila pinapayagan ang plantsa sa kulungan.

Sayang.

Ano kaya ang dapat na parusa sa mag-asawang Reynold at Annaliza Marzan sa ginawa nila kay Baran? Nabulag si Baran sa sobrang pananakit ni Anna Liza.