Skip to content

Category: Abante

Kahanga-hanga ang ginawa ni Lacson

Kahanga-hanga ang desisyon ni Sen. Panfilo Lacson na mag-withdraw sa 2010 presidential race.

Sa interview niya sa TV Patrol sinabi niya ang dahilan ay ang kahirapan na mangalap ng kontribusyon para sa eleksyon sa susunod na taon.

Sabi niya, walang kinalaman ang binubuhay ng administrasyon na kaso ng pagpatay sa isang public relations executive na si Bubby Dacer at ang kanyang driver na si Emmanuel Corbito. Hindi raw siya nababahala doon dahil hindi siya sangkot. Naniniwala siyang lalabas ang katotohanan.

Ituloy ang Con-Ass

Update: House has adjourned without convening the Con-Ass.

Update: We got info that Gloria Arroyo’s congressmen will convene the Constituent Assembly before it adjourns Friday. It could be tonight.

Gusto ko lubus-lubusin na ni Gloria Arroyo at ng kanyang mga kampon sa Kongreso ang pambabastos ng Constitution at panloloko sa taumbayan.

Total naipasa na nila House Resolution 1109, para bumuo ng Constituent Assembly na magpalit ng Constitution. Dapat sa pagbukas ng Kongreso ulit sa Hulyo (adjourn sila sa Biyernes), mag Con-Ass na sila. Sigurado handa na ang draft ng bagong Constitution na ginawa ng Malacañang.

Sigurado na ang kinalabasan nitong bastusan ng batas ay ang pagpapatuloy ni Gloria Arroyo sa Malacañang lampas ng 2010.

Hindi makiki-alam ang US sa Spratlys

Mabuti naman at sinabi ni US Defense Secretary Robert Gates Jr. na walang posisyon ang Amerika sa problema sa Spratlys kasi akala kasi ng maraming Pilipino na kapag magkagulo sa Spratlys laban sa China, kakampihan tayo ng mga Amerikano.

Wala tayong maasahan sa mga Kano, yan ang katotohanan.

Ito ang sinabi ni Gates sa press conference kahapon sa Camp Aguinaldo pagkatapos ng pag-uusap niya kay Defense Secretary Gilbert Teodoro: “There are a number of security challenges and obviously concerns on conflicting claims in the South China Sea, the United States takes no position on those claims, we only urge all of the parties involved to try and resolve these issues clearly, peacefully.”

Tinanong din si Gates tungkol sa Visiting Forces Agreement na binabatikos ng mga progresibong organisasyon at sabi niya comportable daw sila sa VFA. Dapat lang dahil nagagamit nila sa proteksyun ng kanilang mga sundalo kahit na binabastos na ang batas ng Pilipinas na pinapayagan naman ang ating mga opisyal.

P20 milyon bawat isang boto sa ConAss

Manloloko talaga itong si Gloria Arroyo.

May nagsabi sa amin na ayun sa isang kongresista na nandun sa Manila Hotel noong Huwebes sa pormal na pagsanib ng Lakas at Kampi, tinawag raw sila ni Arroyo sa isang kwarto at sinabihan na kailangan mapasa na ang House Resolution 1109 para sa Constituent Assembly na hindi kailangan ang Senado para mapalitan ang Constitution.

Ipinangako raw ni Arroyo na bibigyan siya ng tig-P20 milyon sa bawat kongresista na boboto para maipasa ang HR 1109.

Kailangan ni Arroyo ang boto ng three-fourths ng House of Representatives. Mga 200 na kongresista yun. Kung bibigay siya ng tig-P20 milyon para sa 200 na boto, aabot yun sa P4 na bilyon.

Kayang-kaya, maraming pera sa kaban ng bayan. Perang buwis ng taumbayan. Pera galing sa pawis at dugo ng mga OFW.

De Castro: GMA Jr?

Sa kanyang pag-anunsyo na gusto niyang kumandidato bilang bise-presidente, sinabi Interior Secretary Ronaldo Puno na “transformational politics” ang kanyang pairalin.

Ano yun? Tansform para sa mas matinding kurakutan at dayaan?

Ngayong araw, gagawing pormal na raw ang pag-iisa ng Lakas-CMD at Kampi, ang dalawang maka-administrasyon na partido. Si Gloria Arroyo daw and chairperson at siya ang mag-appoint ng interim officers. Kaya tatak Gloria Arroyo talaga itong pinagsanib na partido.

Ang umamin, ang hindi umamin

Ang pinakamai-init na isyu noong isang linggo at hanggang ngayon ay ang sex video nina Hayden Kho sa iba’t-ibang babae kasama na doon si Katrina Halili.

Noong isang linggo rin, namatay si Sammy Ong, ang deputy director ng National Bureau of Investigation, na siyang tumulong na mailabas sa publiko ang “Hello Garci” tapes kung saan maririnig ang pag-uusap ni Gloria Arroyo at ni dating Comelec Commission Virgilio Garcillano kung paano retokihin ang resulta ng eleksyon sa Autonomous Region for Muslim Mindanao para siya ang mananalo kahit na ang tunay talaga na nanalo ay ang kanyang kalaban na si Fernando Poe, Jr.

May pagkapareho ang alawang pangyayaring ito: ang ilegal na pag-tape. Inamin ni Hayden na siya ang nag-video tape ng kanyang pagtatalik. Mukhang may weirdo rin itong doktor na ito, ano. Sino ba naman ang matinong tao na gusto kinukunan ang kanyang pagtatalik, isang bagay na napaka-personal.

Sammy Ong

Ayan, pwede na ipatupad ng mga galamay ni Gloria Arroyo ang kanilang arrest warrant kay dating NBI Director Samuel Ong sa kasong sedition dahil sa kanyang pagsiwalat ng pandaraya ni Gloria Arroyo sa 2004 na eleksyon.

Matagal na nilang pinaghahanap si Ong. Pumunta lang sila sa punerarya kung saan siya nakahimlay..

Siguro masaya na rin ang Court of Appeals na kamakailan lang ay binuhay ang kasong kriminal na serious illegal detention kahit na ibinasura na ni Judge Benjamin Pozon ng Makati Regional Court.

Order of battle

Nagsampa noong Martes ng petition para sa Writ of Amparo para kay Navy Lt. Nancy Gadian ang kanyang kapatid na si Nedina Diamante. Tinutulungan siya ng Law Center Philippines nina Atty. Harry Roque.

Sabi ni Atty. Roque, kinaka-ilangan ito dahil sinabi ni Nedina nag text sa kanya si Nancy noong Sabado at sinabing may nagsabi raw sa kanya na may ”shoot-to-kill” order para sa kanya. Pinabula-anan ito ng spokesman ng AFP na si Lt. Col. Romeo Brawner Jr.

Sinabi ni Navy spokesman Lt. Col. Edgard Arevalo na binibigyan nila ng assurance si Gadian na ligtas siya at gagalangin ang kanyang karapatang pantao.

May eleksyon ba?

Nago-organisa na ang mga gustong kumandidato para sa 2010 na eleksyon. Hindi lang sa pagka-presidente. Pati na rin ang mga gustong kumandidato sa mga lokal na pwesto.

Sa Pilipinas kasi ang eleksyon ay parang piyesta. Ang tingin ng marami sa atin sa eleksyon ay isang masayang okasyon kung saan umuuwi tayo na busog ang tiyan at kung swertehin ay may pabaon pa.

At yun lang ang panahon na nilalapitan tayo ng mga pulitiko. Kapag hindi eleksyon, pinatataguan tayo.

AWOL

Ibig sabihin ng AWOL ay Absence without leave. Nag-absent ka sa trabaho na walang paalam.

Sa military malaking kasalanan yan at iyon ay paglabag ng Articles of War 58 at 59. Oo nga naman. Biruin mo kung may giyera at biglang umalis ka ng walang paalam. Di maiwan ang mga kasama mo doon na makipaglaban sa kaaway.Court martial ang bagsak ng isang miyembro ng military na nag-AWOL.

AWOl ang ikinaso ng Philippine Navy kay Ltsg. Nancy Gadian. Maganda ito kasi mabubuhay ang AWOL ni Maj. Gen. John Martir na magiging marine commandant sa sunod na buwan daw.