Kung nabasa ni Gloria Arroyo ang nangyari sa Honduras kahapon, dapat manginig siya sa takot. Dapat rin simulan na niya ang pag-empake at kung malasin siya baka hindi na siya umabot sa Hunyo 2010.
Sa balita kahapon na ang presidente ng Honduras na si Manuel Zelaya ay pinatalsik sa isang military coup. Dinala daw ng eroplano ng military sa bayan ng Costa Rica si Zelaya.
Matatapos na raw ang termino ni Zelaya at ayon sa kanilang Constitution, hindi na siya pwedeng tumakbo. Pinipilit niyang palitan ang Constitution at marami ang pumapalag kasama na ang military.