Skip to content

Category: Abante

Sana huwag na bumalik si Arroyo

Rally sa tapat ng US Embassy noong Biyernes:

heed-your-promise messages-to-obama wrong-side-of-history

Isang bagay lang ang gusto marinig ng mga tao kay Gloria Arroyo sa Lunes: “Bababa ako sa Malacañang tanghali ng Hunyo 30, 2010 at hindi na babalik.”

Hindi interesado ang publiko sa kung anong listahan ng kanyang mga nagawa. Hindi utang na loob ng taumbayan sa kanya ang mga ginawang kalsada o mga tulay. Pera natin yun. Kumita pa nga ng malaki ang kanyang asawa at mga alagad sa mga proyekto na yun.

Kapag nag-iisa-isa si Arroyo ng mga construction na nagawa ng kanyang administrasyon, ang nasa-isip ng taumbayan ay ang male-maletang pera na hinahatid ng mga contractors doon sa opisina ng kanyang asawa sa Perea st. sa Makati.

Hiling ni Cory: milagro para sa bayan

cory-aquinoTalaga namang kahanga-hanga si Cory Aquino sa pagmamahal sa bayan.

Sabi ng isang pari na nag-alay ng misa para sa kanya, tinanong siya kung humihingi siya ng milagro para gumaling siya, sabi ng 76-taong gulang na dating presidente, “Hindi. Hinhingi ko ang milagro para sa bayan.”

Sabi ni Kris noong linggo sa “The Buzz” na hirap na hirap ang nanay niya sa sakit na colon cancer. Stage 4 na ang kanyang cancer sa colon ng ito ay nadiskubre. Kapag stage 4, malala na yan ngunit walang makapagsabi na ikay ay mamatay na. Diyos lamang ang makapag-sabi niyan.

Lahat-lahat tayo ay mamatay. Dumadaan lang tayo dito sa mundo. Magkakaiba lang tayo ng skedyul at ng paraan ng biyahe sa ating hantungan.

Hindi solusyon ang pagshortcut ng batas

Gusto ko talaga na magiging automated o computerized na ang eleksyon sa 2010 para mabawasan ang dayaan.

Sa bilangan kasi ang malakihang dayaan. Kaya kapag hindi manual (yung tao ang magbibilang), naniniwala ako na mababawasan ang dayaan.

Dapat masaya tayo na naayos kontrata ng Smartmatic-TIM at Comelec at tuloy-tuloy na ang computerized election. Kaya lang, mukhang maraming nakatagong mga hindi kanais-nais itong kontrata na ngayon lang lumalabas.Kapag kwestyunable ang kumpanya, medyo nakakatakot sa laki at napaka-importante ng kontratang ito.

Si Obama para sa Amerika; para kanino si Arroyo?

Ang daming haka-haka kung bakit inimbita si Gloria Arroyo sa White House sa Hulyo 30.

Sa akin, kung ano man yun, dapat palagi natin isipin na ang ating kapakanan ay ating responsibilidad. Hindi natin dapat i-asa kay Pangulong Barack Obama ng Amerika.

Kahit na mas desente naman tao si Obama kaysa kay George W. Bush, ang obligasyon pa rin niya ay sa mga Amerikano. Kung magkasalungat ang interest ng Pilipino at Amerikano, obligasyon ni Obama na ipaglaban ang interest ng Amerikano.

Nabulilyaso ang sabotahe ni Arroyo sa murang gamot

Ang ugat ng kontrobersya sa executive order na magpapatupad ng Maximum Retail Price (MRP) na nakasaad sa 2008 Cheaper Medicines Act ay inggit. Inggit ni Gloria Arroyo na makalamang si Senador Mar Roxas sa isyung ito.

Sabi ng isang source namin sa Malacañang inis raw si Arroyo na ang pipirmahan niyang executive order ay magagamit ni Roxas sa kanyang kampanya para presidente sa 2010. Kaya pinulong niya ang mga hepe ng pharmaceuticals nuong Hulyo 8 at sinabing ibaba nila ang presyon ng 50 na gamot para siya ang sikat at masasabi niya na mas magaling siya kasi 22 lang ang gamot na nasa listahan ng MRP.

Ang kapalit siyempre ng kooperasyon ng mga pharmaceutical firms ay hindi pipirmahan ang MRP.

Perwisyo ang mga mukha ni Arroyo at Ebdane

Kahapon, nagkaroon ng landslide sa mountain highway ng Antique papuntang Iloilo kaya nag-detour ang mga sasakyan sa daan ng Anini-iy.

Naging apat na oras ang biyaheng karaniwan ay tatlong oras lang.Mabuti na lang maaga ako umalis sa aming barrio (4:00 n.u), hindi ako nahuli sa aking 10:25 ng umaga na flight papuntang Manila.

Maraming ilog na nadadaan sa pagitan ng Antique at Iloilo. Sa aming dinaadan kahapon maraming tulay ang inaayos. Mabuti naman sana dahil ginagawa kaya lang ang nakakainis ay nag naglalakihang billboard na may mukha ni Gloria Arroyo at Public Works Secretary Hermogenes Ebdane.

May escalator na sa Antique

May Gaisano Mall na sa Antique. Wow, kahit paano, palatandaan ng asenso yan.

Natuwa naman ako ng makita ko ang Gaisano sa San Jose nang dumaan ako doon noong Miyerkoles galing Iloilo. Wala na kasing eroplano na nagse-service ng Antique kaya via Iloilo ako kung umuwi sa aming baryo sa Guisijan, sa bayan ng Lau-an.

Ang Guisijan ay banding gitna ng Antique, na napagitan sa Iloilo at Aklan sa isla ng Panay Mula Manila, 55 na minuto papuntang Iloilo sa eroplano at tatlong oras pa sa bus bago makarating sa aming lugar.

Dasal para kay Cory Aquino

Tuwing tanghali, may misa sa Greenbelt para kay dating Pangulong Cory Aquino. Ito ay siyam na araw na novena na nagsimula noong Miyerkules.

Alam ko na maliban sa mga dumadalo sa misa, marami ang nagdadarasal kay Cory na ngayon ay maselan ang kalagayan dahil sa kanyang sakit na cancer of the colon.

Sinabi ni Deedee Siytangco, ang spokesperson ni Cory, na pinagpasiya na niya pagkatapos ng konsultasyon sa kanyang mga doctor at pamilya na hindi na ipagpatuloy ang chemotherapy. Inalis na siya sa Intensive Care Unit at nasa private room na siya. Ito ay para makakapiling niya ang kanyang mga mahal sa buhay.

Namimilipit si Remonde sa pekeng boobs ni GMA

Update: I thought we heard the last of Arroyo’s silicon breast implant with Malacañang’s admission but here’s the NBI entering the picture:
NBI probes ‘boob job’ leak

Si dating Pangulong Cory Aquino ay nasa maselang lagay dahil sa kanyang sakit na colon kanser at pinagdadasal natin bigyan siya at ang kanyang pamilya ng lakas sa pagsubok na dumadaan sa kanilang buhay.

Ito naman si Gloria Arroyo ang pinag-uusapan ng mga tao ay ang kanyang problema sa kanyang pekeng boobs.

Siyempre, katulad ng dati, kung ano-anong kuwento ang ginawa ng Malacañang. Nang nabuking na, saka nalang umamin.