Skip to content

Category: Abante

Hindi pinu-proteksyunan ng batas ang krimen

The Arroyos just before a lunch meeting with ZTE officials in Shenzhen on Nov. 2, 2006.
The Arroyos just before a lunch meeting with ZTE officials in Shenzhen on Nov. 2, 2006.

Kailan ba naman na ang pangungurakot sa kaban ng bayan ay “acts of the state” o gawain para sa bayan?

Tama ang punto ng Concerned Citizens Movement sa pag-kwestyun sa desisyon ng Ombudsman na hindi kasama si Gloria Arroyo sa kakasuhan sa ma-anomalya na $329 milyon na NBN-ZTE deal.

Ang pinuprotektahan ng Saligang Batas ay ang mga gawain ng isang pangulo para sa taumbayan. Hindi ang katiwalian na dapat nga ang pangulo mismo ang magsusulong ng pagparusa dahil yan ay obligasyon niya sa taumbayan.

Pang-iinis ni Arroyo sa pamilyang Aquino

Bilib naman talaga ako sa kapal ng mukha at tapang ng apog nitong si Gloria Arroyo at ng kanyang mga alagad.

Sinabi na nga ng pamilyang Aquino na “No, thank you” doon sa kanilang plano na magpatayo ng monumento para kay dating Pangulong Cory Aquino sa Rizal Park, pinagpipilitan pa.

Sabi ni Gary Olivar, dating aktibista ng panahon ni Pangulong Marcos na ngayon ay isa sa tagapagsalita ni Arroyo: “The proposed Rizal Park monument to President Cory is a gift in her honor from the Filipino people and the Philippine government through their elected president Gloria Macapagal-Arroyo.”

Sirkus na eleksyon

Padami na padami ang mga pangalan na gustong kumandidato para presidente. Mukhang parang sirkus na itong 2010 na eleksyun.

Itong nakaraang linggo, nagdeklara si Mike Velarde ng El Shaddai at si Eddie Villanueva ng Jesus is Lord Movement ng kanilang intensyon na kumandidato para presidente. Tatlo na sila ang galing sa mga grupong religious. Nauna na kasi nagdeklara si Fr. Ed Panlilio, gubernador ng Pampanga.

Kung sabagay, demokrasya tayo at karapatan ng bawat isa ang mangarap. Sa ating Constitution, ang requirement lang naman para kumandidato para presidente ay Filipino citizen at 40 na taong gulang sa araw ng eleksyon (Mayo 10, 2010).

Ibang klaseng laban ang nahaharap kina Lim at Querubin

Ang kalimitan na tanong kay Brig. Gen. Danny Lim ay kung paano siya makakasilbi sa taumbayan kung siya ay maswerteng manalo sa pagka-senador sa eleksyon sa 2010 samantalang nakakulong siya.

Baka raw matulad siya ay Sen. Antonio Trillanes IV na nanalo noong 2007 na eleksyon ngunit hanggang ngayon ay hindi pa nakadalo ni isang sesyon sa Senado dahil hindi siya pinapayagan ng korte na lumabas sa kulungan sa Camp Crame.

Nagparehistro siya bilang botante sa Solano, Nueva Vizcaya noong Martes.

Ang mga bakwet

Click here (VERA Files) for an article and podcast of Siti.

Siti
Siti
Nakilala namin si Babu Siti Sanday, 57 taong gulang na Maguindanaon, na ngayon isa sa mga ‘bakwet’ sa Datu Piang, sa 5th Mindanao Media Summit sa Cagayan de Oro noong Linggo.

Ang ibig sabihin ng ‘bakwet’ at naglilipat ng tirahan. Kadalasan ito ay dahil sa may tinatakbuhan katulad ng giyera.

Patapos na ang 5th Mindanao Media Summit na ginanap sa Marco Hotel nang dumating siya dahil mahaba rin ang kanyang binyahe mula sa evacuation center kung saan magda-dalawang taon na sila doon nakatira kasama ang mga 300,000 na kapwa bakwet.

Dapat klaruhin kung kalaban o kaibigan ang MILF

Grabe itong nangyari sa ating mga sundalo sa Tipo-tipo, Basilan.

Ayon sa mga report, sobra 40 ang patay sa engkwentro ng pwersa ng pamahalaan at magkasanib na Abu Sayaff at MILF (Moro Islamic Liberation Front) noong Miyerkules sa Basilan.

Sabi ng military na sa 23 na patay sa kanila, 19 ay Marines, tatlo ay Army (Scout Rangers) at ang isa ay pulis. Ang ibang patay ay sa panig ng Abu Sayaff at MILF.

Palubog na barko ni Arroyo

Malaki ang epekto sa pulitika ng pagkamatay ni Pangulong Cory Aquino at sa nakita nating pagpupugay sa kanya ng bansang Pilipino.

Tumaas ang paningin ng taumbayan sa pamilyang Aquino at ngayon ay pinag-uusapan na baka tatakbo si Nonoy Aquino bilang bise-presidente o presidente.

Malaki naman ang dagok sa administrasyong Arroyo. Nagmu-mukhang palubog na ang barko na kanyang pinagyayabang noong kanyang state of the nation address tuloy-tuloy ang biyahe.

Dapat manindigan si Chiz

Dapat ipaliwanag ni Sen. Chiz Escudero itong akusasyon ni Rep. Mikey Arroyo, anak ni Gloria Arroyo, na humihingi siya ng tulong sa kanyang ina at ang mga patutsada niya (Chiz) ay pang-media lang.

Hindi natin malalaman kung nagsasabi ng buong katotohan itong anak ni Arroyo ngunit kailangan maliwanag sa taumbayan kung saan nakatayo si Chiz sa isyu ni Gloria Arroyo.

Sabi ni Chiz sa Inquirer na hindi totoo ang kinakalat ni Mikey at hindi siya hihingi ng endorsment ni Arroyo. “It is obviously not true. I am not asking and will not ask for her endorsement. If I run, I will always run as opposition.”

O ano ngayon kung NPA?

Utak-pulbura talaga itong si Jovito Palparan, ang paboritong heneral ni Gloria Arroyo.

Sinabi ni Palparan, dating commander ng 7th Infantry Division sa Central Luzon kung saan maraming na-salvage na milyembro ng mga militanteng grupo at ngayon isa ay isa ng partylist representative sa Kongreso, na si Melissa Roxas ang Filipino-American na aktibista ay miyembro daw ng New People’s Army.

Si Roxas ay miyembro ng progresibong grupong Bayan sa Estados-Unidos. Ilang beses na siya pumupunta dito sa Pilipinas para sa malaman ang kanyang pinanggalingan at malaman kung ano talaga ang tunay ng kalagayan ng bayan ng kanyang mga magulang.