Skip to content

Category: Abante

Ano ang niluluto nina Ebdane?

Noong unang sinabi ni dating Public Works Secretary Hermogenes Ebdane na tatakbo siya bilang presidente hindi ko sineryoso. Sabi ko “maglalaba” lang yan.

Alam naman natin na ang problema ngayon ni Gloria Arroyo, ng mga miyembro ng kanyang pamilya, at ang mga alagad na kasabwat sa kanilang pagnanakaw sa kaban ng bayan ay kung paano i-secure ang mga bilyunes na kanilang nanakaw sa kaban ng bayan.

Isip kasi natin sa galit ng taumbayan, sigurado na ang susunod na pangulo ay galing sa oposisyun at i-imbestigahan ang mga anomalya na nangyari sa administrasyong Arroyo. Marami sa anomalya na yan ay sa DPWH, na nasa pamumuno ni Ebdane.

Ano ang gagawin kay Gloria Arroyo?

The discussions in the previous post on this question of how the next president would handle Gloria Arroyo have been vibrant. However, I noticed that some quoted just a part of the answers which could be misleading.

For my column for Abante I got all the answers of the four presidential aspirants: Senators Manny Villar, Benigno Aquino III, Francis Escudero and Defense Secretary Gilbert Teodoro.

Although Che-Che Lazaro didn’t ask exactly the same questions to all the interviewees, more or less, you have an idea of their stand or lack of stand.

***

Ang isang bagay na gusto ng marami nating kababayan marinig sa mga kandidato para pangulo ay kung ano ang kanilang gagawin kay Gloria Arroyo kung sila ang maupo sa Malacañang.

Agawan sa matatabang magagatasan

Noong Martes, nabulaga tayo sa balita na nag-resign ang hepe ng Bureau of Internal Revenue na si Sixto Esquivias IV na tinanggap naman kaagad ni Gloria Arroyo.

Ang nakakagulat kasi sa balita ay ang pag-amin ni Esquivas na hindi niya natupad ang target nilang koleksyun ng buwis. Kaya sa pakiramdam diya, bagsak ang performance grade niya.

Desente tao itong si Esquivas. Ang ibang opisyal ng gobyerno kahit palpak, kapit tuko pa rin. Tingnan mo si Ombudsman Merceditas Gutierrez. Nagkalat ang kurap sa gobyerno. Garapalan ang mga anomalya ng mga taga-Malacañang, wala nakukulong na malalaking isda.

Ala-ala ng mga sumakabilang buhay

Bilang Kristiyano, naniniwala tayo sa buhay sa langit kapag namatay tayo dito sa lupa.

Hindi natin alam kung ano klaseng komunidad ang nandun sa langit dahil wala naman tayong nakausap personal na galing doon ngunit ako ay naniniwala na ang paglisan natin dito sa mundo ay hindi katapusan na ng buhay.

Noong necrological services kay Haydee Yorac, ang respetadong abogada na naging commissioner ng Commission on Elections at chairperson ng Presidential Commission on Good Government, sinabi ko na kapag panahon ko na, hahanapin so siya doon sa itaas.

Chiz: dehadong kandidato

Bukas (Oct. 28) na raw ang deklarasyon ni Sen. Francis “Chiz” Escudero para sa kanyang kandidatura para presidente.

Dapat matuloy na itong kanyang deklarasyon dahil sa kanyang kaka-postpone, akala tuloy ng marami hindi na siya matutuloy. Lalo pa ang kanyang original political team na kinabibilangan ni dating senador Serge Osmeña, advertising executive na si Yolly Ong, at political adviser na si Malou Tiquia ay umalis na sa kanya.

Ang asawa kasi ni Osmeña ay si Bettina Lopez. Siyempre kapag Lopez, Noynoy Aquino yun. Malaki ang utang na loob ng mga Lopez kay dating Pangulong Cory Aquino, na ibinalik sa kanila ang Meralco at ABS-CBN na kinumpiska ni Ferdinand Marcos nang siya ay nagdeklara ng martial law.

Mga tanong sa likud ng bombahan sa Marawi

CAGAYAN DE ORO–Noong Martes ng hapon isang granada ang sumabog malapit sa City Hall ng Marawi City na ikinamatay ng isang tao at nasugatan naman ang mga 20.

Ayon Mindanews, sinabi raw ng mga nag imbestiga na mga opisyal na itinapon ng mga di-kilalang mga lalaki ang granada mga 50 metro nag layo sa opisina ng Commission on Election kung saan may ginagawang registration ng mga botante.

Sabi ni Carol Arguillas, publisher ng Mindanews, tinitiyak pa nila ang impormasyon na ang mga nagre-register ay galing sa Linamon, Lanao del Norte.

Nakakapagtaka ito kasi bakit ang mga taga Lanao del Norte ay nasa Marawi nagpa-paregister? Flying voters?

Sampal sa mukha ni Gloria Arroyo

Sampal sa mukha ni Gloria Arroyo ang ginawa ni Prime Minister Shaikh Khalifa bin Salman Al Khalila ng Bahrain na sa ABS-CBN Foundation binigay ang kanilang P25 milyon na donasyon para sa biktima ng bagyong Ondoy.

Nagmukhang tanga ang pamahalaan ni Arroyo sa turnover ng donasyon noong Biyernes. Biruin nyo sinamahan ni Amable Aguiluz V, Aguiluz, ang special envoy ni Arroyo sa Gulf Cooperation Council, ang sugo ng Bahrain Prime Minister na si Ambassador Yousif Adel Sater sa pagturn-over ng donasyun kay Gina Lopez, managing director ng ABS-CBN Foundation.

Kung matino ang pamahalaan ni Arroyo, dapat sa Malacañang ang turn-over ng donasyun.

Hustisya para sa 40 na tinanggal

Nag-apela si Capt Ruben Guinolbay kay AFP Chief Victor Ibrado na kung maari ibalik rin sa serbisyo ang 40 na enlisted men na tinanggal sa serbisyo sa paratang na kasama raw sila planong magwithdraw ng suporta kay Gloria Arroyo noong Pebrero 2006.

Si Guinolbay ay isa sa 11 opisyal na napawalang-sala noong Huwebes ng court martial na naglilitis sa 28 opisyal na inakusahan ng mutiny o umalsa laban sa pamahalaan ni Gloria Arroyo noong Pebrero 2006.

Pagkatapos ng tatlo at kalahating taon na paglilitis na ang mga akusado ay nakakulong, sinabi ng korte na walang ebidensya laban sa kanila. Ni minsan hindi man lamang sila nabanggit sa kung anong dokumento o testimonya ng mga testigo na naipresenta sa court martial.

Bagay sina Villar at De Castro

Ayun sa kolum ni Lito Banayo ngayon sa Malaya, pumayag na raw si Bise- Presidente Noli de Castro para magiging bise ni Sen. Manny Villar para sa 2010 eleksyun.

Maganda yun. Gumaganda na ang tambalan.

Sa administrasyon, Gilbert Teodoro-Ronnie Puno; sa mga hindi administrasyon (ayaw ko sabihing oposisyon dahil ang iba, hindi naman talaga laban kay Gloria Arroyo) nandiyan na ang Noynoy Aquino-Mar Roxas ng Liberal Party.

Si Chiz Escudero ng Nationalist People’s Coalition ay magiging 40 taong gulang na sa Sabado, Oct. 10. Ang plano, sa Lunes nya ipahayag ang kanyang kandidatura sa pagka-presidente. Hindi pa yata sigurado kung sino ang kanyang magiging bise presidente.

Ilang rubber boats ang $35,000 na ginastos sa hapunan ni Arroyo sa New York?

Habang pinapakinggan ko ang sinasabi ng mga rescuers na gustuhin man nilang tulungan ang lahat na humihingi ng tulong noong kasagsagan ng bagyong Ondoy, hindi nila kaya dahil limitado ang kanilang mga gamit, naala-ala ko ang $35,000 na .dalawang hapunan ni Gloria Arroyo at ng kanyang mga alipores sa New York noong isang buwan.

Sinabi ni Lt. Col. Edgard Arevalo, spokesman ng Philippine Navy, na iilan lang ang kanilang rescue team, rubber boats at trucks. Sinabi sa TV hindi yata umaabot 20 ang rubber boats ng Navy.
Sinabi rin ni Marikina Mayor Marites Fernando na 13 lang ang rubber boats ng Marikina.