Skip to content

Category: Abante

Comedia at Skylab

ANTIQUE – Ang titulo nitong kolum ko ay hindi komedya na na nakakatawanan kungdi tungkol sa isang klaseng palabas na dinala ng mga kastila dito sa Pilipinas.

Dahil ang comedia ay galing Espanya, ang kwento ay tungkol sa laban ng Kristiyano at ng mga Muslim. Ang mga “cast of characters” ay mga hari at reyna, mga prinsipe at prinsesa at mga sundalo.

Maganda pakinggan ang sagutan at ang eskrimahan. Inaabot ng sobra 10 oras.

Iyan ang aking pinagkaka-abalahan nitong mga nakaraang araw. Kaya medyo missing in action ako sa national politics.

Take charge na daw si Noynoy

Ayun sa report, nagre-reorganize daw ang Liberal Party para ayusin ang takbo ng kampanya ni Noynoy Aquino.

Noong isang linggo, may report din na magti-take charge na raw si Noynoy sa kanyang kampanya.
Magandang hakbang ito ni Noynoy at ng Liberal Party at nangyari lamang ito dahil sa pagbagsak ni Noynoy at pag-akyat naman ni Manny Villar ng Nacionalista Party sa surveys.

Mahalaga ang surveys dahil yun ang nag-pupulso ng damdamin at pag-iisip ng sambayanan. Parang thermometer yan. Pinapakita kung ano ang init sa loob.

Makakalusot ang bagong kasunduan sa MILF sa Supreme Court?

Sa pag-uusap ni US Secretary of State Hillary Clinton kay Gloria Arroyo nang siya ay bumisita ditto sa Pilipinas kamakailan, dalawang bagay ang kanyang binigyan ng diin: matuloy ang 2020 na eleksyon at magkaroon ng kasunduan sa Moro Islamic Liberation Front.

Maintindihan ko ang interes ng mga Amerikano na dapat matuloy ang eleksyun sa 2010 dahil kahit gaano nila kamahal si Arroyo, kung siya ay manatili sa Malacañang lampas ng Hunyo 30, 2010, magkakagulo talaga ang bayan.

Kung magkagulo ang bayan, malalagay din sa alanganin ang interes ng Amerika dito sa Pilipinas.

Ang salot ni Gloria Arroyo

Kamakailan binatikos ni Deputy Presidential Spokesman Gary Olivar ang mga kandidato nga ginagawang isyu pa rin daw ang kanyang amo na si Gloria Arroyo samantalang busy raw ngayon sa pag-aayos ng kanyang “legacy” .

Pagkatapos sirain ang lahat na institusyon pagdemokratiko para lamang maprotektahan ang sarili, gusto ni Gloria Arroyo mamahalin siya ng taumbayan? Nahihibang siya kasama na rin ang kanyang mga alagad.

At akala naman niya maniniwala ang taumbayan na hihinto na si Arroyo sa kanyang pagka-ganid sa kapangyarihan? Eh di sana hindi na tumakbo sa pagka-kongresista.

Kung magpapaloko pa ang taumbayan kay Arroyo, talagang dapat lang talaga tayong magdusa.

Isyu pa rin talaga si Arroyo ngayon kahit hindi siya kandidato sa pagka-pangulo. Kasi sa baho ni Arroyo, kung sino ang kanyang didikitan nagiging mabaho na rin. Tingnan nyo ang nangyayari ngayon kay Gilbert Teodoro, ang opisyal na kandidato ng Lakas-Kampi, partido ng administrasyon? Kahit pa maraming may gusto kay Teodoro, hindi rin talaga nila masikmura na kinakampihan niya si Arroyo.

Simula ng matagal ng nagsimula na kampanya

Noynoy: Hindi ako magnanakaw!
Gibo: Hindi ko na kailangan magnakaw!
Villar: Hindi na ako magnanakaw!
Erap: Kailangan ko ulit magnakaw!
GMA: Wala na kayong mananakaw pa!

‘Yan ang kumakalat na text at marami pa tayong makukuha na mga ganyan habang palapit na palapit na ang eleksyun. Ang iba nakakatuwa, ang iba nakaka-inis. Kailangan salain ang impormasyun. At i-enjoy ang nakakatuwa.

Ngayong araw ang simula ang opisyal na kampanya. Sa totoo lang matagal ng nagkakampanya ang mga kandidato dahil sinabi ng Supreme Court na hindi daw labag sa batas ang magkampanya kahit hindi pa official camapign period. Huwag lang daw sabihin na “Iboto mo ako.”

Laking tuwa ng Malacañang

Walang mapagsidlan ang Malacañang ng kanilang tuwa sa tagumpay ng operasyon nila laban kay Sen. Panfilo Lacson ng ililabas ng judge kapahon ang warrant of arrest para sa pinakamasugid na kritiko ng pamahalaan.

Nakita nyo ba ang mukha ni Gary Olivar, deputy presidential spokesman ng nagbigay ng reaksyun sa warrant of arrest ni Lacson? Hindi maitago ang tuwa. Kunwari pang hands off. Alam naman natin kung paano pinaandar ang makinarya ng pamahalaan para lamang madiin si Lacson sa pagkamatay ni Bubby Dacer at ng kanyang driver na si Emmanuel Corbito.
Narinig ko sa radio si Ric Diaz, hepe ng National Bureau of Investigation counterterrorism unit, at siya ang namumuno sa team na maghahanap ngayon kay Lacson. Tumatawa siya sa radyo na parang nanunuya.

Sige tumawa ka. Bilog ang mundo. Kapag oras na ang amo mong utak ng maraming krimen sa mamamayang Pilipino ang hahabulin ng batas, ang taumbayan ang magkaroon ng selebrasyon.

Mahigpit na ang laban

Dapat pasiglahin na ni Noynoy Aquino ang kanyang kampanya.

Kahapon lumabas ang pinakabagong survey ng Pulse Asia kung saan halos pantay na si Sen. Benigno “Noynoy” Aquino III at Sen. Manuel Villar, Jr. sa mga nangunguna sa presidential race.

Sa survey na ginawa ng Pulse Asia noong Enero 22 hanggang 26 sa 1,800 sa buong bansa, 37% ang nakuha ni Noynoy at 35% ang kay Villar.

Dahil plus at minus two percent ang survey, sabi ng Pulse Asia halos tie na yan sila.

Midnight deal sa MILF?

Mukhang may niluluto na namang isang midnight deal itong administrasyong Arroyo. Ito ang kasunduan sa Moro Islamic Liberation Front na magkakaroon sila ng sariling nilang bansa sa ilalim ng Pilipinas.

Sariling bansa sa loob ng bansang Pilipinas? Hindi tama dahil kung magkaroon ng Bangsamoro substate, ay parang nagtanggal ka ng parte ng Pilipinas at binigay sa MILF.

Di ba yan ang ginawa ni Gloria Arroyo noong isang taon sa kamuntik lang matuloy na MOA-AD (Memorandum of Agreement-Ancestral Domain) na ipinabasura ng Supreme Court dahil labag ito sa Constitution?

Nagkita noong isang linggo ang GRP (Government of the Republic of the Philippines) panel at ang MILF sa Kuala Lumpur at nagpalitan sila ng oputline ng kanilang proposal. Sabi ni Presidential Peace Adviser Annabelle Abaya na 17 pages daw ang sa kanila at 31 pages naman daw ang sa MILF.

Ang 20% ng mga senior citizens

Kumambyo na ngayon ang Malacañang at pipirmahan na raw ni Gloria Arroyo ang batas na nagbibigay ne exemption sa mga senior citizens sa 12 per cent na Value Added Tax. Pipirmahan na raw ni Arroyo ang btas sa susunod na linggo.

Noong Miyerkoles kasi ng ipinasa ng Kongreso ang batas, sinabi ni Deputy presidential spokesman Gary Olivar na baka raw i-veto ni Arroyo ang batas dahil mga P54.4 million raw ang mawawala sa pamahalaan.

Dios mio, naman walang patawad itong administrasyon ni Arroyo sa huthuthutan. Pati ba naman ang mga matatanda, hindi na pinapalampas. Ano ba naman ang P54.4 milyon sa P1.54 TRILYON (“T”yan ha, hindi Bilyon or Milyon) na kanilang budget.

Tunay na kulay

Kahit na pangit ang nangyayari ngayon sa Senado, mabuti na rin dahil lumalabas ang tunay na kulay ng marami sa kanila.

Kung hindi sila nagbabangayan, di hindi sana natin nalaman ang mga behind the scenes na ginawa ni Sen. Manny Villar katulad ng pakiki-usap kay Senate President Juan Ponce-Enrile na parang ang dating daw ay nag-aalok ng tulong kapalit ang favorable na report tungkol sa C-5 road extension na proyekto.

Nalulungkot lang ako sa nangyari kay Sen. Aquilino Pimentel, Jr. na malaki rin naman ang kontribusyon sa ating demokrasya sa kanyang paglaban sa diktaturang Marcos.