Skip to content

Category: Abante

Labanan ng lokal na makinarya

Nang umuwi ako sa amin sa Antique noong Pebrero, napapunta ako sa mga liblib na baryo dahil sinamahan ko ang isang kaibigan na gumagawa ng research tungkol sa komedya. Ang hirap kumuha ng signal ng cellphone sa mga lugar na yun doon.

Napag-usapan naming ng mga taga-doon paano na lang ang mangyari sa eleksyun kung walang signal. Paano ma-transmit ang boto kung walang signal.

Sabin ng mga titser doon, dahil ang mga presinto ay pagsama-samahin, doon ilalagay ang clustered precincts sa lugar na may signal.

Usapang pera

Tinawagan ko kahapon si dating congressman Prospero “Butch” Pichay tungkol sa kumakalat na tsismis na kaya daw walang pera para sa kampanya ang mga senador ng Lakas-Kampi-CMD at walang perang pambigay sa mga lokal na kandidato dahil binulsa raw niya ang pera.

Natawa lang si Pichay, na tumakbong senador noong 2007. “Nag-abono na nga ako ng P20 milyon. Tapos sabihin binulsa ko?”

Sabi ni Pichay ang kanyang assignment sa Lakas-Kampi-CMD ay mga senador. Si Local Governments Secretary Ronaldo Puno ang nag-manage ng kampanya ni presidential candidate Gilbert Teodoro at Vice Presidential candidate Edu Manzano.

Sabi ni Pichay P90 milyon lang daw ang binigay sa kanya para sa anim na kandidato ng Lakas-Kampi-CMD para senador na sina: re-electionists Lito Lapid at Bong Revilla, radio broadcaster Rey Langit, dating cabinet Secretary Silvestre Bello III, Raul Lambino, at Ramon Guico, mayor ng Binalonan at presidente ng Mayor and League of Municipalities President.

Kalbaryo ni Cielo sa DFA

Update, April 5, 2010: I just got this text message from Ed Malaya, DFA spokesman:

“The DFA OUMWA office has initiated an internal investigation on the complaints aired by Cielo Corcuera.

“Initial findings indicate that the documents pertaining to the last salary and death benefits of Arlin Bello we acted upon but inadvertently sent to the Philippine Embassy in Abu Dhabi and not to the Philippine Consulate General in Dubai, UAE, its inrended destination.

“The DFA will undertake corrective measures to ensure that this and similar snafus do not happen again in the future.”

Noong Miyerkoles, may nagpadala sa akin nitong email tungkol sa kalbaryo ng isang nangangalang Cielo Corcuera sa kanyang pag-follow up ng claim ng isang Overseas Filipino Worker.

Si Cielo ay sumulat kay Alex Bello na nasa Saudi Arabia tungkol sa kanilang claim para sa huling sueldo at benefits ni Arlin V. Bello na namatay noong Agosto 2009 sa Dubai, United Emirates. Kapatid ni Alex si Arlin.

Sabi ni Cielo magbabayad lamang daw ang kumpanya na pinagtrabahuan ni Arlin na Al Shola Driving School sa Sharjah, UAE kapag naipresenta ang Authenticated Certificate of Heirship at Authenticated Special Power of Attorney nag bibigay ng permiso kay Consul General Benito Valeriano na magtanggap ng kabayaran.

Magnanakaw sa hatinggabi

Tamang-tama talaga ang pagka-describe kay Gloria ng isang Malacañang in-house writer nang pumunta siya sa Boao, China noong 2004 para sa pirmahan ng ma-anomalyang kontrata ng NBN/ZTE: “Like a thief in the night”. Magnanakaw na nag-ooperasyun sa gabi.

Ngayon hatinggabi ang operasyun.

Lumalabas ngayon ang maraming “midnight” appointment na ginawa ni Gloria Arroyo. “Midnight appointment” ang tawag sa mga tinatalaga ng isang paalis na na presidente.

Ang nakakulong sumipot, wala ang malaya

Kung sino pa ang nakakulong , yung pa ang sumipot. Ang malaya na nasa kapangyarihan ay hindi sumipot.

Ito ang nangyari sa pirmahan ng Peace Covenant para sa mapayapang eleksyon sa Sipalay, Negros Occidental noong Miyerkoles na inurganisa ng “Project HOPE (Honest, Orderly, Peaceful, Election)” na itinataguyod ng mga lider ng simbahan, Katoliko at Aglipayan at sa komunidad kasama ang Philippine National Police at ang military. Ginawa ito sa Sipalay gymnasium.

covenant signing32410 (43) covenant signing32410 (2) praying gary speaking

Si dating Marine Capt. Gary Alejano, miyembro ng grupong Magdalo, ay tumatakbong mayor (Independent) ng Sipalay laban kay Acting Mayor Oscar Montilla ng United Negros Alliance na naka-alyansa sa National People’s Coalition.

Si Alejano ay nakakulong ngayon sa ISAFP (Intelligence Service of the Armed Forces of the Philippines) sa Camp Aguinaldo habang hinaharap niya ang kaso konektado sa tinatawag na “Oakwood mutiny” noong Hulyo 2003 at Manila Peninsula siege noong Nobyembre 2008. Sa dalawang insidente nayun, nanindigan sila laban sa kurakutan at pambabastos ni Gloria Arroyo ng batas.

Military takeover

Now, they are trying to quell the fires they ignited. Related links:

AFP denies Malacañang’s military takeover claim.
Bangit and Versoza meet
Malacañang flirts with military revolt

Malacañang sees military takeover if election fails

Heto na naman tayo. Papalutang na naman ng lagim si Gloria Arroyo.

Testing the waters. Tinitingnan nila ang reaksyun ng mga tao para malaman kung paano nila ipatupad ang kanilang maitim na balak.

Noong Biyernes, sinabi Undersecretary Charito Planas,deputy presidential spokesperson na posibleng magkaroon ng military takeover kung magkaroon ng total na failure of elections sa Mayo.

Ito ang sinabi ni Planas: “It is possible that the military might take over. That is possible … Military juntas have taken over in several countries, especially in Southeast Asia.”

Ang drama ni Kris Aquino

Masyado namang OA si Kris Aquino noong linggo sa kanilang show ni Boy Abunda na “The Buzz”.

Anong problema niya? Na binabatikos siya?

Hindi naman siya bata na hindi niya alam kung gaano ka-brutal ang pulitika. Hindi naman siya pinilit para sumali sa kampanya ng kapatid niya. Kagustuhan niya yun.

At bakit siya mag-iiyak sa batikos ng ibang tao. Siya mismo sinasabi niya na maraming nagmamahal sa kanya. Sabi niya ‘yan ang sigaw ng mga tao sa Iloilo at sa Zamboanga kung saan sumama siya sa kampanya ng kanyang kapatid. Kasama rin yata ang kanyang asawang basketbolista na si James Yap at ang kanyang anak, si Baby James.

Marami pa ring duda

Gusto ko narin sana maniwala na siguradong magiging maayos ang eleksyon sa Mayo. Ngunit hindi ko maa-aring lokohin ang sarili ko kasi marami pa rin talagang mga isyu na hindi nasasagot at meron pa mga bago ngayon na sumusulpot.

Sinabi niya sa Cebu noong Biyernes na gusto raw niya mangyari na ang isang “free and fair” na eleksyun sa mayo ang kanyang magiging pamana sa taumbayan.

“Free and fair”. Malaya at balansyado para sa lahat. Mabuti lang hindi siya gumamit ng salitang “honest.” Baka tamaan siya ng kidlat.

Ang pinakamalaking kasalanan ni Arroyo sa mamamayang Pilipino ay ang pagsira ng mga institusyon pangdemokratiko katulad ng Commission on Election. Marami pa siyang sinira katulad ng Kongreso, military, Department of Foreign Affairs, burukrasya, korte. Lahat na yata, sinira na niya.

Pagpili ng senador

Nang umuwi ako sa aming baryo sa Antique noong isang buwan, humingi ang aming mga kapitbahay ng listahan ng mga kandidato para senador na kanilang bobotohin sa darating na eleksyun sa Mayo.

Sabi nila, lahat-lahat na mga nagkakandidato ngayon hindi naman nila personal na kilala. Kaya kung may mare-rekomenda akong magaling at makakatulong sa bayan katulad ng ginawa kung pagrekomenda kay Antonio Trillanes IV noong 2007 na eleksyun, yun ang kanilang bobotohin.

Kung wala naman daw, yung mga kilala nilang pangalan ang kanilang bobotohin. Ang mangyayari niyan yung nakikita nilang mga pangalan sa TV at sa pelikula ang kanilang isulat.

Tagtuyot

Galing ako sa aming probinsiya sa Antique at talagang feel na feel na doon ang El Niño.

Ang aking tanim ay naninilaw at namamatay. Kahit ang mga orchids na vanda na gusto niya ay araw, bumibigay. Sabi ng aming caretaker, binibinyagan naman daw niya ngunit “puerte gid ang init, “sabi niya. Kawawa nga ang aking mga staghorn dahil gusto noon malamig at palaging basa.

Nang nandoon ako, umaga at hapon ang aking pagdidilig ngunit parang nakonsyensiya naman ako na ang kumukunti nating tubig at gagamiting ko ang marami sa pandilig ng halaman smantalang sa ibang lugar, tumitigang at bumubuka na ang mga lupa sa kakulangan ng tubig.