Skip to content

Category: Abante

Sobrang amazing ang kuwento ni Kap

Sponsors do not want to be seen supporting someone acccused of plunder
Sponsors do not want to be seen supporting someone acccused of plunder
Malakas ang ugong na baka mawala sa ere ang Kap’s Amazing stories, ang show ni Sen. Bong Revilla sa GMA7. Nagkakakansela na raw ang advertisers ng show at hindi maganda para sa kanila na ma-identify sa isang opisyal ng pamahalaan na akusado sa krimeng pandarambong.

Ang buhay talaga. When it rains, it pours. Kapag umulan, talagang buhos.

Noong isang linggo, kasama sa sinampahan si Revilla ng plunder o pandarambong. Ayun sa dokumento na hawak ng National Bureau of Investigation, si Revilla ang may pinakamalaking nabulsa mula sa pera ng PDAF (Priority Development Assistance Fund) sa pamamagitan ng operasyun na kasabwat si Janet Lim Napoles.

Anong ipalit sa PDAF? BDAF

Kunyari lang "abolish."
Kunyari lang “abolish.”
Akala ng Malacañang naloko na nila ang mga tao, ano.

Noong Biyernes, kasama pa niya si Senate President Franklin Drilon at House Speaker Feliciano Belmonte, inanunsyo ni Pangulong Aquino . Sabi niya “Panahon na po upang i-abolish ang PDAF.”

May ilan na pumalakpak kaagad.

Ngunit kung babasahin o pakinggan mo ng masinsinan ang sinabi ng Presidente, hindi niya aalis ang sistema ng pork barrel na ang paggastos sa isang proyekto at pagpalabas ng pera ay hindi sa paraan na ayon sa nasyunal na plano. Ang pork barrel ay depende sa mga senador o congressman at presidente.

Hahanap daw sila ng bagong paraan. Sabi ni Aquino:“Maghanap ng mas mainam na paraan upang siguruhing ang pera ng taumbayan ay mapunta sa taumbayan lamang.”

Ito pa ang sabi ng Pangulo:

Una, MNLF. Sunod, MILF. Ngayon, BIFF.

Umbra Kato BIFF. From PinoyweeklyNoong Sabado ng gabi, ayon sa report ng military, inatake ang ng sabay sabay ang mga sundalo sa maguindanao at North Cotabato ng mga 100 na rebelled. Limang sundalo at 18 na rebelde ang patay.

Nangyari itong pag-atake dalawang araw bago mag-usap ulit ang mga representatives ng pamahalaan ng Pilipipinas at ng Moro Islamic Liberation Front sa Kuala Lumpur para ipagpatuloy ang naantalang peace talks para sa Mindanao.

Ang mga umatake daw sa mga sundalo ay miyembro ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters o BIFF.

Ano naman itong BIFF?

Tripleng dagok sa mga kawawang OFW ang Sex for Flight

Stranded OFWs in Saudi Arabia
Stranded OFWs in Saudi Arabia

Dapat itapon sa impyerno, sa lumiliyab na apoy, ang mga kawani ng pamahalaan na sangkot sa racket na sex for flight sa Kuwait, Jordan at sa iba pang bansa sa Middle East kung saan maraming mga babaeng OFW ay nag-iistambay sa iba’t ibang dahilan.

Ibinulgar ni Akbayan Rep. Walden Bello noong Martes na sa halip na tulungan ng mga mga opisyal ng Department of Labor at ng Philippine Embassy ang mga OFW na na-stranded, ay ibinubugaw pa sa mga Arabo at ang iba, sila na mismo ang nag-momolestiya.
Pinangalanan ni Bello si Mario Antonio, labor attaché sa Jordan. Itinanggi ni Antonio ang paratang sa isang press conference dito sa Manila.

Pinapa-imbestigahan daw ng Overseas Worker Welfare Administration (OWWA) at ng Department of Foreign Affairs ang paratang ni Bello, chairman ng House Committee on Overseas Workers.

Doble o tripling trahedya itong “Sex for Flight” dahil ang mga biktima ay ang mga kababaihan na nabiktima na ng mga ilegal na recruiter o mga salbahe na amo.

Nakakatawa na nakakasuka

Another televised meltdown of Kris Aquino
Another televised meltdown of Kris Aquino
Tearfully announcing resignation kuno.[/caption]Napaaga yata ang semana santa ng mamamayang Pilipino sa mga balita na pumutok nitong nakaraang linggo na kawalang katuturan sa ating buhay ngunit laman ng media.

Ang daming problema. Sobra 60 na Pilipino ang patay sa Sabah at walang paki-alam ang Malacanang. Ngunit ang pinag-usapan sa TV, radio at sa mga diyaryo ay ang gusot ni Kris Aquino at James Yap at Chiz Escudero at Heart Evangelista.

Kung sabagay, napag-aralan na yan na kapag mahirap ang buhay, malakas ang telenobela. Siguro naghahanap ang mga tao ng dibersyun para pampagaan ng kalooban.

Why can’t PNoy say ‘Come Home’ instead of ‘Surrender’

He still doesn’t get it.

God forbid, but what a members of your family are killed and someone comes during the wake and blames you for the tragedy, what would you do?

Answers of close friends I asked ranged from a tempered reaction of showing the rude person the door to violent acts including use of a tool that is banned during this election campaign period.

That must be the feeling of relatives of the 12 Filipinos who were killed in Lahad Datu, Sabah when Malaysian commandoes assaulted the place where some 200 followers of the Sultan of Sulu, led by his brother Rajah Muda Agbimuddin Kiram, were camping out. Two of the commandoes were also killed, according to news reports.

Agbimuddin Kiram and his followers arrived in Lahad Datu Feb. 12 to re-affirm their ownership of a large part of Sabah which Malaysia is renting from them for a pittance.

Ina, Kapatid, Anak

An engaging telenobela
Siyempre, lahat nakatutok sa “Ina, Kapatid, Anak” sa ABS-CBN noong Lunes ng gabi dahil yun ang gabi ng konprontasyun. Walang tawag sa telepono at sa cellphone.

Hindi naman nadismaya ang fans nitong telenobela. Magaling talaga ang mga artista. Para sa akin gabi yun ni Janice de Belen, bilang Beatriz. Yung mukha niya nang sinabi sa kanya ni Julio (Ariel Rivera) na anak nila si Celyn (Kim Chiu, ang galing. Walang salita. Mata ang nag-acting. Hindi OA. Simple lang.

Yun ang magaling na acting. Nakakabilib sa Pilipino.

Lahat naman sila doon magaling lalo pa sina Cherry Pie Picache, Ariel Rivera, Ronaldo Valdez at Pilar Pilapil. Malaki siguro ang impluwensya ng mga beteranong artista sa mga batang artista kasi gumagaling na rin sina Kim Chiu at Maja Salvador. Ang mga lalaki, sina Enchong Dee at Xian Lim, kailangan pang mahasa.

Hindi happy ang mamamayan sa ginawa ni Enrile

Note: Enrile’s statement at the end column

JPE
May mga sitwasyun na kailangan mo ang mga katulad ni Sen. Miriam Santiago na magsasabi ng gusto mo sabihin ngunit hindi mo masasabi.

Mabuti naman at umalma si Santiago tungkol sa pamumudmud ni Senate President Juan Ponce-Enrile ng P1.6 milyon sa 18 na senador maliban sa apat na hindi niya kursunada.

Miriam

Ang apat na senador hindi niya kursunada ay sina Santiago, Antonio Trillanes IV, Allan Cayetano, Pia Cayetano. P250,000 lang ang binigay niya sa apat.

Ang pera ay savings daw ng Senado. Ipinasok ni Enrile ang P1.6 milyon bilang dagdag sa “Maintenance and Other Operating Expenses (MOOE)” ng mga senador.

Anti desaparecidos na batas: makabuluhang pamasko ni Pangulong Aquino

A meaningful gift to families of desaparecidos and to the Filipino people.
Malaking bagay na pinirmahan ni Pangulong Aquino ang Anti-Enforced or Involuntary Disappearance Act of 2012 noong Biyernes, Disyembre 22, isang araw bago ang deadline.

Kung hindi niya pinirmahan yun, magiging batas rin naman ang bill by default. Ngunit maganda na pinirmahan niya. May tatak na personal siya doon sa batas.

Mag-isang buwan na ang bill na yan sa Malacañang, isang malaking bagay rin na nakarating dun dahil katagal-tagal na yan na i-file. Anim na Congresses na ang nakalipas at ngayon lang naka-usad at nai-pasa sa House of Representatives at sa Senado.