Skip to content

Category: Abante

Ipagdasal natin ang matagumpay na eleksyon bukas.

Sa ating pagboto bukas, ipagdasal natin na maging mapayapa at maayos ang eleksyun, kasama na ang bilangan.

Ipagdasal natin na ang resulta ng eleksyun ay siya talagang kagustuhan ng taumbayan. Na sana ang gusting maggulo at magmani-obra ng resulta ng eleksyun katulad ng nangyari noong 2004 na eleksyun ay hindi magtatagumpay.

Kahit sino ang mananalo, basta malinis lang ang eleksyun, madali tanggapin.

Botohin natin ang gusto nating kandidato. Kung ano man ang rason ng iyong pagboto, personal man kung ano man, karapatan mo yun. Gayundin, respetuhin nyo din ang karapatan ng ibang tao na pumili ng gusto niyang kandidato kahit iba sa gusto nyo.

Sa bise presidente, iboboto ko si Mar Roxas.

Kailangan na ang bagong Senate President

Sa gitna ng nangyayari ngayon na kapalpakan ng Commission on Election at Smartmatic kung saan 76,000 na makina ang hindi gumana sa testing na ginawa noong mga nakaraang araw, kailangang-kailangan na magkaroon ng Senate president na ang termino ay hanggang 2013.

Ito ang panawagan kahapon ng Concerned Citizens Movement sa senado: “Elect a Senate president with a mandate beyond June 30, 2010 in the event of no elections. We cannot and must not have a power vacuum.”

Mahalaga ito kahit na sinabi ng Comelec na maayos na raw ang problema sa memory cards bago mag-Biyernes ngayong Linggo at tuloy na, mabuti na hindi dapat magkaroon ng power vacuum. Yung sitwasyon na walang legal na mamumuno.

Pamahalaan ni Arroyo, kahanay ng Taliban

Ang galing talaga nitong administrasyon ni Gloria Arroyo.

Sa okasyon ng World Press Freedom day kahapon, kasama ang Pilipinas sa 40 bayan na sinasabing “Predators of the press.”

Ang ibig sabhin ng “predator” ay isang bagay, pwedeng tao, pwedeng alien na kumakain o nagsisira ng isang bagay. Parang halimaw na nagbibiktima ng mga ordinaryong mamayan.

Kalinya na ng Pilipinas ang mga Taliban sa Afghanistan.

Kasapi ng INC: ‘Hindi oportunista ang INC’

9 pm, May 3, Got this message from a friend who said the other day that INC will endorse Erap-Binay: INC changes mind, goes for Noy-Mar.”
Inquirer: Quiboloy endorses Teodoro

Got word from a friend yesterday that INC leadership chose Estrada over Aquino.

Sumulat sa akin si Generoso Arinuelo tungkol sa aking sinulat noong Martes na dahil sa mukhang panalo na si Benigno “Noynoy” Aquino III, ang kandidato ng Liberal Party, aasahan natin sa susunod na mga araw i-endorso siya ng mga sigurista at mga oportunista .

Sabi ko, “Hindi malayo ang Iglesia ni Kristo , El Shaddai at Pastor Quiboloy hahanay na yan kay Aquino.”

Nasaktan si Gen Arinuelo na nagtatrabaho ngayon sa New Doha International Airport Project ng Overseas Bechtel bilang Civil/Structural field engineer .

Ito ang buong sulat ni Gen: “ Isa po ako sa marami ninyong tagasubaybay ng inyong kolum sa Abante Online dito sa ibang bansa. Pagpasok ko pa lang sa umaga sa aking opisina ay agad kong binubuksan ang aking computer para magbasa lagi ng inyong kolum habang nagkakape. Sa bawat kolum po ninyo, ako po ay humahanga at naniniwala sa inyong mga sinasabi.

Gloria’s labandera sa anti-Money Laundering Council

Suspetsa ko, yung mga aksyun ni Gloria Arroyo nitong mga nakaraang linggo na talaga namang nakakagulatang katulad ng pag-appoint niya kay Anita Carpon, ang kanyang manikurista bilang member of the board ng Pag-ibig Housing Fund at ng kanyang hardinero na si Armando Macapagal bilang deputy administrator ng Luneta Park Administration ay pang-inis sa atin.

Wala siguro siyang maisip na paraan para magantihan tayo sa ating pagtuligsa sa kanyang pangungurakot at paglabas sa batas kaya gumagawa siya ng mga bagay na manggagalaiti tayo sa inis.

Hindi ko na sasayangin ang aking emosyon kay Arroyo. Pagtawanan na lang natin siya.

Ganun din ang reaksyun ng aking mga ka-blog. Sabi ng mga sumusulat sa aking blog, kulang pa yun. Dapat lubusin na ni Arroyo at ito ang mga suhestyun nila:

Si Remulla at si Ampatuan

Kalimutan na ni Gilbert Remulla ang kanyang ambisyon na magiging senador.

Sa kanyang pagbisita sa mga Ampatuan sa Davao noong isang buwan, lumabas na may pagkukulang sa kanyang values o moralidad. Dating journalist pa naman siya.

April 22 -Tumawag sa akin si Gilbert at nasaktan daw siya sa aking sinulat.Sana man lang daw tinanong ko siya bago ko siya binanatan. Sabi niya hindi pa niya ngayon masabi ang detalye ngunit may kinalaman sa “security” ang kanyang pakipagkita sa mga Ampatuan sa Davao.

Sira rin dito si Nacionalista party presidential candidate Manny Villar. Dapat ipakita niya na kaya niya magdisiplina ng kasama na nagkamali. Kung hindi, pareho na sila babagsak.

Si Remulla kasi bayaw ni Sigfrid Fortun, abogado ng mga Ampatuan. Ngayon kasi malakas pa rin ang mga Ampatuan sa Maguindanao. Marami nga sa mga kamag-anak nila ang tumatakbo itong eleksyun at malamang mananalo.

Obscene

It’s so obscene, I can’t find the right words to express my outrage over the gall of Justice Secretary Alberto Agra to clear Zaldy Ampatuan, suspended governor of the Autonomous Region for Muslim Mindanao, and his uncle Maguindanao Vice Gov. Akmad Ampatuan Sr. of complicity in the most heinous crime this country has experienced and shocked even the a violence-weary world.

It’s also obscene hearing Deputy presidential spokesman Gary Olivar describe as “an obscenity” the public’s accusations about Malacañang’s role in absolving the two Ampatuans of responsibility in the Nov 23 Maguindanao massacre that claimed the lives of at least 57 people, 32 of them journalists.

The Center for Media Freedom and Responsibility is right. “.. the real and current obscenity in this country is the fact that the alleged president for whom Olivar speaks has become central to the major issues that beset this country, most particularly that of whether there will be a change in its putrid leadership rather than more of the same despite the 2010 elections.

Simpleng kaligayahan

Tuwang-tuwa ako sa Facebook shoutout ni dating Lt(sg) Manuel “Cash” Cabochan noong Linggo ng gabi.

Halatang excited na siya sa kanyang paglaya pagkatapos ng sobra pitong taon na pagkulong dahil nanindigan sila laban kay Gloria Arroyo mula pa noong Hulyo 2003 sa Oakwood. Inulit nila ang kanilang paglaban kay Arroyo noong Nobyembre 2007 sa Manila Peninsula.

Sabi ni Cash paglabas na paglabas niya ang gusto niya gawin ay “kumain ng fishball sa sidewalk..pwedeng sumama, bawal kumontra.”

Davide – super oportunista

Davide administers oath of office to power grabber
Davide administers oath of office to power grabber
Numero unong oportunista talaga itong si Hilario Davide.

Sa kanyang presscon noong Lunes tungkol sa kanyang pagtalon sa Liberal Party, sinabi niya na kaya daw siya bumaligtad dahil ang sambayanang Pilipino ay hindi makalimutan ang kurakutan ng adminsitrasyung Arroyo at hindi na sila papayag mangyari yun.

Sabi niya ang unang problema daw ni Gilbert Teodoro, Jr , ang kandidato para presidenet ng administrasyon ay ang pagkadikit kay Gloria Arroyo.

Ang pagbabago daw ay mangyayari sa administrasyon ni Noynoy Aquino at Mar Roxas. Kaya daw siya nag-resign bilang permanent representative sa United Nations noong Abril 1.

Alam pala niyang ang kurakutan nina Arroyo, bakit tumahimik siya at nagsipsip sa pekeng presidente? Bakit ngayon buwan lang siya nag-resign?

Girian para sa 2016

Hindi pa nagaganap ang 2010 na eleksyun ngunit nagsisimula na ang girian para sa 2016 na eleksyun.

Napabalita noong isang araw ang maliit na gulo sa Liberal Party sa pagitan ng Team Chiz at grupo ni Mar Roxas, ang kandidato nila para bise presidente.

Ang Team Chiz ay mga tauhan ni Sen. Francis “Chiz” Escudero na kinabubuan ng writers at media coordinators. Medyo marami-rami din yan sila.

Kung maala-ala natin, tatakbo sana si Chiz bilang presidente sa eleksyun na ito at maganda ang kanyang ratings. Kaya lang nang namatay si Cory Aquino, nag-iba na ang tanawin sa pulitika. Pati si Mar Roxas, na siyang pambato sana ang LP para presidente ay bumaba para magiging bise-presidente. Si Chiz naman, nagdesisyun na hindi na ipilit ang kanyang pagka-kandidato.