Skip to content

Category: Abante

Gustong i- appoint ni Noynoy si Dingdong at Ogie

Update: Kris Aquino urges Abunda to accept position of Tourism secretary; admits it was her idea

Ano ba naman ito.

Ayun sa report ng GMA News TV, gusto raw ni Noynoy Aquino, ang nanalo sa pagka-pangulo ng Pilipinas sa nakaraaang eleksyun , iniisip raw niya bigyan ng pwesto sa gobyerno ang mga Kapuso stars na si Dingdong Dantes at Ogie Alcasid.

Dingdong Dantes
Dingdong Dantes
Lumabas ito ng tinanong siya kung sino pa sa mga taga showbiz ang iniisip niyang i-appoint sa pamahalaan maliban kay TV host na si Boy Abunda ng ABS-CBN, ang sagot ni Aquino, “Si Dingdong, si Ogie…siguro dun sa mga advocacy nila gaya sa youth.”

Hindi pa raw niya nakaka-usap ang dalawa na tumulong sa kanya noong kampanya. Ngunit ang pag-suporta sa kanya raw ay hindi lamang ang basehan ng kanyang desisyon na kukunin sila para manglingkod sa gobyerno.

“Matagal din naman natin silang nakasama sa kampanya, nalaman natin ang mga advocacy nila, ano yung mga tinutulungan nilang sector, sayang naman kung hindi magtutuloy-tuloy,” paliwanag ni Aquino.

Dagdag pa niya: “Kung papayag sila (Dingdong at Ogie) bakit hindi. Si Dingdong alam ko may youth foundationsi Ogie ganun din yata plus yung OPM (organisasyon ng mang-aawit).”

Hindi kailangan ng taumbayan ang bastos na opisyal katulad ni Ferrer

Kawawa naman itong sina Melchor Magdamo at Arwin Serrano.

Naglakas ng loob isiwalat ang bulok sa Commission on Election. Sa halip na purihin at binigyan ng medalya, minura at dinuro pa sila ni Commissioner Nicodemo Ferrer.

Nangyari itong insidente isang linggo sa miting tungkol sa anomaly ng P700 milyon na kontrata tungkol sa plastic folders na pantakip para daw magiging sekreto ang pagboboto.

Ayaw bitawan nina Arroyo ang Pagcor

Update:

1. http://www.abs-cbnnews.com/nation/05/29/10/palace-defends-midnight-reappointments-pagcor
2. http://www.abs-cbnnews.com/video/nation/05/29/10/bernas-hits-midnight-appointments-pagcor-officers

Itong midnight appointment ni Efraim Genuino sa Pagcor ay nagpapahiwatig na hindi talaga bibitaw si Gloria Arroyo sa kapangyarihan. May binabalak siyang hindi maganda.

Kung akala natin ang appointment ni Renato Corona bilang Supreme Court chief justice ay ang malaking problema na kailangan resolbahin ng susunod na pangulo na si Benigno “Noynoy” Aquino III, mas madugo itong sa Pagcor. Bilyunes yata ang nakataya dito.

Ang ibig sabihin ng Pagcor ay Philippine Amusement and Gaming Corporation na siyang nangangasiwa ng lahat na pasugalan sa buong bansa. Ang malaking parte ng kita ng Pagcor ay pumupunta sa Presidential Social Fund kung saan malawak ang kalayaan ng isang pangulo kung paano gamiting ang pera.

Ang batas at ang paninigarilyo ni Aquino

Kapag manumpa si Noynoy Aquino sa pagka-presidente sa Hunyo 30, ay magsasabi na ipapatupad niya ang lahat na batas . (“ conscientiously fulfill my duties as President, preserve and defend the Constitution, execute its laws…”)

Stress reliever?
Stress reliever?

Paano niya ngayon ipatupad itong Memorandum number 17 ng Civil Service Commission na nagbabawal ng paninigarilyo sa mga gusali ng pamahalaan?

Ayun sa Memo 17 ng CSC ay ipinalabas noong May 29, 2009 nang si Ricardo Saludo, spokesperson ni Gloria Arroyo ang SCS chairman, bawal ang paninigarilyo sa loob building at grounds kung saan nag-o-opisina ang mga ahensiya ng pamahalaan.

Kasama diyan ang Malacañang.

Pwede raw maglagay ng smoking area na hindi lalaki sa 10 square meter ang laki ngunit dapat may distansya ito sa gusali na hindi dapat kumulang sa 10 square meters. Hindi rin ito dapat malapit sa entrance or exit kung saan dinadaanan ng maraming tao.

Bawal din manigarilyo sa sasakyan ng pamahalaan. Paano ngayon ang magiging sasakyan ni Noynoy kapag presidente na siya?

Pakinggan ang reklamo, tuloy ang canvassing

Huwag tayong masyadong maiinip sa pag-iimbestiga ng mga reklamo tungkol sa mga palpak sa nakaraang eleksyon. Mabuti na hindi lang basta-basta isinasantabi ang mga lumalabas na reklamo tungkol sa mga palpak sa nakaraang automated elections.

Hindi katulad nang nangyari noong 2004 na ibinasura lang ni Sen. Francis Pangilinan at Rep. Raul Gonzales sa basurahang “Noted” ang mga reklamo kasama ang mga ebidensya ng dayaan.

Ngayon, kahit papaano pinapakinggan at hinihingan ng paliwanag ang Comelec at Smartmatic.

Ngayong araw magsisimula ang official canvassing ng mga boto para sa mga kandidato para presidente at bise-presidente. Sinabi ni Senate President Juan Ponce-Enrile at iba pang mambabatas na malamang sa Hunyo 15, o bago pa lumampas sa petsa na yun, made-deklara na ang nanalo at magiging susunod na presidente.

Sana naman hindi madaling araw nila gawin yun katulad ng ginawa ni Gloria Arroyo noong 2004 na parang inisahan ang taumbayan.

Ang preparasyon ni Manny Pacquiao sa pagka “Honorable”

Honorable Manny Pacquiao
Honorable Manny Pacquiao
Aba, napapabilib ako ni boxing champ Manny Pacquiao.

Bilang preparasyon sa kanyang pagiging congressman ng Saranggani, mag-aaral daw siya kung paano gagawa ng batas sa National College of Public Administration and Governance ng University of the Philippines.

Akala ko katulad ng ginawa ni Batangas Governor Vilma Santos na nag attend ng short course sa public administration nang una siyang nanalong mayor ng Lipa. Ang kay Pacman ay isang linggo lang daw.

Pero okay na rin yun. Madali naman siyang kumuha ng mga staff at adviser na tutulong sa kanya sa kanyang trabaho bialng mambabatas. Huwag lang sana ang kanyang mga kaibigan na sina Chavit Singson at Lito Atienza.

Mensahe kay Noynoy ng biktima ng Maguindanao masaker

VERA Files has ended its Coveritlive of the 2010 elections.

Those who wants to see the exchanges in that post, please click to older posts dated May 8 (Follow 2010 Elections through VERA Files) when it was first posted.

Thanks for your participation.

Sa Linggo, ika-anim na buwan na ng Ampatuan masaker kung saan hindi kumulang sa 57 katao ang brutal na pinaslang, at 30 doon ay mga journalists.

Tuwing ika-23 nag buwan, samantalang hindi pa nagkakaroon ng hustisya ang mga biktima, may isang media outfit na naghu-host ng dasal para hindi makalimutan ng samabayanan ang karumaldumal na krimen na naglagay ng Pilipinas bilang pinaka-mapanganib na lugar sa mundo para sa mga journalists.

Sa Linggo, ang aming diyaryo, ang Malaya Business Insight, ang host. Gaganapin sa ika-anim ng hapon.

Ina-anyayahin naming ang lahat na samahan kami sa aming pagdasal.

Puti at itim

Ngayon na sila na ang mga nasa-kapangyarihan ang isang dapat pag-ingatan ng mga nagsuporta kay Noynoy Aquino ay ang makitid na paningin . Na ang tingin sa mundo ay puti lang at itim.

Na kapag kasama ka nila, ikaw ay puti, walang kasalanan at pupunta ka sa langit. Kung ikaw naman ay hindi sa kanila, sumuporta ka kay Manny Villar, Joseph Estrada, Gilbert Teodoro at iba pang kandidato ikaw ay alagad ng kadiliman at pupunta ka sa impyerno.

Sana hindi nila uulitin ang ginawa ni Cory Aquino noong 1986 na lahat na nasilayan nina Marcos ay masama at pinagtatangal sa trabaho kahit ang magagaling. Nasa Department of Foreign Affairs ako na-assign noon at nakita ko ang mga magagaling na katulad nina Amb. Rodolfo Severino ay tinuligsa nina Heherzon Alvarez dahil yun daw ang nagdedepensa kay Marcos sa embassy ng nagpu-portesta sila sa Washingon D.C.

Preview ng Aquino administration

Hindi ako nababahala sa away ng iba’t-ibang grupo na sumuporta kay Noynoy Aquino, ang susunod na pangulo ng Pilipinas.

Maganda yan para sa demokrasya. Sila mismo magbabantayan at taumbayan ang makikinabang.

Nabulgar itong iringan dahil sa mahigpit na laban sa pagka bise-presidente nina Mar Roxas ng Liberal party at Jejomar Binay ng Pwersa ng Masang Pilipino.

Lumabas na meron palang mga grupo sa loob ng organisasyun ni Noynoy na ang kanilang kinakampanya ay Noy-Bi (Noynoy Aquino para president at Binay para bise-presidente).

Congratulations sa mamayang Pilipino

Congressman na si boxing champ Manny Pacquiao.

Panalo siya laban sa negosyanteng si Roy Chiongbian. Kaya “Honorable” na ang magiging titulo nya.

Hindi na siya maa-aring ismolin ni Kris Aquino na nagpasaring sa kanya bago mag-eleksyun na talunan naman daw siya sa pulitika.

Congressman na rin ang dating spokesman ni Gloria Arroyo na si Anthony Golez. Binoto siya ng mga taga-Bacolod. Ganun din si dating Agriculture Secretary Arthur Yap.