Talagang magkaka-maganak sa tapang ng apog itong mga Arroyo at mga Ampatuan.
Kung sino pa ang malaking kasalanang sa taumbayan, sila pa ang malalakas ng loob magreklamo.
Noong Lunes nag-privilege speech ang anak ni Gloria Arroyo na si Camarines Rep. Diosdado “Dato” Arroyo at binatikos ang mga kongresista katulad ni Walden Bello ng Akbayan,. Teddy Casino ng Bayan at Rep. JV Ejercito ng San Juan na nagbitaw ng mga maa-anghang na salita laban sa kanyang ina.
Nananahimik daw ang kanyang ina mula ng bumaba sa Malacañang para daw libre na magmamahala si Aquino ng bayan. Masamang ehemplo daw ang ginawa ng mga anti-Arroyo na mga kongresista na binabatikos ang kanyang ina na marami daw ginawang mabuti sa bayan.
Sa mga nagku-kwestyun ng legalidad ng Executive Order No. 1 na nagbubuo ng truth Commission, sinabi ni Pangulong Aquino na pumunta na lang sa Supreme Court.
Sabi ni Aquino,”Iyung sinasabi pong unconstitutional, iyun ang opiyun ng ilang kongresista.Kami po may opinion din. Ang huhusga kung sino ang tama ang opinion, Korte Suprema. Palagay namin ay tama iyung ginagawa namin.”
Hindi naman nakapagtataka na umalma kaagad ang mga kaalyado ni Gloria Arroyo sa pagbuo ng Truth Commission na siyang mag-iimbestiga ng mga corruption at ibang katiwalian na nangyari sa siyam na taon na administrasyon ni Arroyo.
Sinabi ni House Minority Leader Edcel Lagman na kukwestyunin nila sa korte ang legalidad ng Executive Order No. 1 dahil sabi niya, sa pamamagitan lamang ng batas, na ipapasa ng Kongreso, mabubuo ang isang Commission.
Sinabi na rin ito ni Sen. Joker Arroyo. Sabi pa nga niya kung gagawa si P-Noy ng Truth Commission, sayang lang daw ang oras at pera dahil walang ngipin ito. Hindi raw ito maaring mag-subpoena o magpilit ng isang tao na humarap sa imbestigasyon.
Credit where credit is due: The photo came from the website “ispoops” (http://www.ispoops.com/photoblog/Mikey_the_Strict_Sekyu_2000/#2000) by Carlo Barrameda.
Hindi lang makitid ang utak nitong si Commissioner Nicodemus Ferrer. Matapobre pa.
Sa daming batikos na ipinupukol sa kanila ukol sa kanilang pag-aprub kay dating Pampanga congressman Mikey Arroyo, anak ni Gloria Arroyo, na kinatawan ng mga tricycle driver at security guards, aroganteng sumagot si Ferrer na hindi naman daw marunong gumawa ng batas ang mga tricycle driver at security guards.
“Can you imagine a tricycle driver being able to draft a law?” insulto na tanong ni Ferrer.
Pinapatunayan ni Ferrer na kahit ang isang tao ay may diploma at may attorney pang kakabit sa pangalan niya maaring siyang manatiling mang-mang. Makitid ang pag-iisip.
Ding Gagelonia said the image is from the Ispoops website of Carlo Barrameda. Here’s the link:http://www.ispoops.com/photoblog/Mikey_the_Strict_Sekyu_2000/#2000
There’s another one, also funny: http://www.ispoops.com/photoblog/Mikey_the_Strict_Sekyu_2000/#1999
Bastusan ang ginawa ng Comelec sa batas na nagbibigay ng boses sa mga “marginalized” o mga sector hindi nabibigyan ng representasyon sa kongreso. Ginamit ni Mikey Arroyo at iba pang mga oportunista katulad ni dating Energy Secretary Angelo Reyes, upang maisulong ang kanilang walang pagkabusug sa kapangyarihan. Aprub naman ng Comelec.
Kahindik-hindik ang nangyari kay Asria Samad Abdul, 34 taong gulang na overseas foreign worker (OFW) sa Kuwait.
Ayun sa report, nakita ang bangkay ni Asria, na tubong Datu Odin Sinsuat sa Maguindanao, sa disyerto ng Kabd na maraming saksak. Mukhang tinurture muna siya tapos sinagassan ng kotse para kunwari namatay siya dahil nasagasaan.
Nahuli na raw ang mag-asawang criminal. Egyptian daw.
Ang isa namang OFW, si Norhaisa Nasa Andao, 32 taong gulang ay sinaksak ng kanyang asawang Egyptian ng 31 beses sa loob ng beauty parlor sa Kuwait din. Siyempre patay.
Noong Huwebes ng gabi, panandalian kaming nagkaroon ng kuryente. Tamang-tama TV Patrol, balita sa ABS-CBN.
Nasa balita ang mga nasawing mangingisda sa Mariveles, Bataan nang inabutan ng bagyong “Basyang”. Ini-interview ang asawa ng isang nasaawing mangingisda. Sabi ng asawa hindi raw niya alam kung ano ngayon ang kanyang gagawin dahil buntis siya at wala naman siyang hanapbuhay.
Sabi pa niya, may isa pa silang anak at nakakulong. Nag-iipon nga daw sana sila ng pera para magkaroon ng pampiyansa sa kanilang nakakulong na anak.
Hindi pa natapos ang TV Patrol, nawala na naman ang kuryente. Madilim na naman kami.
Nakakapagtaka itong si dating senator na ngayon ay Muntinlupa Rep. Rodolfo Biazon.
Samantalang ang karamihan ay nag-aapela kay Pangulong Aquino na tulungang makalaya si Sen. Antonio Trillanes IV at sinabi na ni P-Noy na hindi makatarungan ang pitong taon na pagkakulong ng batang senador , ito naman si Biazon ay nagbabala na dapat daw huwag maki-alam si P-Noy .
Ang dating sa sinabi ni Biazon ay ayaw niyang makalaya si Trillanes.
Ano ba ang kasalanan ni Trillanes? Noong Hulyo 27, 2003, nanindigan siya kasama ang mga 70 na batang opisyal at mga 300 na sundalo laban sa kurakutan sa military at paggamit ng military sa mga gawain na hindi naayon sa kanilang tungkulin na magprotekta sa taumbayan. Sinabi nila na dapat bumaba si Gloria Arroyo sa kapangyarihan.
“Absolutely not true,” sabi ng scriptwriter at director na si Bibeth Orteza ng aking tinanong sa text kung totoo ang tsismis na may romantic affair si Sen. Chiz Escudero at si Kris Aquino, ang artista at TV host na kapatid ni Pangulong Noynoy Aquino.
Sabi ni Bibeth, “Hindi ko nga maintindihan kung bakit kumalat yan.”
First time kung narinig ang tsismis sa isang pagtitipon ng mga columnist Sabado ng umaga. Hindi ko pinansin dahil hindi kapani-paniwala. Noong gabi, may interview ako at ang lumabas na naman ang tsismis. Kaya tinawagan ko na si Bibeth.
Nagpapasalamat ako kay Atty. Melvin Matibag,general manager ng Manila International Airport Authority, sa kanyang aksyon agad sa tangkang panloloko na ginawa ng driver ng Yellow taxi sa akin noong Biyernes.
Noong Linggo, tinawagan niya ako at sinabi niyang dinala na ng taxi operator ang taxi driver sa kanyang opisina at pinatawan ng kaukulang parusa: hindi na siya makapagbiyahe sa airport. Banned na siya.
Sabi ni GM Matibag, galit talaga siya sa mga mandurugas na taxi drivers sa airport dahil nag laking kasiraan ang kanilang binibigay sa bansa.
Update: MIAA GM Melvin Matibag informed me today (June 27) that the driver was apprehended and is being investigated. He said the driver will be banned from the airport.
Dumating ako noong Biyernes galing Zamboanga mga 5:30 ng hapon sakay ng Philippine Airlines.
Katulad ng dati kung gawi, dumeretso ako sa pilahan ng Yellow Taxi. Walang pila. Dadalawa lang kaming pasahero ang nandoon.Sianbi ko sa taong naglilista ang aking pangalan at ang aking destinasyon: Las Pinas. Binigyan niya ako ng parang tiket at tinulungan ako ng isa nilang empleyado papunta sa nakapilang taxi.
Kaya ako sumasakay sa Yellow taxi dahil gumagamit sila ng metro. May mga airport taxi na fixed rate, mas mahal.
Medyo mataas ang flag down ng Yellow Taxi. P70 pesos yata. Okay lang sa akin yan kaysa pupunta pa ako sa malayo at makipagtawaran pa sa mga colorum na taxi. Grabe magtaga ang mga colorum taxi doon sa airport.
Mukhang may problema pala para isapag-katuparan ang pangako ng nanalong kandidato sa pagka-presidente na si Benigno “Noynoy” Aquino III tungkol sa kumisyon na kanyang itatatag para imbestigahan si Gloria Arroyo.
Pinalakpakan pa naman natin ang magaling na ideya na ito ni Aquino at isa ito sa mga rason na binoto siya ng taumbayan. Siya lang sa mga kandidato ang nagsabing papanagutin niya si Arroyo ng kanyang mga kasalanan sa taumbayan.
Sinabi ni Atty. Harry Roque, isa sa mga abogadong masugid sa pag-imbestiga ng mga anomalya na sangkot si Gloria Arroyo at ang kanyang asawang si Mike, na kung sa pamamagitan lamang ng executive order ang pagtatag ng kumisyon na magi-imbestiga kay Arroyo, hanggang rekomendasyun lang ito.