Skip to content

Category: Abante

Ang milagro na si George Francis

Photo by Raoul Esperas from ABS-CBN online
Nakaka-panghilakbot na nakakamangha na nakaka-pukaw damdamin itong kwento ng sanggol na iniwan sa basurahan sa eroplano noong Linggo.

Talagang tunay na survivor.

Pinangalanan ng mga empleyado ng Manila International Airport Authority ang sanggol na si “George Francis” o GF, initial ng Gulf Air sa aviation industry.

Ito ang report tungkol kay George Francis: Dumating ang Gulf Air galing Bahrain sa NAIA 11:18 ng umaga noong Linggo. Nang naglilinis ang mga sanitary personnel ng eroplano, nakita nila ang sanggol na lalaki nakabalot sa tissue paper napkins na puno ng dugo. Nang nilinisan nila ang bibig, umiyak ang sanggol. Sinabi nila sa security at itinakbo kaagad sa airport clinic.

James Yap

Charmaine Deogracias, Pong Querubin, James, myself
Noong Huwebes, habang nagku-cover kami ng court martial hearing ng mga opisyal na sangkot sa 2006 na tangkang pagpatalsik daw ka Gloria Arroyo, natanggap ko ang text ng isang kaibigan ko na matalik na kaibigan ni James Yap.

Siguro naman hindi ko na kailangan sabihin dito kung sino si James Yap.

Sabi ng kaibigan ko, bibisitahin daw niya si James sa St Luke’s hospital sa The Fort dahil magpapa-opera sa ilong. Gusto daw ba namin sumama? Tuwing Sabado kasi, nagkikita-kita kaming magkakaibigan sa isang restaurant para magkuwentuhan. Palagi naming sinasabi, dalhin mo nga dito si James Yap.

Ang unang reaksyun ko sa text niya, bakit ako pupunta, hindi naman niya ako close friend. Baka maka-istorbo pa ako. Si Charmaine Deogracias naman ng NHK TV, excited kaagad. Sumama na rin ako.

Mabuti pala sumama ako at naka-usap ko first time itong sikat na basketbolista na asawa ni Kris Aquino. (Siguro naman hindi ko na rin kailangan sabihin kung sino si Kris Aquino.)

Sablay

Kahit na dalawang linggo na nakalipas ang trahedya sa Luneta, nakakapanghilakbot pa rin ang maririnig ang pinaka-kritikal na mga minuto kung saan nagwawala na ang hostage-taker na si dating Senior Inspector Rolando Mendoza.

Pinatugtug kahapon sa hearing ng committee na nagi-imbestiga ng trahedya noong Agosto 23 ang mga huling minute ng trahedya sa testimonya nina Jake Maderazo, manager ng Radio Mindanao Network at ng kanilang reporter na si Michael Rogas.

Sana hindi na mangyayari ito ulit. Ang bigat sa dibdib at sa pag-iisip. Mabigat sa ating bayan.

Kung sabagay, kailangan siguro natin ito para mayugyug tayo, lalo pa ang ating mga opisyal, lalo pa si Pangulong Aquino na ayusin nila ang pagpalakad ng bayan.

Saang puntod ka magsisindi ng kandila?

Bakas sa mukha ng mag-asawang Fernando at Corazon Fortuna ang sakit at hinagpis ng magulang na naghahanap ng anak. Ganoon din ang mag-amang Pitarico Garcia at Pops Cabaltica.

Hinahanap nina Fernando at Corazon ang kanilang anak na babeng si Daryl, 23 taong gulang at estudyante sa Polytechnic University of the Philippines, na nawawala mula pa noong Marso 26 habang nagre-research tungkol sa kanyang thesis sa Zambales.

Katinko

Sa imbestigayon na ginagawa ngayon ng Incident Investigation and Review Committee ng nangyari noong Agosto 23, mayroong mga nakakatawa na nangyari. Katulad nitong kwento ni Chief Inspector Romeo Salvador, ang deputy negotiator.

Sabi niya nahilo raw siya ng mga pasado na alas-dos kaya pumunta siya sa isang ambulansya na nakaparada malapit sa Command Post sa Rizal Park. Wala raw ammonia ang ambulansya. Ang binigay sa kanya ay ang Katinko. Yung ointment na Chinese medicine. Natawa ang mga miembro ng committee.

Aba, magaling ang katinko ha. Gamit ko rin yun kapag sumasakit ang aking ulo. Kung walang katinko, white flower. Palagi ako meron nyan sa bag ko.

Nakakalukang Coco

ABS-CBN update: Quisumbing says sorry to media

Noong Marso pa pala unang pumunta itong si Ana Evangelista sa Commission on Human Rights at nagsampa ng kaso dahil sa pagkawala ng kanyang asawang si Darius, suspek daw sa panghu-hold up pagkatapos mahuli ng mga pulis.

Meron din ibang pamilya na nagsasabing ang nakikita sa video na pinalabas ng ABS-CBN ng isang taong tino-torture (tinalian ang kanyang ari ay hinihila, pinipilipit tuwing hindi gusto ng pulis ang sagot sa kanilang tanong) ay ang kanilang kaanak na si Vicente Obrigo na napatay sa encounter sa mga pulis noong isang linggo.

Itong si Ana (hindi niya totoong pangalan) ang sinasabi ni Human Rights Commissioner Cecilia “Coco” Quisumbing na kanyang inaasikaso raw kaya limitado ang kanyang oras sa mga reporter. Kaya nagtaray. Click on this site. http://www.abs-cbnnews.com/video/nation/08/20/10/chr-commissioner-coco-goes-loco#ooid=ZwdnZuMTr9BqVNywApk_PWoISyqPS95D

Iba’t ibang klaseng torture

Iba-ibang klaseng torture ang nakita natin nitong nakaraang linggo.

Una yung kahindik-hindik na video ng turture sa isang hinahalaang holdupper sa Asuncion precinct station sa Tondo, Manila.

Ang pangalawa naman ay ang pagwawala ni Commissioner Coco Quisumbing ng Commission on Human Rights sa media.

Makikita sa video ang isang payat na lalaki ang namimilipit sa sakit na nasa sementong sahig. Tinalian ng kanyang mga torturer ang kanyang ari at tuwing may tinatanong at hindi nagugustuhan ang sagot, hinilia ang tali kaya namimilipit sa sakit.

Paboritong heneral ni Arroyo, appointed ulit ni P-Noy

Ang galing nitong mga heneral na busog na busog kay Gloria Arroyo. Hanggang ngayon patuloy pa rin sila sa hapag-kainan ng bagong administrasyon.

Isa na si Maj. Gen. Jonathan Martir na nakakuha ng appointment kay Pangulong Aquino bilang director IV. Isa siya sa unang hinirang ni Aquino noong Hulyo 15. Ang swerte talaga ni Martir.

Sabin ng isang defense reporter, re-appointment lang daw yun kasi linagay siya doon ni Arroyo pagkatapos siya nag-retire. Tagapag-mahala daw siya ng military arsenal.

Bakit siya na re-appoint?

Dengue

May sumulat sa akin na taga-Marinduque na alalang-alala siya sa dumadaming kaso ng dengue sa kanila ngunit parang hindi alam ng kanyang mga kababayan kung ano ang dapat gawin.

Sabi niya walo na raw ang namatay sa kanila nitong mga nakaraang linggo kasama ang siyam na taong gulang na si Lovely Gail Ramos ng Brgy. Santol, Boac at ang isang grade three na estudyante ng Don Luis Hidalgo Elementary School na namatay sa Damian Reyes Hospital isang oras lang na dinala doon.

Nang unang dinala daw kasi ang biktima sa isang private clinic, sinabi tonsillitis ang sanhi ng lagnat. Huli na ng matumbok na dengue.
Pagkatapos nun, binisita daw ni Dr. Honesto Marquez of PHO-Marinduque ang Brgy. Santol noong Biyernes ay sinabihan ang mga tao na mag-ingat sa dengue na dala ng lamok.

Ang telenobelang Kris at James

In happier times?
Magandang ehemplo ang ginawa ng traffic aide ng Metro Manila Development Authority na nanghuli sa driver ni Kris Aquino na nag-park sa “No parking” na lugar sa tapat ng ABS-CBN sa Quezon city.

Hindi siyang nag-atubili na ipatupad ang batas at tinikitan ang driver ni Kris. Tumawag ang driver kay Kris at sinabi naman ni Kris na dapat ng tiketan ang kanyang driver.

Ang pangyayaring ito ay tugma sa patakaran na pinaiiral ni Pangulong Aquino na walang hindi saklaw ng batas. Lahat pantay-pantay sa batas.

Katulad ng ginawa niya sa wang-wang. Hindi hinahawi ang traffic para lang mapabilis siya sa pupuntahan niya.

Di ba nakakabilib?

Kaya lang dahil nga medyo maiinit na ang mga mata ng tao kay Kris, merong ibang nagsasabi na pa-epek lang niya yun.

Hindi naman siguro ganun si Kris. Over na nga siya sa publicity lalo pa na umaandar na ang annulment ng kanyang kasal.

Sigurado as susunod na mga araw, laman ng peryodiko ang tungko as annulment ng kasal ni Kris dahil nakakuha na ng abogado si James Yap.