Skip to content

Category: Abante

Pulutan

Breaking news: Makati RTC postpones promulgation of Magdalo coupd’etat case.

Sa mga nagpasabi sa may-akda na sana may tagalog na bersyun ang “Pulutan” na cookbook ng dalawang Magdalo na opisyal, wish granted na. Nagpalabas na ang Anvil Publishing ng “Pulutan-Mula sa kusina ng mga sundalo.”

Pwede nang bilhin sa lahat na sangay ng National Book Stores.

Tuwang-tuwa sina dating Ensign Elmer Cruz at Emerson Rosales sa pagtangkilik sa English na bersyon ng kanilang cookbook na inilabas noong Hulyo 2007 nang sila ay nakakulong pa sa Fort San Felipe sa Cavite.

Apat na taon ding nakulong sina Elmer at Emerson dahil sa kanilang partisipasyon sa tinatawag na Oakwood mutiny kung saan nanindigan sila laban sa korapsyun at panloloko ni Gloria Arroyo noong Hulyo 26, 2003.

Ang pangu-ngopya ay pagnanakaw

Del Castillo with his benefactor
Ito ngayon ang kumakalat na joke: “Binawi ng Post Office ang pinakahuling labas nila na mga stamp. Kasi mga litrato pala ng Supreme Court justices. At ang dinuduraan ay mga litrato ng mga justices.”

Ito ay galing sa Facebook ni Ferrum Mann.

Ganyan na ngayon ang tingin ng taumbayan sa mga justices ng Supreme Court lalo na sa kanilang desisyon na idismis ang isyu tungkol sa pangungupya ng isa nilang kasamahan si Associate Justice Mariano C. del Castillo sa ibang desisyon ng mga banyagang abogado at ipinasa niyang kanya. Ang krimen ay tinatawag na “plagiarism.”

Ang plagiarism ay pagnanakaw. Kinukuha mo ang ideya ng ibang tao at inaangkin mong iyo. Di ba klarong pagnanakaw?

Bagong imbestigasyon ang hinihingi ni Lacson

Hindi humihingi ang mga abogado ni Sen. Panfilo Lacson ng special treatment sa kanilang kliyente sa kanilang gustong magkaroon ng panibagong imbestigasyon sa kasong pagpatay sa public relations man na si Bubby Dacer at ang kanyang driver na si Emmanuel Corbito.

Ang hinihingi lang ni Lacson ay maayos na pagpatupad ng batas. Hindi naman lingid sa lahat kung paano at kung bakit gusto talaga ni Gloria Arroyo at ng kanyang asawang si Mike si Lacson. Sa lahat naman kasi na kritiko ni Arroyo si Lacson ang pinakadelikado dahil matinik magkahalungkat ng baho ng mag-asawang naglapastangan ng bansa ng siyam
na taon.

Siyempre hindi mapatawad ni Mike Arroyo si Lacson sa pagbulgar na alias Jose Pidal pala siya. Nabulgar na rin tuloy ang tungkol kay Vicky Toh.

Morong 45 na!

May nanganak na naman kahapon ang isa sa mga health workers na kabilang sa Morong 43 na ngayon ay nakakulong pa rin sa Camp Bagong Diwa sa Bicutan.

Nanganak kahapon si Ma. Mercedes Castro sa Philippine General Hospital. Maselan ang kanyang pagpanganak kaya sa pamagitan ng caesarean section. Kaya kahit sila ay nagdurusa sa kulungan, Masaya sila sa bagong buhay na naisilang.

Noong Hulyo, nanganak rin si Judilyn Oliveros at hanggang ngayon ay naka-hospital arrest pa rin siya.

Gusto ni Navera baluktot pa rin

Ang tapang naman ng apog nitong si Senior State Prosecutor, Juan Pedro Navera magreklamo sa desisyun ni Pangulong Aquino na magbigay ng amnestiya sa mga sundalong nanindigan sa illegal na administrasyon ni Gloria Arroyo.

Kasama sa nabigyan ng amnestiya si Senador Antonio Trillanes IV na hanggang ngayon ay nakakulong pa. Mga 300 na opisyal at enlisted men ang sakop ng amnestiya kasama na rin sina Maj.Gen. Renato Miranda, Brig.Gen. Danilo Lim, at Col. Ariel Querubin.

Ang amnestiya ay magpawalang halaga kung sakaling magdesisyun sa Oktubre 28 si Judge Oscar Pimentel na “guilty” sina Trillanes at mga lider ng Magdalo ng “kudeta” sa nangyari noong Hulyo 27, 2003 sa Oakwood Hotel sa Makati kung saan binulgar nila corruption sa military kasama na ang pagbenta ng mga armas at bala sa kalaban na siyang ginagamit para patayin sila.

Hinaing at hiling ng isang ina

Ito ay tungkol sa pag-uusap ng ina ni Melchor Fulgencio, na diumano ay umamin na siya ang nag rape kay “Florence”, ang nurse sa Maguindanao at Councilor ng South Upi na si Linda Erese.

Si Fulgencio ay miyembro ng Citizen Armed Force Geographical Unit na nagtatrabaho sa isang kumpanya na pag-aari ng Koreano sa Mindanao. Sa pag-amin daw ni Fulgencio sabi ng Director General Raul Bacalzo, hepe ng Philippine National Police na solved na raw ang kaso ni “Florence” (hindi niya totoong pangalan).

Sabi naman ni Justice Secretary Leila de Lima na siyang namumuno ng imbestigasyon ng kaso, “Hindi pa at marami pang hindi nagtutugma sa mga kuwento tungkol sa nangyari,” sabi ni de Lima.

Sumulat sa akin ang aking kaibigan sa Maguindanao at ikinuwento niya ang pagbisita ni Erese sa bahay ni Fulgencio na kilala sa kanilang lugar na “Boy” kung saan doon din nakatira ang kanyang 116 taong gulang na ina, si Nanay Tansing.

Wala ako sa posisyon para magsabi kung inosente si Fulgencio o hindi.

Inspirasyon sina Raissa at Abby

Sabi nga ng mas marunong at may karanasan sa buhay na ang buhay ay hindi sa kung ilang beses ka nadapa kungdi kung paano ka bumangon sa iyong pagkalugmok. Hindi yung paano ka nahambalos ng tadhana kungdi kung paano mo siya sinuong ng taas noo.

Kaya hangang-hanga ako kay Raissa Laurel, ang law student sa San Sebastian University na nadisgrasya sa pagsabog sa harapan ng La Salle sa Taft Avenue noong Sept. 26. Katapusang araw yun ng bar exam at marami ang naghihintay sa mga kumuha ng bar sa kinaugaliang “salubong.”

Tinimbang ngunit kulang

Sa Biyernes, Oktubre 8, isang daang araw na ang administrasyon ni Pangulong Benigno Aquino III.

Alam naman natin na maigsi naman ang isang daang araw para ayusin ang bansa lalo na sa siyam na taon na pang-aabuso at pagsalaula ni Gloria Arroyo ng mga institusyon pangdemokrasya katulad ng eleksyun at hustisya.

Ganun din sa larangan ng pang-ekonomiya. Sadlak tayo sa utang. Ang nagbubuhay sa atin ay ang padala ng ating mga kababayan sa ibang bansa. Pera na kabayaran ng kanilang dugo at pawis.

Kahit na wala namang umaasa na malutas ni PNoy ang problema ng bansa sa kanyang unang tatlong buwan, dapat nakikita na ng taumbayan ang direksyun na ating pinatutunguhan.

Pinangako ni PNoy noong kampanya na siya ay maging iba kaysa kay Arroyo. Sinabi rin niya na pananagutin niya si Arroyo sa kanyang perwisyo sa bayan.

Labadahan ng jueteng sa boksing

Dapat bantayan ng Bureau of Internal review at ng tauhan ng Money Laundering Council ang mga Pilipino na dadagsa na naman sa Texas sa Nobyembre para sa laban ni Saranggani Congressman Manny Pacquiao at ang Mexicano na si Antonio Margarito.

Gambling lords have found “creative methods” of laundering billions of pesos generated by their illegal operations in the country, a lawyer of a late suspected jueteng operator said Sunday.

The methods range from auctioning off paintings in Singapore to moving funds through the underground “Binondo Central Bank,” Ferdinand Topacio said.

Click here:http://newsinfo.inquirer.net/inquirerheadlines/nation/view/20100927-294494/Jueteng-lords-clean-money-in-Singapore and here :http://newsinfo.inquirer.net/inquirerheadlines/nation/view/20100927-294520/Money-laundering-through-artworks

Sinabi ni retired Archbishop Oscar Cruz sa hearing ng jueteng sa Senado na nilalabhan ng mga jueteng operators at ang mga nagpuprotekta sa kanila ang ilegal na pera sa pamamagitan ng pagpusta sa boksing. Kung manalo nga naman sila doon, di legal na ang pera nila.

Sino-sino ba ang mahilig magbuntot kay Pacquiao tuwing may laban siya? Kitang-kita naman.

Nakakalula ang mga numero ng pera na umiikot sa jueteng. Sabi ni Sen. Miriam Santiago, P30 bilyunes (bilyun yan,siyam na sero) ang kita ng mga operator na ilegal na sugal sa isang taon. Kaya naman chicken feed lang sa kanila ang P300 milyun na pyola sa bawat mataas na opisyal.

Amnestiya sa mga sundalong lumaban kay Gloria Arroyo

Ckick on image to read the Manifesto for amnesty:

May lumabas na panawagan sa mga diyaryo noong Huwebes para sa amnestiya sa mga aktibo at dating opisyal ng militar at pati na rin ang mga enlisted personnel na sangkot sa mga bigong pag-aaklas laban sa administrasyong Arroyo. sa layong magkaroon ng tunay na kapayapaan at pagkakasundo sa bansa.

Kasama dito sa makikinabang kung mabibigyan ng amnesty si Sen. Antonio Trillanes, na siya na lang mag-isang naiwan na nakakulong, at ang kanyang mga kasamahan na nakalaya pansamantala sa pamamagitan ng piyansa.

Ito ang mga maaring mangyayari kina Trillanes sa kaso nilang kudeta dahil sa nangyari sa Oakwood noong Hulyo 27, 2003 na ngayon ay nasa hukuman ni Judge Oscar Pimentel ng Makati Regional Trial court.