Skip to content

Category: Abante

Hinihintay ang paglaya ni Trillanes

Pinakita sa akin ng aking kaibigang si Pamsy Tioseco, public relations officer ni Sen. Loren Legarda, ang magandang Christmas decoration sa pintuan ng opisina ni Senator Antonio F. Trillanes IV sa Senado.

“Talagang excited na sila sa pagdating ng kanilang boss,”sabi ni Pamsy tungkol sa mga staff ni Trillanes.

Talaga naman. Sa paglabas ng panibagong amnesty proclamation (Proclamation no.75), kung saan isinama ang mga suhestyun galing sa mga senador at congressman, inaasahan na makalabas na si Trillanes sa kulungan bago mag-Pasko.

Sana nga bago Disyembre 15, bago mag-Christmas break ang Senado para makita naman niya ang kanyang opisina.
Pitong taon nang nakakulong si Trillanes as kanyang panindigan sa paglapastangan ni Gloria Arroyo ng batas at pagtiwala ng taumbayan. Unang nilang ginawa ng kanyang mga kasamahang opsiyalk at sundalo ang pagkondena sa korapsyun sa pamahalaang Arroyo sa Oakwood Hotel noong Hulyo 27, 2003.

Nanindigan sila ulit noong Nobyembre 29, 2007, tatlong taon na ngayong araw, nang sila ay nag-walkout sa hearing sa Makati Regional Trial Court at pumunta sa Manila Peninsula.

Ang misyun ni Grace Capistrano

Thanks to Inquirer for photo
Kapag hindi mo pa talaga panahon, kahit anong gawin sa iyo, sagasa-an ka man ng tren, itapon ka man sa mataas na gusali, mabubuhay ka pa rin. Samantalang kung oras mo na rin talaga, kahit gaanong pera ang gagastusin o kahit natutulog ka lang, mawawala ka na sa mundo.

Hindi tayo dito mananatili sa mundo kahit isang minuto na sobra o kulang sa itinakda sa atin.

Ganun ang nangyari kay Grace Capistrano, ang pulis-informer sa Laguna na binaril, sinaksak ng 24 beses, itinapon sa bangin, nabuhay pa rin!

Ayon sa report ng pulis noong Miyerkules, mga ika-pito ng gabi, kinuha ng dalawang pulis na sina PO2 Mario Natividad at PO1 Antenor Mariquit si Capistrano sa kanyang bahay sa Angono, Rizal. Itinulak siya sa loob ng sasakyan , tinalian ang mga kamay at linagyan ng duct tape ang bunganga.

Pagdating sa Pagsangjan, Laguna, hinulog siya sa bangin at binaril. Natamaan siya sa paa.

Ang kahalagahan ng ginagawa ni Professor Leonardo Co

Thanks to Arnoldi blogspot
Ang rafflesia ay ang pinakamalaking bulaklak sa mundo na naitala ngayon. Maaring merong mas malaki pa ngunit hindi pa nadidiskubre.

Ang rafflesia ay sobra isang metro ang laki kaya nasa lupa lang siya nakalatag. Parang red-orange ang kulay. Hindi maganda ang amoy dahil kumakain ng mga kung ano-anong mga insekto o mali-liit na hayop. Matatagpuan ito sa kabundukan ng Antique,ang aking probinsya, at Mindanao dito sa Pilipinas. Meron din daw sa Malaysia, sa gubat ng Sarawak.

Ang rafflesia ay isa sa ipinag-mamalaki ng Antique. Ngunit hindi pa ako nakakita ang aktuwal na rafflesia dahil sa gubat ng Sibalom at San Remigio yun matatagpuan. Sinabi sa akin na sa kabundukan yun at aabutin daw kalahating araw na paglalakad bago makarating doon. At medyo delikado daw pumunta doon basta-basta dahil may mga nakatira doon na mga kababayan nating No Permanent Address. Alam nyo na.

Ngayon ko lang nalaman na si Prof, Leonardo Co pala ang nakadiskubre ng rafflesia dito sa Pilipinas kaya nakapunta na sya doon sa kabundukan ng Antique. Ang pang-apat na Rafflesia na nadiskubre ay ipinangalan sa kanya: Rafflesia Leonensis.

Noong Lunes, Nobyembre 15, napatay si Co at ang kanyang dalawang kasama na sina Sofronio G. Cortez, forest guard day of ng EDC-Environmental Management Division a pag-aari ng pamilyang Lopez at Julius Borromeo, miyembro ng Tongonan Farmers Association (Tofa) sa Kananga, Leyte .Nakalibre ang isa nilang kasama na si Policarpio Balute.

In-lab si PNoy

Liz, Kris, Shalani
Kuwento ng isang taga-Malacañang, minsan daw may photo shoot si Kris Aquino at si Liz Uy ang stylist. Nag-text daw si Kris kay PNoy na magkasama sila ni Liz. Mamaya-maya daw, dumating si PNoy sa photo shoot. Umalis daw ang lahat sa make up room pati si Kris at iniwan si Liz at si Pnoy.

Ilang araw bago pumuntang Japan si Aquino para dumalo sa miting ng Asia Pacific Economic Cooperation, umaga na raw umuwi dahil nagdate sila ni Liz.

Ayan at in-lab ang ating Presidente.

Sa Yokohama, Japan ,nagre-reklamo si Aquino na ang malaking balita daw sa kanyang pagdalo sa APEC ay ang kanyang pagdi-date sa kay Uy. “Baka puwede naman ’yun love life ko ay ipaubaya na lang ninyo sa akin. Maraming salamat,” sabi niya sa mga reporter .

Kungyari lang yan. Baka kinikilig pa yan sa mga sinusulat tungkol sa kanya at kay Liz. Kung ayaw niya, bakit siya nagkuwento tungkol sa pag-date niya kay Liz. Hindi naman niya sinabi na mali ang balita. Sa kanya naman galing yun.

Nag-aaway,pinag-aaway

Hindi bago ang nag-aaway na mga grupo sa isang organisasyun. Bawa’t isa sa atin ay magkaiba ang ugali.

Noong panahon ni Pangulong Estrada, iba-ibang bloke rin. Sinabi ni Estrada na “Hayaan mo silang mag-aaway-away. Mabuti yan para magbabantayan. Basta ako lang ang boss nila.”

Ito rin kaya ang stratehiya ni Panguloy Aquino? Sa Manila Economic and Cultural Office, ang nagtatayong embassy ng Pilipinas sa Taiwan, inilagay ni PNoy si dating senador Leticia Shahani na miyembro ng board. Ngunit pinatili rin niya si Rosemay “Baby” Arenas, ang napabalitang “special friend” ni dating Pangulong Ramos.

Ang MECO ay isang opisianang tinatawag na gatasan dahil nag laki ng kinikita dyan ng mieymbro ng board. Daang-daang libong piso ang kinukulekta ng mga miyembro ng board dyan.

Hindi nakakapagtaka si Shahani dahil ang alam ng marami na nagsuporta siya sa kandidatura ni PNoy. Napaka-aktibo ng anak niyang si Lila sa kampanya. At ang pamilyang Ramos ay talagang malapit sa Taiwan. Ang ama nina Shahani, si Narciso Ramos, ay dating ambassador sa Taiwan nang hindi pa tayo “One-China” policy.

Ang tunay na rason sa pagkakabahala ni Aquino

Kaya naman pala inis na inis si Pangulong Aquino sa travel advisories ng limang bansa na iwasan ang Pilipinas dahil sa banta daw ng mga terorista. Umiiyak na raw ang mga Philippine tour operators sa mga kanselasyon ng package tours galing Hongkong at China, tapos dadagdagan pa nitong travel advisories, talaga ngang nakakabahala.

Kaya lang sa halip na mainis sa ibang bansa na nagpu-protekta lang ng kanilang mamamayan, dapat ayusin natin ang pamalakad dito sa atin at iyan ay dapat manggagaling kay Aquino. Ang problema lang hindi nakakabigay ng kumpyansa ang kanyang mga aksyun at sinasabi.

(Click here for the interview of Aquino by Ted Failon on terror threat: http://www.abs-cbnnews.com/video/nation/11/04/10/terror-report-raw-unverified-noynoy-1-1-ted#ooid=hvMXhzMTrHxTB7iLpEMl4REPPznJGFEb)

Ang bansang United States, Britain, Australia, Canada, New Zealand at France ay nagpalabas ng babala sa kanilang mga mamamayan na iwasan ang ilang bansa na may impormasyon silang baka umatake ang mga terorista. Isa sa kanilang listahan ay ang Pilipinas.

Mahirap maintindihan

Sabi ni Pangulong Aquino “taken out of context” daw siya sa sinabi niyang aalisin na si Secretary Jesse Robredo sa Department of Local Government at ilipat sa isang presidential commission para sa mga mahihirap sa lungsod na kanyang itatayo pa lang.

Kapag sinabi mong “taken out of context”, maaaring hindi ka naintindihan ng reporter, or nag-sensationalize ang reporter. Ibig sabihin nun, kasalanan ng media.

Napanood ko ang interview na ‘yun ni Ted Failon sa TV Patrol kay Aquino noong Huwebes ng gabi. Tinanong siya tungkol sa kanyang mga miyembro ng cabinet na kanyang isusumite sa Commission on Appointments dahil mag-kakaroon na ulit ng sesyun.

(Click here (http://www.abs-cbnnews.com/video/nation/11/04/10/robredo-paje-will-remain-acting-secretaries#ooid=EyOXhzMTpCpQqBRBayqrfp6jbEvV0RS0) for the news report that included the Failon’s interview with Aquino.)

Nai-report na kasi dati na tatlong miyembro ng kanyang cabinet ay “acting” at hindi isusumite ang mga pangalan sa CA: sina Robredo, Labor Secretary Rosalinda Baldoz at Environment Secretary Ramon Paje.

Palpak na serbisyo ng Cebu Pacific

Ruffy and Tina
Napaaga ang Halloween ng mag-anak na Biazon. Courtesy ng Cebu Pacific.
Ito ang kuwento ni dating congressman Ruffy Biazon at ng kanyang asawang si Trina na sinulat nila sa kanyang blogs.

Nagbakasyon daw sila sa Boracay, sakay ng Cebu Pacific noong isang linggo. Okay ang biyahe nila papunta. Okay rin ang kanilang bakasyon. Ang kanilang horror story ay nangyari noong pabalik na sila sa Manila.

Sabi ni Ruffy, meron daw offer ang Cebu Pacific na kung gusto mo, pumili ka ng upuan mo in advance. Magbayad ka lang ng extra. Dahil kasama niya ang tatlong anak na ang pinaka-bunso ay apat na taong gulang ( ang isa ay 8 at ang pinakamatanda ay 15 taong gulang), nagpa-reserve sila at nag bayad ng extra. Anim sila, kasama ang yaya.

Nang sumakay na sila at naka-upo na sila sa front row, dahil yun ang kanilang pina-reserve, pinapalipat sila dahil bawal daw ang batang mas bata kaysa 15 taong gulang sa upuan nay un dahil yun ang nasa-exit.

Bago huli ang lahat…

Maraming beses nababasa at narinig ko sa mga kaibigan kapag namatayan ng mahal sa buhay sinasabi na “Sana ginawa ko ito sa kanya..” Sana, sana.

Alam ko ang kanyang pakiramdam kasi maraming sitwasyun sa buhay ko na ipinagliban ko ang dapat ko gawin at nang nagkapanahon ako, wala na. Patay na ang tao.

Hanggang ngayun pinagsisihan ko pa rin ang pagkukulang ko sa aking tiyo, kapatid ng nanay ko . Ang tawag ko sa kanya ay Tay Medes.

Walang asawa ang tiyo ko at doon siya nakatira sa aming lugar sa probinsiya. May sarili siyang bahay kubo, katabi ng aming bahay sa aming baryo. Nangingisda siya at gumagawa ng kung ano-anong trabaho makatulong sa mga kapitbahay. May konting tulong din naman galing sa aming magkakapatid.