Skip to content

Category: Abante

Hindi na sana nag-iisa si Heidi

Nagulat ang marami sa pinakita ni Heidi Mendoza na P200 milyon na tsekeng pinirmahan ni dating Maj. Gen. Carlos Garcia at sa kanyang kuwento kung paano pinaikot-ikot ng dating military comptroller ang pera hanggang naglaho na.

Si Mendoza ang government auditor na ang-imbestiga ng kaso ni Garcia na kinasuhan noong 2004 ng plunder o pandarambong sa halagang P303 milyon na pera para sa military.

Sa totoo lang noon pa yun nilabas ni Heidi nang siya ay tumestigo sa hearing ng kaso ni Garcia. Siya lang ang dumiin kay Garcia. Sabi niya 16 na beses siya tinawag ng korte. Nandyan na yung nililito siya sa mga pirma ni Garcia. Ngunit nanindigan siya.

Padalang nawawala

Nakatanggap ako ng sulat mula kina Vincent T. Gonzales at Johanna Nuguid Gonzales na nagtatrabaho sa a Dubai, U.A.E. at sabi nila ay kasalalukuyang nandito sa “ Pilipinas Kay Ganda.” May problema sila sa LBC Express cargo.
Ito ang sulat ng mag-asawang Gonzales:

“ Ito po ay sa problema namin ng asawa ko sa palpak na serbisyo ng LBC Express Cargo dahil nawala daw po yung box na ipinadala namin mula Dubai, para po sa pamilya namin dito at nakapangalan bilang tatanggap ang mother-in-law ko na si Emma V. Nuguid.

“Ang jumbo box (22 x 22 x 30 inches) po na ito na may tracking number na 421001166188 ay na-pick-up sa bahay namin sa Dubai noon pang December 4, 2010 at inaasahan naming mai-deliver sa amin dito sa Tarlac pagkatapos ng isang buwan.

Patuloy na kababalaghan ng Maguindanao masaker

Hindi na ako magtataka kung sa kahuli-hulihan, papalabasin ng mga abogado nina Ampatuan na ang 58 na namatay noong Nob. 23, 2009 sa Maguindanao ay nag-suicide.

At siyempre, kung nag mass suicide nga ang mga ito, walang kasalanan si Datu Unsay Mayor Andal Ampatuan, Jr. at ang kanyang ama na si Andal Sr., ang kanyang kapatid na si Zaldy, dating gubernador ng Autonomous Region for Muslim Mindanao. Hindi malayo na maabswelto na sila.

Matunog ngayon ang usap-usapan na tumataginting na P200 milyon ang pinakawalan na naman daw ng mga Ampatuan at mukhang makamtan na rin ni Zaldy ang kaniyang kalayaan na binigay ni dating Justice Secretary Alberto Agra at naudlot lamang dahil sa lakas ng galit ng publiko. Ngunit habang tumatagal, dumadami ang isyu na pinagka-abalahan ng mga tao, baka makuha na niya kasama na rin ng kanyang ama. Si Andal Jr siguro matagal-tagal pa ngunit doon na rin ang direksyun nun.

Bastos na kinatawan ng edukasyon

MagsaysayPaano ba naging kinatawan ng mga educators itong si sectoral Rep. Eulogio Magsaysay? Bastos pala ito.

Ocampo

Mabuti naman at sinabi ng Philippine Airlines Employees Association (PALEA) na itutuloy nila ang pagsampa ng kaso sa Ombudsman at sa Ethics Committee ng House of Representativces laban kay Magsaysay kahit na humingi na ito ng paumanhin.

Ang nangyari kasi nong Dec. 17, sumakay sa Philippine Airlines papuntang Amerika si Magsaysay kasama ang kanyang asawa at dalawang anak. Nasa Mabuhay Lounge sila sa Centennial airport at kinausap niya ang ground stewardess na si Sarah Ocampo, kung pwede magkatabi sila ng kanyang anak.

Sinabi ni Ocampo na hindi pwede dahil puno sila. Hindi bakante ang katabi niyang upuan.

Ang Porsche ni PNoy

Inspecting his latest toy
Hindi ako nadismaya na bumili si Pangulong Aquino sa kanyang pagbili ng P4.5 milyon na Porsche.

Unang-una, hindi naman niya ninakaw ang perang binili. Benenta daw niya ang kanyang BMW, isang mamahaling kotse rin, at binili nitong Porsche. Hindi lang segunda mano intong Porsche. Tersiera mano pa raw.

May pera naman ang pamilya ni Aquino. Nakalimutan nyo ba na siya ay Cojuangco at may-ari ng Hacienda Luisita?

Wala naman sa batas na nagbabawal sa isang pangulo bumili ng mamahaling kotse na siyang hilig ni Aquino kahit noon pa maliban sa baril. Ang isa pang hilig ay pumunta sa bar. Saka na natin pag-usapan yan.

Ang padrino ni Maj.Gen. Carlos Garcia

Update: Garcia’s P128 million now ‘beyond reach’

Naala-ala nyo ba noong 2009, nabalita na itinakda ng korte sa Amerika ang $2milyon (P92,000,000) na piyansa para sa dalawang anak ni Maj. Gen. Carlos Garcia na si Ian Karl at Juan Paulo na nahulihan ng $100,000 sa San Francisco airport na hindi nila na-declare nang pumunta sila sa Amerika noong Pebrero 2003?

Ang tanong ng marami ay sino ang nagbayad noong $2 milyon na yun? Sobrang malaking pera yun. Naka-freeze ang mga bank deposits ng mga Garcia sa America.

Ngayon na nagkaroon ng plea bargain agreement si Garcia at ang Ombudsman ma maari na siyang lumaya basta magbayad lang siya ng P143.45 milyon sa kanyang ninakaw na P303 milyon (yun lang ang nakita ng pamahalaan. Posibleng meron pa), bumabalik na naman ang tanong na yan.

Dapat ikondena ang pagpatay sa Samar 11

Peace Presidential Adviser visits one of the Samar 11 wakes
Tama ang punto ni Col. Antonio Parlade, Jr., hepe ng Public Affairs ng Philippine Army sa kanyang emosyunal na sulat kung bakit ang mga defenders ng human rights ay tahimik sa ginawang pagpatay ng New People’s Army ng 10 sundalo kasama ang isang bata sa Samar noong Disyembre 14, dalawang araw magsimula ang napagkasunduang ceasefire sa pamagitan ng pamahalaan at ng Communist Party party of the Philippines, National Democratic Front at NPA.

Nagawa ang pagpatay sa pamamagitan ng landmine sa Las Navas sa Northern Samar. Mga miyembro ng 803rd Brigade ang nasawi na pabalik na sa headquarters para umuwi sa pamilya sa Pasko at bagong taon.

Malalim ang sama ng loob ni Parlade. Sabi niya:

“ Ang tanong namin: nasaan ang mga human rights advocates? Nasaan ang mga nagpu-protekta ng karapatan ng mga bata?

Bawal sana ang utak pulbura sa bagong taon

Photo courtesy of http://www.solarnavigator.net from the website of Arnel Syjuco Oroceo
Tatlong araw na lang bago magbagong taon ngunit ang dami nang napuputulang ng daliri sa paputok. Hindi talaga tayo natututo.

Bakit ba ganun tayo mag-celebrate ng New Year, nakakasakit ng katawan?

Noong nagkaroon ako ng Marshall Mc Luhan grant sa Canada noon 1999, nagsalita ako sa isang grupo ng mga Pilipinong estudyante sa elementary grades sa Winnipeg. Tinanong ko sila kung ano ang name-miss nila sa Pilipinas. May ilang sumagot ng putukan kapag bagong taon.

Talagang mami-miss nila ang putukan sa New year dahil istrikto ang Canada sa paglinis ng kanilang kapaligiran.

Kung maari lang umaalis ako sa Manila kapag bagong taon dahil may asthma ko. Kapag New year, nagkukulong na lang ako sa kuwarto.

Dati okay sa probinsiya namin, may sayawan sa plasa. Pag dumating ng hating gabi, umiikot sa buong baryo at sumisigaw ng “Adios” sa patapos na taon at “Viva” sa bagong taon.

Marami pa ang dapat abutin ng diwa ng Pasko

After the blast. Manila Bulletin photo
Dalawang insidente sa Muslim Mindanao ang nangyari noong Sabado na dagok na naman sa seguridad ng bansa at nagpaala-ala sa atin na marami sa atin ang hindi na aabot ng diwa ng Pasko.

Una ay ang pagbomba sa simbahan sa loob ng kampo ng Philippine National Police sa Jolo at ang pangalawa ay ang pagtakas ng apat na suspek ng pambubumba sa detention center ng PNP sa Zamboanga city.

Kung sino man ang may kagagawan ng pagbubomba sa simbahan, maitim ang kanyang kaluluwa.

Nakakabahala din ito dahil kung itong lugar na dapat protektado dahil nasa loob ng kampo ng pulis ay napasukan ng terorista, saan pa ang lugar na ligtas ang ordinaryong mamamayan?

Wala naman daw namatay ngunit sampo ang nasugatan.

Kaya naman pala eh

Ang pagpalaya sa mga Morong 43 ay nagpapatunay na kung gusto talaga, mahahanapan ng paraan. Kaya gawin.

Salamat naman at nagkaroon ng “political will” si Pangulong Aquino na pakawalan ang Morong 43, ang 43 na health workers na nakakulong ng sampung buwan mula pa nang sila ay inaresto noong Pebrero habang sila ay nasa outreach program.

Sa kanyang memorandum order na pinalabas noong Biyernes, sinabi ni Aquino sang-ayon siya na may pagkukulang sa batas ang pag-aresto ng 43. Ito ay nangyari ng malapit na matapos ang termino ni Gloria Arroyo na walang pakundangan nilalabag ang karapating pantao ng mamamayan..