Sa halip na magbigay siya ng panahon sa pagtuturo sa mga prosecutor o piskal kung paano maging asintado sa pagbabaril, dapat siguro ang asikasuhin ni Pangulo Aquino ay ang solusyon sa nakakabahalang sitwasyun ng peace and order sa bansa.
Sa kanyang talumpati sa National Convention ng Prosecutors League of the Philippines sa General Santos City, nagboluntaryo si Aquino na maging instructor ng prosecutors sa pagbabaril. Ang isang hilig kasi ng Pangulo maiban sa mamahalin at mabibilis na kotse at maglaro ng computer games at mag-baril.
Maganda naman sana ang kanyang speech. Sinabi niya na alam niya ang panganib na sinusu-ong ng mga prosecutor na siyang tagapagtanggol ng pamahalaan at mamamayan sa mga kasong criminal. Merong public prosecutors na empleyado ng pamahalaan at merong private prosecutors, mga abogado na kinukuha ng mga biktima.