Skip to content

Category: Abante

Endorsement ni GMA kay Carpio-Morales

Update: Mike Arroyo opposes nomination of Atty. Ernesto Francisco as Ombudsman

Carpio-Morales
Sang-ayon ako sa sinabi ni Atty. Harry Roque na dahil sa oposisyun ni Gloria Arroyo, ang kinatawan ngayon ng pangalawang distrito ng Pampanga, sa nominasyun ni Supreme Court Justice Conchita Carpio-Morales dapat lang siya na talaga ang gagawing Ombudsman.
Why is she afraid of Carpio-Morales as Ombudsman?

Sabi ni Roque, para kay Arroyo ang napatunayang independence na pinakita ni Justice Carpio-Morales sa mga desisyun sa Supreme Court kung saan nannindigan siya kung saan ang akala niyang tama na palagi ay kabaliktaran nang siya ang naka-upo sa Malacañang.

Ang gusto ni Arroyo, sabi ni Roque, ay ang sunod-sunoran sa kanya katulad ni Merceditas Gutierrez.

Sabi ni Roque tinanggihan niya ang plano ng ibang grupo na i-nominate siya para Ombudsman dahil suportado niya si Carpio-Morales.

Halatang ninenerbyus na si Arroyo ngayon na wala na si Gutierrez sa Ombudsman.

Ang problema sa mga “shooting buddies” ni PNoy

PNoy's shooting buddy
Ang isang rason kung bakit mahirap tanggapin ang tinutulak ng Malacañang na pagkansela ng eleksyun sa Autonomous Region for Muslim Mindanao ay ang kanilang kagustuhan mag-appoint si Pangulong Aquino ng mga officers-in-charge (OIC).

Maliban sa mag problema ang legalidad ng ganyang plano, marami na ang hindi tiwala sa kakayahan ni Pnoy na kumilatis ng mga taong ilalagay sa pamahalaan. Sa mga na-appoint ni Aquino ng pagpasok niya sa Malacañang, marami naman ang maayos kasama na doon ang sa kanyang economic team.

Ngunit ang mga na-appoint na ang pinaka-qualification ay kaibigan sila ni PNoy, super ang palpak.

Ang nasa mata ngayon ng kontrobersiya at ang nasuspindi na hepe ng Land Transportation Office na si Virginia Torres, na siyang dahilan kung bakit nag-resign si Secretary Jose “Ping” de Jesus ng Department of Transportation and Communication at apat niyang undersecretaries.

Si Torres ay barkada ni PNoy sa kanyang hilig na pagbabaril (shooting buddy). Nasangkot si Torres sa kontrobersiya ng Stradcom, ang kumpanyang nagku-computerize sa LTO.

Dapat makuha natin ang leksyun bakit lamang ang Thailand sa atin

Enjoying Thailand's floating market
BANGKOK -Nakakabilib talaga ang Thailand pagdating sa turismo. May paraan sila gumawa ng isang ordinariong bagay na kawiling-wili.

Palagi kami nagtatanungan ng aming mga kaibigan na kasama ngayon sa biyahe, kayang-kaya natin ito a. Bakit hindi natin naiisip ito?

Pagdating sa natural na biyaya katulad ng beaches, rivers, hindi nahuhuli ang Pilipinas sa ganda. Para sa akin nga, walang tatalo sa Boracay sa natural na ganda.

Pagdating naman sa pagka-artistic, hindi rin tayo nahuhuli. Bakit hindi natin napapalago ang ating turismo na maaring makapagbigay ng maraming Pilipino.

Hindi dapat ma-insecure si Pnoy sa kanyang pagkabinata

Feeding media with his non-existent lovelife
Sa kakadaldal ni Pangulong Aquino tungkol sa kanyang lovelife, halata tuloy ang kanyang insecurity sa isyu na yan.

Noong isang linggo, pagkatapos niyang sabihin na huwag paki-alaman ang kanyang lovelife, siya mismo ang umungkat sa topic na yan sa kanyang talumpati sa Laguna. Wala namang nagtatanong sa kaya ngunit bago siya nag-paalam, sinabi niya: “Manalig po kayo: Hangga’t pagkakapwa-tao at hindi panlalamang ang isinasapuso natin. Pagbaba ko po sa pwesto sa 2016—sana po’y nakapag-asawa na—babangon naman kayo sa isang Pilipinas na mas maunlad, mas marangal at mas maipagmamalaki sa buong mundo.”

Hindi lang doon niya siningit sa kanyang opisyal na talumpati ng tungkol sa kanyang hindi matuloy-tuloy na pag-aasawa. Sa kanyang talumpati rin sa Iloilo, sinabi niya na baka raw doon siya makahanap ng mapangasawa.

Walang ‘K’ si Tingting Cojuangco sa ARMM

Ting-Ting Cojuangco
Binabatikos so Margarita “Tingting” Cojuangco, tiya ni Pangulong Aquino sa kanyang pagtakbo para sa posisyun na bise-gubernador ng Autonomous Region for Muslim Mindanao na kung hindi maipilit ng Malacañang ang pagpaliban ay gaganapin sa Agosto 8, 2011.

Extended ang deadline ng pag-file ng certificate of candidacy hanggang ngayong araw para sa mga may gusting tumakbo sa posisyun sa ARRM na kinabibilangan ng lima na probinsiya – Maguindanao, Lanao del Sur, Basilan,Sulu at Tawi-Tawi– at ang lungsod ng Marawi.

NoongMartes , walo ang mga nakapagfile ng certificate of candidacy para sa posisyun ng gubernador: Ephraim Baldomero Defino; Alvarez Silal Isnaji; , Elsie New Orejudos; , Pangalian Macorao Balindong; , Kadra Asani Masihul;Pax Pakung Sandigan Mangudadatu; Sahiron Dulah Salim;Ansaruddin-Abdul Malik Alonto Adiong.

Ang kaso ni Leviste at Diokno, panibagong pagsubok kay PNoy

Update:Diokno insists he was not remiss with his job as prison chief despite discovery of Leviste’s trips outside prison.http://newsinfo.inquirer.net/9111/prisons-chief-admits-dropping-the-ball-on-leviste-caper

http://newsinfo.inquirer.net/9262/diokno-defends-self-at-doj

Antonio Leviste, living the life of the free while in prison
Sana ang magiging aksyun ni Pangulong Aquino sa kaso ni Bureau of Corrections Director Ernesto Diokno ay hindi magiging katulad ng nangyari kay Undersecretary Rico Puno ng Department of Interior and Local Government, dating hepe ng Philippine National Police na si Jesus Versoza, at Manila Mayor Alfredo Lim nang sila ay nasangkot sa palpak na pag-handle ng kaso ng panghu-hostage noong Agosto 23, 2010 sa Rizal Park.

Ernesto Diokno: Leviste living out while in prison is just a 'small matter'
Kaibigan daw kasi ni Aquino itong si Diokno katulad din nina Puno at Versoza. Kaya kahit palpak, hindi naparusahan. Nanatiling undersecretary si Puno sa DILG at si Versoza at pina-retire na lang. Hindi na ginawa na DILG secretary na siyang plano sana ni Aquino.

Sabit si Diokno sa kontrobersiya tungkol sa nabulgar na special treatment kay dating gubernador ng Batangas na si Antonio Leviste na nakakulong dahil sa sa kanyang pagpatay sa kanyang kaibigan at kasosyo sa negosyo na si Rafael de las Alas noong 2007.

Naplantsa na ni Merci bago nag-resign

Nakakagalit ngunit hindi naman masyadong nakakagulat ang desisyun ng Sandiganbayan na aprubahan ang plea bargain agreement ng Ombudsman at ni dating Maj. Gen. Carlos Garcia.

Matagal na itong plantsado ni dating Ombudsman Merceditas Gutierrez. Kaya nga noong Marso, nang pina-follow up noon ni Sen. Franklin Drilon kay Gutierrez sa imbestigasyon ng Senado ang kanyang sianbing ipahinto o bawiin ang plea bargain agreement kay Garcia, sinabi niya na pinag-aaralan pa nila. Mag-isang buwan na pag-aaral na yun at marami nang naibulgar si Col. George Rabusa. Talagang gusto talagang palayain si Garcia. At siyempre, nanggaling sa mas mataas ang kuntsabahan.

May nagsabi sa akin na isang mataas na opisyal sa administrasyun ni Gloria Arroyo ang lumalakad sa Sandiganbayan ng kaso ni Garcia. Ang usap-usapan kasi, malaking pera galing sa budget ng military ang napunta sa kampanya ni Arroyo noong 2004.

Ang Coke at ang kalusugan

Coca-Cola Tigers Gerard Francisco and Cesar Catli Jr.
ATLANTA-Tinanong ng isang reporter and mga opisyal ng Coca-Cola Company kung masasabi niya na hindi masama sa kalusugan ang kanilang binebentang inumin at deretso sinagot ng isang opisyal na “Coke is not unhealthy.”

Sa mga interaksyun sa media na ginanap sa 125 na taong anibersaryo ng Coca-Cola, nagkaroon ng sesyun sa kalusugan (Health and Well-Being). Mahalaga ito dahil halos lahat na mga eksperto sa pangkalusugan nagsasabi na masama ang coke dahil marami daw artipisyal na kemikal.

Ang panel na binuo ng para sa topic na ito ay sina Rhona Applebaum, chief scientific and regulatory officer; John Reid, vice president for corporate responsibility; at Ed Hays, vice president for Science.

Kahit umaabot sa 3,500 na iba’t-ibang produkto nila (Sprite, Minute Maid, Fanta, Powerade, at marami pang iba), kapag sinabi nating Coca-Cola ang nasa-isip natin ay Coke.

Talo ng Pilipinas ang China sa inuman ng coke

JB Baylon, VP for Public Affairs and Communications for Coca-Cola in the Philippines at the World of Coca-Cola with Inquirer's Riza Olchondra, Business Mirror's Armin Amio and Cris Nieto of Coca-Cola.
ATLANTA-Alam ba ninyo na sa padamihan ng pag-inom ng Coke, talo ng Pilipinas ang China at ibang malalaking bansa?

Pangatlo ang Pilipinas (una ang Mexico at pangalawa ang Brazil) sa padamihan ng pag-inom ng coke ikumpara sa populasyun.

Ito ang isang impormasyun na aming napag-alaman sa aming pagdalo ng 125 na taong anibersaryo ng Coca-cola dito Atlanta, Georgia sa Estados Unidos.

Hindi ito nakapagtataka. Nang gumawa ako ng coffee-table book para sa Allied Bank, ikinuwento sa akin ng isang opisyal ng bangko na naka-isip sila na magpatayo ng bangko sa isang liblib na bayan sa Marawi sa Mindanao nang mapansin niyang kahong-kahon na Coke ang kinakarga sa bangko para doon. Kung may pambili ng Coke, may pera ang mga tao.

Wala na si Bin ladin, tuloy ang ingat

Ngayong patay na si Osama bin Ladin, ang tanong ng karamihan ay, “Mas ligtas na ba ngayon ang mundo?”
Oo at hindi.

“Oo” dahil kahit papaano, mapipilayan sila. Nawalan sila ng isang lider na inspirasyon nila sa kanilang baluktot na pag-iisip.

“Hindi” dahil siguradong marami naman sila sa kanilang organisasyun at sa ganoong paniwala. May mga bagong lider sa ganoong paniniwala na aakyat balang araw. At dahil nga siguro sa pagkamatay ni Bin Ladin, hindi nakakapagtaka kung nag-aapoy sila ngayon sa galit at gustong maghihiganti.