Habang binabasa ko ang mga report tungkol sa sakit ni Gloria Arroyo, parang naninigas na rin ang aking leeg at likod.
Hindi biro ang sakit sa spine at naintindihan ko ang hirap ng isang maysakit.
Unang dinala si Arroyo sa hospital noong Hulyo 25 nang may naramdaman siyang may naiipit na ugat sa kanyang leeg. Inoperahan siya ngunit pagkatapos ng ilang linggo, nakaramdan siya sakit sa braso. Lumabas sa X-ray natanggal daw sa kinalalagyan ang titatium implant.Mahina na raw kasi ang mga boto ni Arroyo.
Inaayos nila ang implant ngunit pagkatapos ng ilang araw, balik na naman sa ospital si Arroyo dahil may infection daw.
Dahil wala raw ang implant na siyang sumuspurta ng kanyang spine, kinabitan daw si Arroyo ng “halo vest”, mga bilog daw na metal na nakadikit sa kanyang bungo na may mga “bars” na sumuporta ng kanyang leeg.