Skip to content

Category: Abante

Praning ang marami sa ISIS at Martial Law

Resorts World gunman. Photo from PNP PIO.

(Unang lumabas ang column na ito sa Abante)

Ang pangamba ng karamihan habang pinapanood ang balita sa nangyayari sa Resorts World na malapit sa NAIA 3 noong lampas ng hatinggabi ng Biyernes (Hunyo2) ay baka gamitin itong dahilan ni Pangulong Duterte sa pagdeklara ng Martial Law sa buong bansa.

Ang mga unang balita kasi ay sumigaw daw ng ISIS ang mamang sumugod sa casino na may baril. Hindi naman pala totoo. Ang sumigaw daw ng ISIS ay yung mga taong nagtakbuhan palabas.

Ito namang si U.S. President Donald Trump, na nagsalita sa White House mga tatlong oras ang nakalipas at tinawag na “terror attack” ang nangyari. Sabi niya sa kanyang pagharap sa media sa White House:

Palitan na lang kaya ng dilaw ang kulay ng watawat ng Pilipinas

Sen. Bongbong Marcos after delivering the sponsorship speech to name Iloilo highways after parents of President Aquino and Leyte highway after his uncle.
Sen. Bongbong Marcos after delivering the sponsorship speech to name Iloilo highways after parents of President Aquino and Leyte highway after his uncle.
Siguro naman seryoso si Sen. Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. sa kanyang pag-sponsor ng mga batas na ipangalan sa mga magulang ni Pangulong Aquino ang dalawang kalsada doon sa Panay.

Ang dalawang batas ay ideya ng mga kongresista na sina Arcadio H. Garriceta, Ronald M. Cosalan, Jerry P. Treñas, Arthur R. Defensor Jr., Neil C. Tiupas, Oscar “Richard” S. Garin Jr., atd Hernan G. Biron Jr. na nakasaad sa House Bills HB 4400 at HB 4398.

Nakasaad sa HB4400 na ipapangalan kay dating Pangulong Cory Aquino ang apat na lane na circumferential road simula sa kanto ng Iloilo-Dumangas Coastal Road sa Balabago, Jaro District, Iloilo City, papunta sa Buhang, Jaro, Tacas, Jaro at UngKa II, Pavia hanggang sa Mandurriao District, Iloilo City-Pavia-San Miguel . Aabot ang kalsada sa malapit Arevalo District sa Iloilo-Antique Road . Magiging “President Cory C. Aquino Avenue” ang kalsada.

Ano ang nangyari kay Mar Roxas?

Interior Secretary Mar Roxas. Photo by Edwin Bacasmas, PDI.
Interior Secretary Mar Roxas. Photo by Edwin Bacasmas, PDI.
Sinabi ng Board of Inquiry ng Philippine National Police na siyang nag-imbestiga sa trahedya sa Mamasapano, Maguindanao noong Enero 25 na nilabag ni Pangulong Aquino ang chain of command.

Dahil doon nagkandaloko-loko ang operasyon. Umabot sa 67 na buhay ang nalagas kasama na doon ang 44 na miyembro ng SAF, 18 na miyembro ng Moro Islamic Liberation Front at 5 na sibilyan.

Sa halip na purihin ang BOI sa pamumuno ni Police Director Benjamin Magalong, hepe ng Criminal Investigation and Detection Group, inabswelto pa rin ni Interior Secretary Mar Roxas si Pangulong Aquino.

Nagdurugo ang puso ni Aquino sa pagbitaw kay Purisima

Aquino announces he accepted resignation of suspended PNP Chief Alan Purisima last Friday, Feb. 6.
Aquino announces he accepted resignation of suspended PNP Chief Alan Purisima last Friday, Feb. 6.
Noong Biyernes ng gabi, lumabas si Pangulong Aquino (mga isang linggo din siyang hindi nakikita at naririnig mula nang pumunta siya sa lamay ng 44 na miyembro ng Special Action Force sa Camp Bagong Diwa) at nagsalita sa telebisyon tungkol sa trahedya sa Mamasapano, Maguindanao noong Enero 25.

Pangalawang pagsalita niya ito tungkol sa trahedya na hanggang ngayon ay hindi pa natutukoy ng opisyal kung sino tala ang may responsibilidad. Ngunit sa unit-unting lumalabas na balita, kahit mag-kakaiba nagkakaroon ng ideya ang publiko kung sino-sino ang may pananagutan.

Maliban kay Pangulong Aquino mismo, bilang commander-in-chief at nag-amin na alam niya ang tungkol sa operasyon at ang hepe ng SAF na si Chief Director Getulio Napeñas, may kinalaman din and suspendido na hepe ng Philippine National Police na si Alan Purisima.

Kahanga-hanga ang pagpahalaga ng mga Koreano ng dangal; hindi kahanga-hanga ang patuloy na pagdepensa ni PNoy kay Purisima

Mangyayari kaya dito sa Pilipinas ang nangyari kay Heather Co, ang anak ng chairman ng Korean Airlines na humingi ng tawad sa publiko sa ginawa niyang pagsuplada at pag-inarte sa sarili nilang airline?
Malabo.

Suspended PNP Chief Alan Purisima and President Aquino.
Suspended PNP Chief Alan Purisima and President Aquino.
Ito lang kay Police Chief Alan Purisima, inimbistiga ng Ombudsman ang tungkol sa ma-anomalya na pagbigay ng kontrata sa courier na magde-deliber ng mga lisensya ng baril. Napag-alaman na sabit si Purisima.

Sinuspindi. Sa halip na mag-fade away na lang, sinubukan pang ipahinto ang suspension.

Ang Pangulong Aquino naman, na binabandera ang kanyang “Tuwid na Daan”, depensa ng depensa kay Purisima. Kahit na nasuspindi na, pinipilit pa rin na pumirma lang naman daw si Purisima. Baka nalusutan lang daw.

“Nilalagay ko ang sarili ko sa lugar niya? Usisain ko ba lahat na papeles na dumadaan sa agin para pirmahan?” sabi ni Aquino.

Si Sen. Juan Flavier at ang tatay ni Totoy

Most loved. Sen. Juan M. Flavier.
Most loved. Sen. Juan M. Flavier.
Pumanaw ang isa sa pinakamamahal na opisyal ng pamahalaan, si dating senador at health secretary Juan Flavier noong Huwebes.

Nakakatuwa ang mag-cover kay Flavier dahil sa maliban sa mabait at hindi mayabang, grabe sa galing ng kanyang sense of humor. Tawa kami ng tawa kapag ini-interview namin siya.

Bilang lider ng Philippine Rural Reconstruction Movement, maraming taon na sa mga baryo niya ginugol ang kanyang panggagamot. Ang kanyang karanasan sa pagta-trabaho sa mga baryo ay mababasa sa kanyang libro, “Doctor to the Barrios.”

Sa aking pag-cover kay Flavier ng siya ay health secretary noong administrasyon ni Pangulong Fidel V. Ramos, marami akong kuwento at insidente na buhay na buhay sa aking ala-ala. Ngunit ang isa sa palagi kong ibinabahagi sa iba ay ang kanyang kuwento ng iba’t-ibang paraan nagpapasalamat ang mga tao sa probinsiya (dinadalhan siya ng maraming gulay, manok, kambing at baboy) nang siya ay guest speaker sa Cosmopolitan Church sa Taft Avenue.

Trabaho ng pulis ang manghuli ng mga kriminal

Sept. 1, EDSA
Sept. 1, EDSA
Bakit ba ang sa isip ni Pangulong Aquino ay utang na loob ng taumbayan kapag ginawa ng mga opisyal ng pamahalaan ang kanilang trabaho? Di ba kaya sila sinuswelduhan para magsilbi sa taumbayan?

At kapag pumalpak sila, dapat lang na batikusin sila ng taumbayan na siyang sumusweldo sa kanila.

Nagkaroon ng pangalawang SONA si Aquino noong Biyernes sa Malacañang sa harap ng kanyang mga kaalyado. Nakakatawa. Ito ang sinasabing “preaching to the choir.” Nagse-sermon sa mga taong pareho ang pag-iisip sa kanya.

Ayun sa doktrina ni PNoy, basta maganda ang intensyun, walang batas-batas

Basta tama ang intensyun ko, walang mali. Anong unconstitutional?
Basta tama ang intensyun ko, walang mali. Anong unconstitutional?
Ngayon na klaro na ang doktrina ng Tuwid na Daan galing mismo kay Pangulong Aquino, pwede na natin gawin ang gusto natin gawin, basta lang maganda ang intensyun, pasado lahat yan.

Sa cabinet meeting noong Biyernes, inanunsyo ni Aquino na hindi niya tatanggapin ang resignation na inihain ni Budget Secretary Butch Abad kahit sinimplang sila ng malakas (13-0, unanimous, walang nag-disagree) ng Supreme Court sa hindi naayon sa Constitution na Disbursement Acceleration Fund o DAP.

Nakakaduda na ang kilos ng pamahalaan sa kaso ni Napoles

Leila de LimaHindi naman siguro tanga si Justice Secretary Leila de Lima para hindi niya maisip kung bakit pilit na gusto makipagkita sa kanya si Janet Napoles at gusto kumanta.Napoles Philnews

Maraming pagkakataon si Napoles na magsabi ng buong katotohanan tungkol sa panloloko at pagnakaw ng bilyun-bilyon na pera sa taumbayan ngunit hindi niya ginawa. Nang dumalo siya sa hearing ng Senate Blue Ribbon Committtee, wala siyang sinabi. Puro wala siyang alam samantalang nanumpa siya na magsabi na buong katotohanan. “Nothing but the truth,” sabi sa kanyang oath.

Iba na raw ang kuwento ni Napoles nang binisita ni De Lima sa Ospital ng Makati. Nagdawit pa raw siya ng maraming senador at congressman. Merong may nagsabi na 19 na senador daw ang sa kanyang affidavit, meron namang nagsabing 12.

Ngunit hindi raw nila pinag-usapan ang pagiging state witness ni Napoles.

Sinong tanga ang maniniwala na kakanta si Napoles na walang kapalit? Konsyensya daw.

Bagsak si Aquino sa pagsubok sa krisis

Aquino inspecting relief efforts for victims of typhoon Yolanda.
Aquino inspecting relief efforts for victims of typhoon Yolanda.
Ang krisis sa buhay ng tao ay isang pagsubok. Dito makikita ang tatag o kahinaan ng isang tao.

Merong iba na magaling sa pangaraw-araw na gawain, lalo pa sa panahon ng sagana at kaayusan. Ngunit pagdating sa krisis, sa sitwasyun ng kakulangan at pahirapan, wala na.

Mas matindi ang hamon sa mga lider.Tatlong taon na si Pangulong Benigno Aquino III sa Malacañang. Popular siya. Magaling ang kanyang mga tauhan niya sa pagbenta sa kanya. Gusto siya ng mga tao dahil hindi siya corrupt.